Chapter 17

575 16 1
                                    

Alex's POV

Ininat ko ang mga braso ko at humikab. Anong oras na ba? Masiyado ata kami nalibang manuod at magkwentuhan nila Bri kagabi jusko. Lumingon-lingon ako sa paligid at nasa kwarto parin pala ako ni Kathrina.

"Oh buti gising kana," Kinusot-kusot ko muna ang mata ko bago tignan si Bri na kakalabas lang ng banyo ni Kathrina.

"Anong meron? Bat ka naligo?"

"Wala lang? Palibhasa kasi di ka naliligo eh 'no, mag-ayos kana!"

Ngumuso ako sa kaniya at tinadyak-tadyakan ang kumot. "Tinatamad pa 'ko."

"Guys! Punta raw tayo sa training room after 30 mins!" sigaw ni Kath na siyang kinagising ng diwa ko kasi na e-excite na akong gamitin weapons ko. AAAAA PWEDE BANG DI NA MALIGO?

"Maligo kana! Tinatamad ka nanaman eh! Di ka kaya naligo kahapon!" Tamad akong tumayo at niyakap-yakap si Bri.

"Bayaaaan! Shoo!" Natawa ako at pumasok na sa cr.

"Briiiiiii! Sabay tayong pupunta sa training room ah!" sigaw ko habang hinahanda ang sarili ko.

"Sige lang. Bilisan mo kumilos ah, baka mahuli na naman tayo nang dahil sayo!" tugon niya na siyang kinatawa ko. Pano ba naman kasi, kapag nagpapa-intay ako sakanya'y laging hindi pa ako handa kaya sa huli, ayon, late kaming dalawa.

---

Nang makapunta kami ni Bri sa training room ay nando'n na silang lahat. Naku! Late na naman ata kaming dalawa dahil sakin.

"Sabi ko kasi sayo bilisan mo eh!" sabi ni Bri tila naiinis pero as if mainis siya sakin hays, mahal na mahal kaya ako neto.

"Kristoff, kanina pa ba kayo rito?" tanong ni Bri.

"Kakarating lang din namin, kala mo late na kayo 'no? Sabi sayo wag kang sasabay diyan kay Alex eh." tugon ni Kristoff na siyang kina-payapa ni Bri na kinabagot ko naman. Binatukan ko nga siya ng malakas.

"Aray! Mapanakit ka eh 'no!"

"Kumpleto na tayo?" tanong ni Ma'am kaya tumango kaming lahat.

"Kaya ko kayo pinatawag kasi susubukan na nating gamitin yung weapons niyo, pero bago 'yon, e-explain ko muna yung rules, and bibigyan ko kayo ng makakasama niyo sa training. Maliwanag ba?" Tumango ulit kami bilang sagot kay ma'am.

Agad agad na may nag project sa hologram na siyang kina-amaze naming mga babae. Nako! Mukhang kailangan na yata naming masanay sa mga ganitong bagay para hindi kami mag mukhang inosente.

Nag swipe swipe si ma'am sa hologram at saka lumabas yung powerpoint na nakalagay is "RULES".

RULES:

1st: Don't tell anyone about your weapons and abilities, unless we told you.

2nd: Don't tell anyone about the locations of the training field.

3rd: Cellphones are not allowed during trainings and practices. You are not allowed to take pictures of the weapons and the activities that you are going to do here.

4th: If you want to bring your weapons with you, make sure that they are hidden and secured. Ordinary humans are not allowed to see them.

5th: Be responsible. Don't fool around and play with your weapons. They are only used when you are in a battle or training.

6th: Teamwork is a must.

7th: If you are in a battle or training, make sure to look after you teammates and help them if necessary.

"As you can see people, hindi gano'n karami ang rules dito kaya madali lang siyang tandaan. If you saw someone na lumabag sa rules na 'yan ay don't hesitate to tell me or Sir Diniego."

"Ma'am, may nakalaan po bang punishment if meron nga po talagang lumabag sa rules?" tanong ni Kath.

"Of course, anak. There's punishment na nakalaan sa mga taong lumalabag sa rules dito. Pero mukhang mapagkakatiwalaan naman kayo at mababait kaya sigurado akong walang gagawa no'n sainyo, tama ba ako?" tanong ni ma'am kaya tumango kaming lahat.

"Dahil alam niyo na ang rules, sasabihin ko na sainyo kung sinong makaka-partner niyo."

Omg sana si Bri partner ko or basta kahit sino sakanila basta hindi si Kristoff!

"Pagka-banggit ko ng names ng magka partner, mag-sama agad ha? Okay, Kristoff-Alexandra—" Tila nabingi ako at nawalan na ng tunog ang mga salitang binabanggit ni ma'am sakin. Wtf? Kapartner ko pa ang hayup?

"Ma'am hindi po ba pwedeng palitan yung kapartner?"

---
Kath's POV

"Ma'am hindi po ba pwedeng palitan yung kapartner?"

Natawa kaming lahat pati si ma'am. Pano ba naman kasi, sabay na sabay na nagsalita si Kristoff at Alex. Jusko halatang ayaw ang isa't isa e.

"Nako ma'am, mas lalo mo silang 'wag paghiwalay-in niyan HAHAHAHAA," wika ni Andrei habang tumatawa.

"Oo nga ma'am, they bring out the best in each other ika nga nila HAHAHAHAHAH," gatong ko.

"Okay sige, sabi nila 'wag raw eh," sabi ni ma'am na kinabigla namin lalo na nung dalawa. Ayos ah, 'di kj si ma'am.

"Hala ma'am, dali na po, please? Ako na po maglilinis sa buong training field wag lang po 'yan ang maka-partner ko," wika ni Alex na siyang mas kinatawa namin kasi yung itsura ni Alex mukhang tanga, pano ba naman kasi nag puppy eyes ang gaga eh hindi naman bagay sakanya.

"Okay lang 'yan, the more you hate, the more you love. Malay mo kayo pa magka-tuluyan niyan." tugon ni ma'am habang nagfifinger heart at natatawa pa rin.

"Eww!" sabi nung dalawa kaya lalong natawa pa kami.

"Okay tama na kakatawa, baka maubusan na tayo ng oras nito."

Pagka banggit ni ma'am kung sinong kapartner namin ay tutungo na kami sa isang room sa training room kung san dun muna kami mag p-practice. So bale ang magkaka-partner ay ako at si Andrei, Jeff at Shine, Alex at Kristoff. At si Bri pala ay solo raw na mag t-training sabi ni ma'am.

Bago pa man kami makapunta sa room na 'yon ay napalingon kami sa yapak na nanggaling sa likod namin, si Sir Diniego pala'y nakabalik na.

"Sir, san ka po galling?" tanong ni Andrei, naku kahit kelan napaka usisero neto.

"It doesn't matter na iho. Magsstart na ba ang training niyo?"

"Yes, may sasabihin kaba muna?" sagot sa kaniya ni Ma'am Cardosa.

Tumango si Sir kaya naman inilipat muna naming ang atensyon namin sa kaniya.

"Hindi pa safe sa Kingdom kaya dito muna tayo pansamantala. Habang nandito kayo ay paunti-unti kong sasabihin sa inyo ang mga dapat niyo pang malaman. Para kahit papano ay pag nasa kingdom na tayo, may alam na kayo. Ingatan niyo ang mga weapons niyo at gamitin lagi sa tama. Maliwanag?"

"Yes po sir,"

"Good, sige na, pasok na kayo dun."

---

Helena's POV

"Nasaan siya!?" Dinura ko sa harapan niya ang dugong lumabas sa aking bibig at nginisian siya.

"Kahit mamilipit ako sa sakit rito, wala kang maririnig sakin."

"Ah gano'n sige! Kuryentihin niyo 'yan!" Napasigaw ako sa sakit at halos hilingin ko na na patayin nalang nila ako.

"Ano? Magsasabi ka na ba?" wika niya habang hinihila ang buhok ko. Nanatili akong tahimik at nilasap ang lakas ng sampal niya.

"Mahahanap ko rin siya, tandaan mo 'yan. Mahahanap ko siya."

***

Acadamia HighTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon