Brianna's POV
Kasalukuyan kaming nasa hapagkainan ngayon at tanghali na. Wala naman kami masiyadong ginawa kagabi dahil halos lahat kami ay nakatutok lang sa pinapabasa nila Sir samin. Marami rin akong nalaman na about sa apat na elemental powers. Kada isang wielder pala meron lang isang element na pwedeng kontrolin, nakalagay kasi doon sa libro na parang yung prinsesa lang daw yung may kakayahan na makakontrol ng apat, kung di ako nagkakamali, 'yun ay si Ma'am Selestis at ang anak niya. Tapos dahil nga naging mag-asawa si Sir at si Ma'am, pwede na rin makontrol ni sir yung iba't-ibang elements.
"After we eat, punta muna tayo sa training room dahil ibibigay ko na sa inyo ang mga weapons niyo." Napaangat ako ng tingin kay ma'am, nakupo! Wala pa akong alam sa paghawak ng baril at sa archery. Nakapagbasa naman na ako kagabi tungkol doon pero mas magegets ko sana kung may magdedemo or may magtuturo sakin mismo. Kaso hindi ko alam kung sino magaling mag-archery kila Kathrina, wala rin naman kasi silang nababanggit.
Jusko, bakit ba sakin napunta ang mga weapons na 'yun?
--
"We will give you time to explore and use your weapons on your own. Kayo parin bahala kung ippractice niyo 'yan ngayon, pero bibigay na namin sa inyo para ma-familiarize na kayo. Malawak ang paligid ng training field kaya you can choose wherever you want to practice, nasa app ng cellphone niyo na The Location makikita ang mga best spots na pwede niyong pagpraktisan. It should be outside this building para mas free kayo gumalaw, may barrier naman na tayo dito kaya hindi kayo masiyadong makakalayo dahil kailangan niyo kami para makalabas." Tumango kami at binitbit na ang mga weapons namin.
Tinignan ko ang hawak kong bow at mga arrows. What am I gonna do with this? Meron naman siguro sa youtube kung paano diba?
Umakyat muna ako ng kwarto para kunin ang cellphone ko na full charge na atsaka napagdesisyunan lumabas ng building. Inopen ko ang app na sinasabi ni Ma'am at agad naman lumabas ang isang mapa mula sa kinatatayuan ko. May mga nakita ako na red spots na sa tingin ko ay pwedeng mapagpraktisan. Kumuha naman ng atensyon ko ay ang nasa pinakadulo na spot. Ayos, medyo malayo sa iba. Nakakahiya kung makikita nilang 'di ako marunong gumamit ng pana at baril.
Pinindot ko yung red dot na napili kong puntahan at agad namang lumabas ang direksyon nito kung saan ako dadaan.
Please hold your phone in front of your face.
Agad ko namang tinapat ang cellphone sa may mukha ako at nagulat ako dahil nakita ko ang mismong dadaaanan ko patungo sa napili kong spot.
Tinry ko tignan ang mga puno sa harapan ko at itong-ito nga yung nasa cellphone, may kulay red na line nga lang yung sa cellphone habang nakatapat yun sa dadaanan ko.
"Ang galing," Mahina kong sabi at natawa, ignoranteng-ignorante eh 'no.
Nagsimula na akong maglakad at parang ewan parin na namamangha habang sinusundan ko ang direksyon sa cellphone ko. Hindi na rin naman nagtagal ay nakarating na ako sa spot na napili ko at agad na tumakbo sa gitna nun. Ang ganda dito AAAAA!
Huminto ako sa pagtalon ko at lumingon-lingon sa paligid dahil baka may makakita sakin. Nang masigurado kong wala ay muli akong humarap sa araw at tinapat ang mga kamay ko dun. Pinanuod ko ang liwanag na tumatakas sa palad ko at napangiti. The sun is so pretty!
Ibinaba ko na ang kamay ko at lumigon-lingon kung saan ko pwedeng ipatong ang mga weapons at ang cellphone na dala ko. Nakakita naman ako ng isang malapad na bato sa may kaliwa ko kaya nagpunta ako dun. Nilagay ko ang baril at longbow ko doon. Inexit ko na sa cellphone ko ang location app at agad na nagpunta sa youtube. Sinearch ko agad 'yung how to use a longbow.
BINABASA MO ANG
Acadamia High
FantasyThey say that money can change everything, that it can change you as a person and as a human being, that you can buy a person by giving them a large amount of money. Money is the most powerful weapon you'll ever have in the real world, but have you...