Chapter 38

402 11 1
                                    

Brianna's POV

Nauna na si Kath na umalis at naiwan ako dito sa kusina, hinugasan ko na muna ang pinagkainan namin.

"You talked to her?" Napalingon ako sa likod ko saglit at nakita si Shine na umupo sa may corner. Ngumiti ako at tumango.

"Gusto mo ng brownies? Meron akong tinira para sa inyo," sabi ko habang nakaharap sa hugasin ko. Rinig ko naman na kumuha siya ng platito. Napangiti ako, kahit na ganyan ang trato sakin ni Shine, alam ko naman na mabait parin siya.

"So, how are you and Andrei?" Inilagay ko muna sa gilid ang mga nabanlawan kong baso't mga kurbyentos atsaka siya sinagot.

"Ayos lang naman, masaya. Parang bago pa rin ang lahat samin, tapos kapag may free time, ayun, usually nagjajam lang kami, o di kaya nasa may garden," nakangiti kong sabi habang naghuhugas. Masiyado ba akong madaming sinabi?

"Hmm, okay na kayo ni Kath?" Binanlawan ko ang natitirang plato sa lababo at inilagay 'yun sa lalagyanan. Nagpunas muna ako sa tuyong basahan na nasa may ref bago umupo sa tabi ni Shine.

"Okay naman kami ni Kath, hindi naman kami nag-away, bakit mo pala natanong?" Nagtataka kong sabi.

"Ah, so okay lang pala sayo na may feelings siya kay Andrei." Tumatango-tangong sabi niya. Natigilan ako sa sinabi niya at parang nabingi.

"Oh, you didn't know? So hindi pa pala niya sinasabi sayo? Naku, my bad, girl." Hindi ako nakapagsalita at halos natulala nalang sa kaniya. M-May gusto si Kathrina kay Andrei?

"Sorry ha, mukhang napangunahan ko pa ata si Kath. Pero akala ko kasi na she told you na. Sabi niya sakin nung isang araw she's going to tell you na eh."

"She told me first kasi sabi niya ayaw niya muna sabihin sayo kasi baka masaktan ka, you know, she's your friend kasi. Pero ayun I told her to tell you na din, siguro bukas or the following day sasabihin niya na sayo."

"G-Ganun ba?" tumango siya habang kumakain ng brownies.

"She looks sa sad nga this past few days eh, hindi mo ba nahahalata? She's crying every night kaya and ang hirap makatulog kasi I always hear her sobs. Tapos umiyak siya sakin nung nakita niya kayo ni Andrei sa garden na sumasayaw ganern, she looks miserable. I pity her," nanginig ang buong kalamnan ko at halos gusto kong saktan ang sarili ko. Bakit hindi ko nahalata? Bakit hindi ko naramdaman na nasasaktan na pala siya dahil sakin? Sobrang insensitive ko!

Tumulo na ang mga luha na kanina ko pa pinipigil nang maalala ko 'yung usapan namin kanina. Napakatanga ko! Nagkwento pa ako sa kaniya ng mga nararamdaman ko for Andrei t-tapos may gusto pala siya kay Andrei. For sure nasaktan siya sa mga sinabi ko. Fuck, kasalanan ko 'to, napakasama kong kaibigan.

"Hala, are you okay? Why are you crying?" Tumayo siya sa kinauupuan niya at niyakap ako.

"It's okay, just cry, for sure maiintindihan naman ni Kath 'yung actions mo because you don't know naman eh diba."

"A-Ang sama sama kong kaibigan S-Shine, hindi ko man lang nahalata na ganun na pala ang nararamdaman niya. N-Nasasaktan ko si Kath, sobrang nasasaktan ko siya." Humihikbi kong sabi.

"It's okay, tahan na, it's not your fault naman. Pero sana nga chineck mo talaga 'yung totoong nararamdaman niya, she needs you pero I guess lumalayo siya sayo because she can't bear to see you with Andrei."

Niyakap ko lang si Shine at umiyak. Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Paano ako makakabawi kay Kathrina?

"I think you should break up with Andrei na kasi diba, siya 'yung cause kung bakit nasasaktan si Kathrina, but it's your choice pa rin naman. Pero mas okay kung maghiwalay na kayo ni Andrei, besides you love Kathrina more than him right?"

Acadamia HighTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon