Chapter 46

407 11 1
                                    

Agma's POV


Kinalampag ko ang kulungan ni Helena at agad siyang nagising. "Gusto mo bang makita ang mga kaibigan mo?"

"A-Anong ginawa mo sa kanila?" nanghihina niyang sabi. Natawa ako nang malakas.

"Ako? Wala akong ginawa," lumingon ako sa tauhan ko at sumenyas na dalhin dito ang mga magulang nila Andrei. "...pero sila, meron."

"Walanghiya ka! Walanghiya ka , Agma!" Tumawa ulit ako at hinawakan nang madiin ang pisngi niya mula sa rehas at ngumisi.

"I found your little baby. At hindi na rin magtatagal, bago ko siya mapatay." Kita kong natigilan siya dahil sa sinabi ko at natulala.

"Ipasok na 'yan dito." Binuksan ko ang kulungan at ipinasok ng mga tauhan ko ang mga magulang nila Andrei. Pagkatapos ay isinarado ko na ulit ito at binalutan ng dark shield na hindi nila magagamitan ng powers para makalabas.

"Binigyan na kita ng makakasama mo para hindi ka malungkot diyan. Ang sweet ko diba?"

"May araw ka rin sa akin Agma. Tandaan mo 'yan."


--

Andrei's POV


Matapos mawalan ng malay nina Bri at Jeff kanina, dinismiss na rin kami ni Sir at pinagpahinga. Wala si Kristoff dito sa kwarto at hindi ko alam kung saan siya dumiretso pagkatapos kaming i-dismiss kanina. Wala rin si Jeff dito dahil pinagsama sila sa iisang kwarto ni Bri, kaya mag-isa lang ako at solong-solo ang kwarto namin.

Binuksan ko ang bintana at umupo sa may veranda. Ti-nap ko ang hawak kong bell at humiling ng isang bote ng vodka. Agad na lumabas 'yun sa tabi ko. Dali-dali ko itong binuksan at nilagok nang walang pag-aalinlangan. Ramdam ko na gumuhit sa lalamunan ko, papunta sa sikmura ko ang ang init na dulot ng alak.

Napalingon ako sa pinto nang may kumatok.

"Hey," bungad niya sa akin pagkabukas ko ng pinto.

"May kailangan ka?" tanong ko kay Kath.

"Wala naman. I just wanna see if you're okay. May I come in?" tumango ako. Pumasok siya sa kwarto at tumabi siya sa akin sa veranda.

"Tinungga mo lang 'yang vodka?!" gulat na tanong niya sa akin. Natawa ako sa expression ng muka niya at tumango.

"Gusto mo?" alok ko.

"Mamaya na siguro," aniya. Nginitian ko siya at muling tumango.

"Si Kristoff pala nasaan?" tanong niya habang tumitingin sa paligid.

Nagkibit-balikat lang ako. "Hindi ko alam kung saan dumiretso kanina eh. Kanina pa rin wala 'yun dito."

"Ah, wala rin si Alex eh. Baka magkasama silang dalawa." Napangisi naman ako sa scenario na naisip ko. "Paano kaya 'pag nagkatuluyan ang dalawang 'yun?"

"Nako, magpapa-party siguro ako." Parehas kaming natawa.

"Sige, ako sa lechon," natatawa niyang sabi.

"Kumusta ka pala?" tumungga ako sa bote ng alak, bago ako tumingin sa kaniya.

Nilingon niya rin ako, "Ayos lang," at inagaw ang bote sa akin sabay tungga.

"Grabe ka. Nagulat ka pa kunyari kanina, ikaw rin pala." natawa naman siya.

"Baliw! Actually first time ko 'yun." ako naman ang natawa.

"Congrats, I guess."


Natahimik kami saglit habang pinagmamasdan namin pareho ang mga bituin sa langit.

Acadamia HighTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon