George's POV
"Sa tingin mo ba tama ang hinala natin?" Minasahe ko ang sentido ko.
"May possibility na oo, may possibility na nagkataon lang."
"Pero paano mo ipapaliwanag ang unti-unting paglitaw ng dark power ni Andrei?"
"We need to see more, let's just observe them for now, hindi ko rin alam."
"Eh si Brianna?" Napahinto ako sa pagmamasahe ng sentido ko at ibinaba ang kamay ko.
"She have the light as her element and—"
"I don't want to get my hopes up, please Carmen, masiyado nang magulo ang isip ko."
"Pasensya na,"
"All we have to do is observe them, sa ganung paraan, makakahanap tayo ng sagot."
--
Agma's POV
Nakatulala kong pinagmamasdan ang litrato ng anak ko. Paano siya napunta sa kamay ni George?
Itinago ko na ulit ang litrato naming at nag-isip. Paano ko siya makukuha kay George?
"You don't need to get him," napaangat ako ng tingin kay Carlo na kakapasok lang.
"Hayaan mong i-train muna siya doon ni George, remember na may dark power din siya? He can help him,"
Napaisip ako sa sinabi ni Carlo. "Focus on your plan, focus on our plan, and then after that, you can get him. I'm sure na malakas na rin siya sa panahon na yun."
"I guess you're right."
"Napag-isipan mo na ba kung sino?"
"Yes, I think she's the one, inoobserbahan ko palagi mga kilos niya. I can read her thoughts too, pinahanap ko rin sa tauhan ko ang background niya, she suits the role very well."
"Kelan ba natin kukuhain?"
"Maghintay nalang muna tayo, kulang pa ang nararamdaman niyang sama ng loob para pumayag siya sa gusto natin."
"Your Majesty?" Nabaling ang atensyon namin sa pintuan.
"Ihahatid ko lang po sa inyo ang iba ko pang impormasyon na nakuha kay Shine Moriones." Napangisi ako.
"Come in,"
---
Selestis/ Shianna's POV
I can't stop thinking about her, I saw her. She uses my element, she uses my light element.
Is it possible that...
Hinawakan ko ng mahigpit ang kwintas na hawak ko.
...she's my daughter?
-----
Kristoff's POV
"Oh sige kita tayo bukas baby, libot mo 'ko ha?" Malandi kong sabi sa babaeng kasama ko ngayon, nakalimutan ko na pangalan eh, basta she can manipulate flowers.
"Oo, ako bahala sayo hihihi," hinawi ko ang buhok niya at inilagay yun sa tenga niya, hahalikan ko palang ang pisngi niya nang bigla akong hinatak ni Andrei. Ano ba 'to panira eh!
Nag-flying kiss nalang ako sa babae at nagpahatak na kay Andrei.
'Panira ka naman boi!"
"Parang gago kasi amputa, nakakailan kana ngayong araw?"
"L-Lima? Hehe," napakamot ako sa ulo ko dahil hindi ko na maalala.
"Diba? Lupet," binitiwan na niya ako at naglakad na kami ng maayos pabalik sa palasyo.
"Bat di mo kasi i-try? Saya kaya," mayabang na sabi ko.
"Ayoko," Tinignan ko siya ng nakakaloko.
"Bat parang seryoso ka diyan? May gusto ka?" hindi siya sumagot at inunahan ako maglakad. Natawa ako at hinabol siya.
"Shet may gusto ka nga? Puta kanino?"
"Wag ka ngang maingay, nakakairita." Mas lalo akong natawa.
"Akala ko gagago-gago ka din, may nagugustuhan ka palang seryoso," di makapaniwala kong sabi. Siniko-siko ko siya at nginitian.
"Sasabihin mo na kasi, sino ba? Secret lang natin." Sabi ko habang tinataas-taas ang kilay ko.
"Wala," hinarang ko ang dinadaanan niya at pinanliitan siya ng mata. Sino kaya pwedeng magustuhan nito?
Napatakip ako sa bibig ko nang may maisip ako kung sino.
"Oh ano? Ano nanaman 'yang naisip mo?" tinignan ko siya ng seryoso.
"Pre wag mong sabihin na kaya hinaltak mo ko sa babae kanina kasi nagseselos k—aray!"
"Gago! Hindi ako bading." Humagalpak ako ng tawa.
"So sino nga?"
"Hindi ka ba titigil ha?" umiling-iling ako at ibinuka ang mga kamay ko na parang nakikipagpatintero sa kaniya.
"Si Brianna, okay na?" nawala ang ngiti sa mga labi ko. Tangina, pano na 'to? Gusto rin ni Jeff si Bri?
"Bat ka natahimik diyan?" nabalik ang atensyon ko sa kaniya at ngumiti.
"Suuuuuus, ikaw ha, may lihim na pagtingin ka pala kay bri!" tumabi ako sa kaniya at hindi pinahalata ang pag-iisip ko. Sana hindi sila magkasira balang-araw dahil don.
"Tagal-tagal na rin, simula palang siguro nung una niyang pagtapak sa bahay." nakagat ko ang labi ko. Shet, pag nagkataon, paano ko sila cocomfort pareho?
"Ewan ko ba, I really like her, gusto ko ako lang yung laging andiyan para sa kaniya. Gusto ko na kapag may problema siya o ano, ako una niyang lalapitan bukod kay kath at alex. Gusto ko na ako magpoprotek---" hindi niya natapos ang sasabihin niya nang bigla akong magsalita.
"Tae pre, nakakakilabot ka." natawa siya at binulsa ang kamay niya sa pantalon na suot niya.
"Basta I really like her, gusto ko na nga umamin," napalunok ako. Sino kaya mauuna, si jeff o si drei? Taina ipit ako nito pag nagkataon.
"kapag may pinagsabihan ka nito," napalunok ako nang makitang nagpalabas siya ng malaki-laking airball,
"Oo na," napakamot uli ako sa ulo ko. Parehas sila mahilig manakot ni Jeff, kainis!
****
BINABASA MO ANG
Acadamia High
FantasyThey say that money can change everything, that it can change you as a person and as a human being, that you can buy a person by giving them a large amount of money. Money is the most powerful weapon you'll ever have in the real world, but have you...