Brianna's POV
Isang linggo na ang nakalipas simula nung sinagot ko si Andrei. Sa loob ng isang linggo na 'yun, sobrang dami ng nangyari. Sinimulan na rin kami i-train ni Andrei ni Sir George ng magkasama at halos lahat naman kami gamay na 'yung elements namin. Halos napagsasabay-sabay na namin 'yung paggamit sa weapons, physical attacks, and abilities namin na walang kahirap-hirap.
"Bri!" napatingin ako kay Alex na lumapit sakin pagkalabas ko ng cr.
"Lagay ka nito," agad kong nilayo ang mukha ko nang makitang may hawak siyang liptint.
"Ano 'yan?!"
"Liptint, duh? Hindi ka naman mamamatay dito, dali na!"
"Eh ayoko! Aanhin ko ba 'yan?" hinila niya ako papunta sa may salamin at tinanggal ang towel na nakabalot sa ulo ko. Sinuklay niya 'yun at halos ibuhos na sakin ang buong pabango ko.
"A-Alex ano ba 'yan!" Tinakpan ko ang ilong ko dahil halos masinghot ko na lahat ng pabango na iniispray niya sakin. Pagkatapos ay inikot niya ang inuupuan ko paharap sa kaniya at pinulbuhan ang mukha ko.
"Ano bang ginagawa mo?" sabi ko habang nakapikit.
"May boyfriend ka na ghorl mag-ayos ayos ka naman! Sige ka maghahanap yun ng mas maganda sayo!" Natawa naman ako.
"Hindi naman ako mahilig mag-ayos eh, atsaka bahala siya 'no," dumilat na ako nang maramdaman kong tapos na siya sa pagpupulbo sakin.
"Heh, wag ka ngang ano, say aah," napailing nalang ako at sinunod siya. Nilagyan niya ang labi ko ng liptint at inikot na ako paharap ulit sa salamin.
"Tadaaah!" Sabay kaming natawa. Kita naming na pumasok si Kath sa kwarto at kakatapos lang ata mag-jogging. Lagi niya na kasi ginagawa 'yun after ng morning training namin.
"Tignan mo, kath. Mas okay pag nag-ayos siya kahit konti 'no?" Nginitian ako ni Kath at nag-thumbs up lang atsaka dire-diretsong pumasok sa cr. Nagtinginan naman kami ni Alex.
"Anyare dun?" nagkibit-balikat siya. Isang linggo na rin siyang iwas samin, hindi ko naman siya makausap kasi laging nasa labas siya or kung saan kapag natatapos training namin, halos tuwing pagtulog nalang namin siya nakakasama.
"Siguro talagang pagod lang lagi. Kita mo naman na halos tutok na tutok siya sa training natin lagi." Tumango ako.
"Go na ghorl bihis kana, yieeee makikita nanaman niya si Andrei mamaya." Humagalpak ako ng tawa.
"Malamang dai, nasa iisang bahay lang kaya tayo." Hinampas niya ang pwet ko.
"Dali na!" umiling-iling nalang ako at nagbihis na.
---
"Hi laaab!" napangiti ako nang maramdaman ko ang mga braso niyang yumakap sa bewang ko galing sa likod.
"H-Hoy nakakahiya!" tumawa siya at iniharap niya ako sa kaniya.
"Aww, nahihiya ang lab ko," namula naman ang pisngi ko.
"HAHAHAHAHAH ang cute," tinampal ko ang noo niya at kumalas sa yakap niya.
"Heh, magtigil ka nga diyan. Kumain kana?" nag-pout siya at umiling, "Hindi pa,"
"Sige sabay na tayo," tinignan ko ang orasan at may dalawang oras pa kami bago ang afternoon training. Umupo siya sa lamesa habang kumukuha ako ng mga kurbyentos at plato, pagkatapos ay inilagay ko ito sa harapan niya. Bago ako umupo sa tabi niya ay binuksan ko na muna ang mga takip ng pagkain na nakahain sa lamesa. Kumulo naman ang tyan ko ng maamoy ko ang mga ito.
"Yan, may dragon ka ata sa tyan eh HAHAHAHAHAH." Sinimangutan ko siya at nagsimula nang magsandok.
"Anong gusto mo dito?" tanong ko habang tinitignan ang mga pagkain na bagong luto pa. Nang hindi siya sumagot ay binaling ko ang tingin ko sa kaniya at nakita kong nakatitig siya sakin.
BINABASA MO ANG
Acadamia High
FantasyThey say that money can change everything, that it can change you as a person and as a human being, that you can buy a person by giving them a large amount of money. Money is the most powerful weapon you'll ever have in the real world, but have you...