Chapter 44

390 10 1
                                    

Andrei's POV

Lumabas ako ng kwarto ko at kumatok sa kwarto nila Bri, walang sumasagot kaya binuksan ko 'yung pinto. Wala naman akong nadatnan na tao kaya lumabas at bumaba nalang ako.

"Hoy kayo, kumain na ba si Bri?" Bungad ko sa kanila dahil simula kaninang umaga ko pa siya hindi mahanap. Naka-idlip na ako't lahat, ni anino niya, hindi ko pa nakikita.

"Hindi pa, ayaw daw niya kumain. Wala raw siyang gana. Hay nako ayaw sumunod sakin! Kanina ko pa inaaya 'yun dahil halos buong umaga walang kinain! Try mo kaya ayain tutal, ikaw din naman 'di pa kumakain diba? Sabayan mo na!" Tuloy-tuloy na sabi n Alex.

"Daming sinabi ampota," si Kristoff.

"Pake mo ba ha?" Inirapan naman siya ni Alex.

Iniwan ko nalang ang dalawa at hinayaan magbangayan. Napapadalas ata bangayan nila ngayon ah? Mamaya magugulat nalang ako sila na pala. Lumabas ako sa garden at tinignan kung nandun ba siya. Dito lang naman siya palagi nakatambay eh.

Naabutan ko si Jeff na nakaupo sa may bench at nilalaro ang apoy sa kamay niya. Ayoko na sana siyang tanungin kaso baka nakita niya kung nasan si Bri.

"Jeff nakita mo ba si Bri?"

"She's in the library," sagot niya.

"Ah sige, salamat."

Library? Kelan pa siya natutong mag-library?

Binuksan ko ng dahan-dahan ang pintuan sa may library at nakita kong nakatulala lang siya sa librong nasa harapan niya habang hinahaplos-haplos si Frosty sa gilid. Napangiti ako at lumapit sa kaniya.

"Hi lab," niyakap ko siya mula sa likod at ramdam ko naman na nagulat siya. Kumalas siya sa yakap ko at umubo pa ng kaunti. May problema ba siya?

"Okay ka lang ba, lab?" Tumango lang siya at hindi ako sinagot. Meron ba 'to ngayon? Katapusan pa dapat ah?

"Tara na kain na tayo, kanina ka pa daw hindi kumakain." Aya ko sa kaniya.

"Sige na, mauna kana hindi pa ako gutom." Kumunot ang noo ko. Si Bri hindi gutom?

Umupo ako sa tabi niya at sinarado ang binabasa niyang libro. "You need to eat. Magkakasakit ka niyan. Tara na," hindi niya ako tinignan at nilaro nalang si Frosty.

"Ayoko nga sabi," bumuntong-hininga ako.

"Oh sige, ano bang problema? Alam mo naman na pwede kang magsabi sakin diba?"

"Wala. Wala lang ako sa mood."

"Are you sure?" Tumango siya at tumayo, binitbit niya si Frosty at lumabas.

May problema talaga 'yun eh. Alam kong meron eh. May nagawa ba akong mali? Hindi naman siya ganyan nung nakaraan. Simula nang magising lang siya nag simula yung cold treatment niya sakin. Baka naman marami lang talaga siyang iniisip dahil sa mga nalaman niya? Sinabi niya na nga pala sa akin kagabi 'yun. Pero kasi eh, I miss her na.

Bumuntong-hininga ako at tumayo na rin. Okay, understood na. I'll give her space muna.

Lumabas na ako ng library at pumunta sa may dining area. Nakita ko naman na kumakain na sila Alex, habang si Kristoff ay naglalaro ng ml.

"Tangina ang bobo naman ng chou! Funnel tayo, funnel!"

"Ano ba 'yan nasa tapat ka ng hapag-kainan! Bibig mo naman!" Singhal sa kaniya ni Alex.

"Alex naman eh! Naka-open mic ako!"

Umiling-iling nalang ako at kumuha ng tinapay, balak ko na sa taas nalang kumain. Paakyat na sana ako nang mahagip ng mata ko si Jeff at Brianna. Hindi ko napigilan ang pag-iinit ng ulo ko.

Acadamia HighTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon