Chapter 36

459 11 1
                                    

Andrei's POV

"Tulong!"

"Anak!"

"Itago niyo ang mga bata sa training field!"

Nakita ko ang sarili kong nakatayo sa gitna ng kingdom at pinapanuod ang pagtakbo, pag-iyak at pagkamatay ng ilang tao. Kita ko na may mga nasusunod na puno, mga sirang buildings, at may ilang bitak na rin sa lupa. This is just a dream, a dream that will happen soon.

"Hoy," napadilat ako dahil sa paghampas ng unan sakin ni Kristoff.

"Ano na namang panaginip mo ha? Ayan ah, napapadalas na pag-ungol mo." Napakamot ako sa ulo ko at hindi na siya pinansin. Bumangon ako at dire-diretsong lumabas ng kwarto.

"Sungit nito oh! Share mo naman!"

"Letse!" Bumaba ako at dumiretso sa may library, madalas kasi nandito si Sir tuwing umaga.

Pagkapasok ko sa library ay naaabutan ko si Sir na nakatalikod sakin at nakaharap sa bintana. Kumatok ako sa pinto para makuha ang atensyon niya.

"Sir?" Lumingon siya sakin at ngumiti.

"Yes? May kailangan ka?" Umiling ako at pumasok na.

"Have a seat," Umupo siya sa may dulong upuan at umupo ako sa tabi niya.

"What is it?"

"May nakita po ako," sumeryoso ang mukha niya.

"Nakita ko po na parang may susugod sa kaharian, andami rin pong mga patay. Wala po akong nakitang pwedeng palatandaan kung kailan mangyayari, parang biglaan lang din po kasi yung nakita ko sa panaginip ko." Tumango-tango siya.

"We need to train harder."

---

"Dahil sa nakitang pangitain ni Andrei, I need to train your minds on how to respond to a unexpected attacks from the enemies. Pero kailangan niyo muna makabisado ang galaw ng bawat isa."

Binigyan kami ni Ma'am Cardosa ng mga taling asul at pula. Pula sa team namin nila Bri, Blue naman kila kath.

"I will give your team a specific time para makapunta sa iba't-ibang pwesto sa may gubat. Kailangan niyong isuot ang mga taling 'yan sa bewang niyo, at kapag natanggal o nakuha ng kalaban niyo 'yan,hindi na kayo pwedeng umatake."

"May spell kaming nilagay sa mga taling 'yan para hindi ganun kabilis masira o makuha sa inyo, pero you need to make an effort to defend yourself.

"At the end of the forest, may makikita kayong flags na nakatusok doon. The blue one is for the team A at ang red sa team B. You need to get your opponents flag para manalo ang team niyo."

"Sir, pano 'yun? Ang daya may ability si Kristoff na makita lahat. Si Kath din may devil's shade, hindi ba kami malulugi?" tanong ni Alexandra.

"It is up to you." Bumagsak ang balikat ni Alex habang nakatingin kay Kristoff na nakangisi sa kaniya.

"You have to wear this camo clothes, it'll help you." Binigay samin ng isang tauhan ni Sir George ang mga camoflouge na damit.

"I'll give you 10 minutes to prepare, magkita-kita na tayo sa bukana ng forest."

Sabay-sabay kaming lumabas at kasabay ko sila Alex at Bri na maglakad.

"Kaya kaya natin sila? apat sila tas tatlo lang tayo," kinakabahan na sabi ni Alex.

"Alex what's your ability again?" tanong ko.

"Maka-sense ng aura ng isang tao o bagay whether they are good or bad, sound manipulation din." Tumango-tango ako.

Acadamia HighTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon