Chapter 13

624 23 3
                                    

George's POV

"Kamusta ang mga bata?" Bungad ko kay Carmen na ngayon ay naghahanda ng mga pagkain kasama ang ibang tauhan namin na pinapunta na rin ko dito.

"Tulog parin sila hanggang ngayon, hindi na ata nila namalayan na umaga na. Gusto mo ba sila tignan?" Tumango nalang ako sa kaniya at ngumiti. Inabot niya sakin ang isang susi at sumenyas na umakyat na ako sa taas. Buti nalang at nandito si Carmen, hindi ko alam kung anong gagawin ko kung wala siya.

Umakyat na ako sa 3rd floor at itinaas ang susi na hawak ko, umilaw naman ang isang pinto sa bandang kaliwa ko kaya hindi na ako nag-alinlangan pa na puntahan 'yun. Kumatok ako nang tatlong beses pero mukhang masarap talaga ang tulog nila.

Binuksan ko ang pintuan at bumungad sakin ang mga batang magkakatabi sa sahig at halos magsiksikan na. Hindi ko naman mapigilan na hindi mapangiti dahil sa nakita ko.

Pinagmasdan ko sila isa-isa, magkakadantay ang paa nila Brianna, Kathrina at Alexandra. Si Shine naman ay nasa kama mag-isa. Ang mga lalaki naman ay halos sakupin na ang kalahati ng sahig. Magkayakap si Kristoff at Andrei, samantalang si Jeff ay nakaupong natutulog sa may sofa.

Kung nandito lang sana ang anak ko, kung naaalagaan ko lang sana siya nang mabuti, hindi na sana nahihirapan ang mga batang 'to dahil samin.

Hindi ako nagsisisi na sila ang napili naming bigyan ng mga abilidad at kapangyarihan dahil nararapat lang sa kanilang lahat 'yun. Sana lang ay matauhan na si Shianna sa mga pinaggagagawa niya dahil hindi deserve ng mga batang 'to ang gamitin at tanggalan ng mga kakayahan.

Isinara ko na ang pintuan at bumaba nalang muna. Nagpunta ako sa may library at hinanap ang mga librong may kinalaman sa Acadamia High pati na rin ang libro tungkol sa mga abilities at powers ng mga bata. Napansin ko na merong espasyo sa isang bookshelves kaya agad ko itong tinignan. Hindi ko alam kung tama ang hinala ko.

Inisa-isa ko ang mga librong magkakatabi doon at tinignan ang mga pamagat nito, napagtanto ko na nawawala ang mga librong hinahanap ko kaya agad kong kinontact si Carmen gamit ang isipan ko,

"Carmen? Naririnig mo ba ako?"

"Bakit? May problema ba?"

"Nawawala ang ilang libro dito sa library, sa tingin mo ba nakapasok dito ang isa sa kanila?"

"Imposibl—"

"Babalik na muna ako sa kingdom, bantayan mo ang mga bata."

"Mag-iingat ka,"

Pumikit ako at nag-focus sa itsura, pakiramdam, at temperatura ng pupuntahan ko.

Ilang saglit pa ay nakarating na ako sa kaharian at agad akong pumunta sa silid ko upang doon na kausapin ang mga tauhan kong nagbabantay kila Shianna.

--
Brianna's POV

"Ansarap naman nito, Miss Carmen!" Bulol na puri ni Kristoff sa luto ni Ma'am dahil punong-puno ng pagkain ang bibig niya.

"Umayos ka nga, tumatalsik 'yung kanin dito eh!"

"Ang aga-aga Xandra ako nanaman napansin mo, crush mo talaga ako eh 'no." Ako na ang nandiri para kay Xandra dahil habang nagsasalita si Kristoff ay sinasadya niyang may tumalsik na kanin galling sa bibig niya na sakto kung nasaan si Xandra.

"Mamaya nga pala ay i-eexplain ko ang mga equipments na nasa loob ng training room pagkatapos nating kumain."

"Asaan po pala si Sir Diniego?" Tanong ko. Kanina kasi pagkagising namin ay hindi pa namin siya nakikita. Grabe tulog pala kami magdamag, hindi pa namin malalaman na kinaumagahan na kung hindi pa sasabihin samin ni Miss Carmen.

Acadamia HighTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon