Chapter 14

627 21 4
                                    

George's POV

"Bakit kasi hindi kayo nag-iingat?!" Napapikit ako ng mariin habang minamasahe ang sentido ko.

"Kamusta ang lagay nila?"

"Medyo masama po. Ang ibang kasamahan namin ay napuruhan nang malala at hindi pa nagigising hanggang ngayon."

Iniyukom ko ang mga kamao ko. Kung alam ko lang na magiging ganito ang kalalabasan ng mga plano ko ay sana hindi ko na tinuloy.

"Kamusta ang mga magulang nila?"

"Malubha rin po ang lagay, Sire."

Hindi muna ako nagsalita dahil baka mamaya ay masigawan ko lang sila.

"Ano pong gagawin namin, Sire?"

"Just rest for now, sa Alkhia kingdom at dito muna kayo magbantay nang maigi. Siguraduhin niyong lahat ng healers and wizards ay makakatulong sa pag galing ng mga tauhan natin. Wag niyong hahayaan na makapasok sila dito."

"Masusunod po, Sire. Pero sino na po ang magbabantay sa mga kilos nila?"

"Ako ng bahala,"

"Maraming salamat po."

Pagkaalis na pagkaalis niya ay napasapo nalang ulit ako sa noo ko at napatitig sa kawalan. Hindi ko inaasahan na aabot sa ganito ang paghihiganti niya. Akala ko ay hindi siya makakasakit ng mga inosenteng tao, pero masiyado na siyang nalamon ng galit niya.

Hindi pa ligtas dito sa Kingdom kaya hindi ko pa pwedeng dalhin ang mga bata dito. Mukhang inuuna nilang targetin ang mga tauhan ko para pag dumating ang panahon ay maubusan ako. Hindi ko rin pwedeng pabayaan ang mga magulang ng mga batang 'yun dahil sigurado akong malaki ang magiging epekto nito sa kanila. Ayokong maranasan nila ang mawalan ng mahal sa buhay kagaya ng nangyari sakin.

If only I can bring her back. If only I can change the mindset of my wife, hindi na mangyayari 'to, hindi na magkakagulo. Pero ang natitirang option ko nalang ay ang labanan siya pabalik. Masiyado nang na-brainwashed ang utak niya kaya ang naiisip ko nalang na paraan ay ang pagtugon sa sinimulan niyang sakuna.

Hinding-hindi ko hahayaan na makuha niya sakin ang mga bata. Kung kinakailangang isantabi ko ang sarili kong emosyon, gagawin ko.

Tinignan ko ang litrato naming tatlo sa may lamesa at napangiti nang malungkot. "I wish that I can turn back the time."

---
Brianna's POV

Pabalik na kami ngayon ni Ma'am sa training field. Hindi naman ako ganun katagal naghugas dahil parang may magic ang kusina dito. Itatapat ko lang sa tubig ang mga hugasin tapos ayun, okay na siya. Malinis na, nasabon na, at pupunasan nalang. Gusto ko ngang ma-try minsan na magluto sa kusina dito kasi ang aastig nung mga kaldero. May nalipad, may mga sandok na gumagalaw nang kusa, tapos pati mga oven pwede mo kausapin. Namimiss ko tuloy sa bahay. Kahit isang araw palang ang nakalipas gusto ko ng bumalik doon. Madami rin akong mga gamit na gusto kong kuhain.

Napatingin ako kay ma'am nang bigla siyang magsalita.

"Pwede ba akong magtanong?"

"Ano po 'yun, ma'am?

"Diba sabi mo napakinggan mo ang usapan nila Selestis at ng iba mo pang teachers?" Tumango ako.

"Opo ma'am."

"Tapos hindi nila naramdaman na nakikinig ka hanggang sa may nasagi kang guro na nag-cause ng ingay, diba?" Tumango uli ako.

"I see,"

Kumunot ang noo ni Ma'am at parang may malalim na iniisip. Hindi ko naman na tinanong kung bakit at tumuloy nalang sa paglalakad. Oo nga pala, ginamit ulit namin ni Ma'am kanina yung bola para makababa. Hindi raw pala kasi visible ang 4th floor kapag sa hagdan ka umakyat o ano, kaya kinakailangan daw sakyan yun para makapunta sa 4th floor. Kasya pala ang benteng tao doon sa bolang 'yun sabi ni Ma'am.

Acadamia HighTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon