Kathrina's POV
Para kaming nasa disyerto na ewan tapos tumutulo na din ang pawis ko sa sobrang init. Halos puro buhangin lang ang nakikita namin.
"Kath, gamitin mo nga 'yung salamin mo, baka may hindi tayo nakikita dit—ARAAY!" Nataranta naman ako nang makakita ako ng dugo sa braso ni Andrei. Agad kong iwinasiwas ang wand ko sa sugat niya at gumaling naman agad 'yun. Teka dapat ko bang gamutin ang mga sugat na matatamo namin? Bahala na!
Sinuot ko ang salamin ko at napanganga ako dahil andaming knights na nakapalibot samin, tapos anlalaki pa ng mga armor. Siguro nasa 10 sila.
"Napapaligiran nila tayo drei!"
"Sabihin mo sakin kung san sila aatak—"
"Sa kanan mo!" Inistroke niya ang wand niya at lumabas ang isang beam saber, agad niya namang itinusok 'yun sa may kanan niya. Napanganga ko nang makitang naging abo ang natusok niya.
"Natamaan ko ba?" Tumango nalang ako at 'di na nakapagsalita. Huhuhu bakit ang cool niya tignan?
"Sige, sabihin mo lang kung nasan ha, ako nang bahala."
Tumango ako nilibot na uli ang paningin ko.
---
Brianna's POVNapalunok ako ng sunod-sunod dahil natatakot talaga ako. Pero welp, mas okay rin naman mag-isa minsan, atsaka siguro hindi naman titindihan nila Ma'am Selestis ang mga creatures na lalabas dito 'no?
Bumuntong-hininga nalang ako at naglakad-lakad. Medyo pababa na ang araw at halos hampas lang ng alon ang ingay na naririnig ko. Baka naman mamaya may kraken pala na lumabas dito? O di kaya mga sirena na matatalas ang mga ipin? O kaya naman iba pang nakakatakot na sea creatures?
Napalayo ako sa may dagat dahil sa imahinasyon ko. Jusko naman, pano ko madedepensahan ang sarili ko? Ni hindi ko pa nga alam gamitin ang bow and arrow ko, 'di rin naman ako marunong bumaril. Atsaka hindi ko alam kung pano 'tong amulet dahil nakalimutan ko itanong kay ma'am, 'di na rin naman niya nabanggit.
Umupo nalang ako sa buhanginan at nilaro ito gamit ang mga paa ko. Kailan kaya dadating ang mga creatures? Nakakabagot ang tahimik. Kung may pusa lang sana ako dito ngayon.
Tinitigan ko nalang ang paglubog ng araw at muli kong ihinarang ang kamay ko dun at tinignan ang mga liwanag na tumatakas sa palad ko. Napakaganda.
Natuod ako sa kinauupuan ko ng may maramdaman akong mabalahibong bagay na gumagalaw sa may gilid ko. Unti-unti akong tumingin doon at nakita ko ang isang pusang mabalbon at mataba.
Hindi naman siguro 'to kalaban 'no? Tumingin ito sakin at nag-meow. AAAAA BAHALA NA!
Kinuha ko ito at hinaplos-haplos. Huhuhu ang ganda niya. Sobrang puti niya at meron siyang blue eyes.
"Akin ka nalang ha?"
"Meow," Natawa ako at kinarga siya at sabay naming pinanuod ang paglubog ng araw.
---
George's POV
Napako ang tingin ko kay Brianna nang iharang niya ang mga kamay niya sa sinag ng araw.
"George? Wala ka bang ilalagay na creatures diyan kay Bri?"
"Daddy look oh! The sun is so pretty!"
Napangiti ako nang agad siyang tumakbo sa may garden at tumalon-talon. Ilang saglit pa ay ihinarang niya ang kamay niya sa sinag ng araw at tinignan ang mga tumakatakas na liwanag sa palad niya.
"Ang ganda!" She giggled. Lumapit ako sa kaniya at kinarga siya.
"My baby loves nature so much."
"Of course daddy! But I love the sun more." Natawa ako dahil bigla siyang ngumuso at tinuro ang araw.
"Okay, okay."
"George?"
Napabalik ako sa realidad ng alugin ako ni Cardosa. "Ha?"
"Okay ka lang? Hindi ka ba maglalagay ng creatures kay Bri?"
"Ah, one will be enough."
"Okay."
--
Jefferson's POV"The room will be deactivated in three, two, one."
Gigilitan ko palang ang isang werewolf ay biglang bumalik sa dati ang lahat. Napabuntong-hininga ako at tinignan ang mga kalmot na natamo ko, buti nalang ay 'di ganun kalala. Tinignan ko si Shine na hingal na hingal dahil halos naghabulan lang sila ng kalaban niya at sobra niya atang nagamit ang energy niya sa sword niya. May iilang galos din siya pero hindi naman halata.
"Thank you kids, your injuries should not be cured. Para ngayon pa lang ay maramdaman niyo na ang pagod at sakit. Treat them normally." Nawala ang tinted na salamin na humaharang samin para makita sila ma'am, at bumukas na rin ang mga ilaw. Sumenyas naman si Ma'am na lumabas na kami kaya sabay-sabay na kaming lumabas.
Napatingin naman ako kay Bri na may sugat sa ulo, medyo nagdudugo pa. Hindi siguro niya nahalata.
Pagkapasok namin sa room kung saan nandun sila ma'am, wala naman na masiyadong sinabi at pinagpahinga na kami. Pagkapasok ko sa kwarto ko ay agad kong pinindot ang bell at humingi ng antibiotic cream, towel atsaka band aid. Nang lumitaw ito sa table ko ay agad ko itong binitbit palabas. Kita ko naman si Bri na papasok palang ng kwarto habang hawak ang isang pusa.
"Wait," Napalingon siya sakin. Tinignan ko ang sugat niya sa noo, hindi parin pala niya napapansin.
Pumunta ako sa kaniya at hinila siya papasok ng kwarto niya. Pinaupo ko agad siya sa kama at dumiretso sa may banyo niya para basain ang towel na hawak ko. Pagkatapos ay umupo ako sa tabi niya.
"anong—"
"Shh,"
Hinawakan ko ang pisngi niya at dahan-dahang pinunasan ang nagdudugo niyang sugat gamit ang basang towel para malinisan muna.
"ahm, o-okay lang ako na," Hindi ko siya pinansin at patuloy lang sa pagpunas sa sugat niya.
"Meow," Napatingin ako sa pusang nasa kandungan niya at napangiti.
"N-Ngumiti ka ba?" agad akong nag-poker face at tinanggal ang nakahawak kong kamay ko sa pisngi niya. Binuksan ko cream na nasa may kandungan ko at nagpahid konti sa daliri ko atsaka inilagay doon sa sugat niya, pagkatapos ay binuksan ko din ang band-aid at inilapat 'yun sa kung saan siya may sugat. Lumayo ako konti at tinignan ang mukha niya, she's so cute.
"There,"
Kinuha ko ang na ulit ang mga dala ko at tumayo na. Palabas na sana ako ng pinto nang bigla siyang magsalita.
"M-May sugat ka din," Napatingin ako sa braso ko na nagdudgo ng kaunti. Napabuntong-hininga ako at napangiti habang nakatalikod sa kaniya.
"I'm fine, you should be careful." Hindi ko na siya hinintay pa na magsalita at lumabas na ako ng kwarto niya.
*****
BINABASA MO ANG
Acadamia High
FantasyThey say that money can change everything, that it can change you as a person and as a human being, that you can buy a person by giving them a large amount of money. Money is the most powerful weapon you'll ever have in the real world, but have you...