Jefferson's POV
"Di ka sasabay samin?" umling ako kay Andrei.
"Mauna na kayo, susunod na rin ako," tumango siya at tumakbo na sa tabi ni bri.
Nang mawala na sila sa paningin ko ay agad akong nagpunta ng banyo. Tinanggal ko ang damit na suot ko at pinagmasdan sa salamin ang mga itim na ugat na lumalabas sa katawan ko. Napahawak ako ng mahigpit sa lababo at dumaing ng mahina. Fucking hell.
Akala ko hindi na ulit lalabas ang mga ugat na 'to dahil ilang taon na rin simula nung hindi ko sila nakita, pero nung nahawakan ko si bri nung gabing 'yun, nagsimula nanaman silang magsilitawan.
Pinikit ko ang mga mata ko at ininda ang sakit na kumakalat sa buong katawan ko, mawawala na rin ito in a few minutues.
Nang maramdaman ko na umayos na ulit ang pakiramdam ko ay idinilat ko na ang mga mata ko, I need to know why...
Why is this happening to me?
---
Brianna's POV
"Laaab, ansakit ng dito ko, tinamaan ako ni Kristoff ng fireball niya." tinuro ni Andrei ang pisngi niya na namumula at nilapit sakin.
"Anong gagawin ko? Kailangan mo ba ng first aid? Gamot?" Nag-aalala kong tanong habang nakatingin sa pisngi niya.
"HAHAHAHAHAHA KAWAWA KA NAMAN!" Asar ni kristoff sa kaniya na siyang ipinagtaka ko. Ano bang meron?
"Kiss mo daw kasi," bulong sakin ni Alex at hinila na paalis si Kath. Napakamot ako sa ulo ko, ganun ba 'yun?
"Hayop ka, pag nahuli kita lagot ka sakin." Natawa ako nang habulin ni Andrei si Kristoff.
"Kamusta kana, Brianna?" napalingon ako sa likod ko at nakita ko si Sir George na papalapit sakin.
"Okay lang po sir," nginitian niya ako at tumango.
"Wala ka bang nararamdaman na masakit o ano? Kayo ni Andrei?" Umiling ako.
"Wala naman po sir,"
"Mabuti naman," Nilipat niya ang tingin niya kila Andrei kaya gumaya na rin ako.
"Kapag sinaktan ka ni Andrei sabihin mo lang sakin ha? Papahirapan natin siya sa training," Sabay kaming natawa dahil sa sinabi niya.
"Maraming salamat po sir, kung hindi po dahil sa inyo malamang napahamak na kami kila Ma'am Selestis." Pinat niya ang ulo ko at ngumiti, "It is our responsibility, anak. Kung hindi din naman dahil samin hindi niyo pagdadaanan lahat ng hirap na 'to, kaya maraming salamat."
"Sir oh si Andrei!" tumakbo si kristoff sa likod ni Sir at nagtago.
Natawa nalang si Sir at tumigil sa gilid ko si Andrei habang nag-mamake face kay kristoff.
"Asan na ang iba?"
"Nasa loob na po ata sir," sagot ni Andrei.
"Sige tara na,"
--
"Make it more powerful!" seryosong sigaw ni Sir kay Shine na nagpapalabas ng air element.
Tinodo lahat ni Shine ng makakaya niya pero hindi niya masira ang barrier na nasa harapan namin. Sabi kasi ni Sir ay kailangan naming masira, o hindi kaya mapuruhan man lang yung barrier na nasa harap namin kasi doon niya malalaman kung talagang nag-improve na ang damage ng power namin.
Para siyang glass wall na ewan, tapos sobrang hirap niyang basagin, kahit nga kaunting crack lang ay wala pang nakakagawa samin.
"Babalikan kita mamaya. Kathrina, try again." Umalis na si Shine sa harapan at pumalit si Kathrina, nagpalabas ng sunod-sunod na waterball si Kathrina at nagsummon ng water dragon. Ramdam namin ang lakas ng paghampas ng dragon niya sa barrier pero wala parin itong epekto.
BINABASA MO ANG
Acadamia High
FantasyThey say that money can change everything, that it can change you as a person and as a human being, that you can buy a person by giving them a large amount of money. Money is the most powerful weapon you'll ever have in the real world, but have you...