Brianna's POV
"Lab, kain na." Nag-inat ako at tumingin kay Andrei. Nilibot ko naman ang paningin ko at halos ako nalang ang naiwan sa kwarto namin nila Alex, simula kasi kaninang umaga hanggang hapon, nanunuod lang kami sa Netflix at nag-food trip. Tinignan ko ang orasan sa gilid at alas-otso na pala ng gabi.
"Sila Alex?" Mahina kong tanong dahil antok pako.
"Patapos na kumain." Bumangon ako at kinusot ang mata ko.
"Ikaw? Kumain kana?"
"Nope, inaantay kita gumising para sabay na tayo." Umupo ako sa kama at natulala saglit, pumipikit-pikit pa ako. Nagising ang diwa ko nang bigla akong hinalikan ni Andrei sa pisngi.
"H-Hoy!"
"Hintayin na kita sa baba laaab!" natatawa niyang sambit habang natakbo paalis. Argh. Napangiti ako at napahawak sa pisngi ko nang mawala siya sa paningin ko. Kainis kinikilig ako.
Inayos ko na ang kama ko at naghilamos sa cr, at nag-tootbrush na.
Kinuha ko ang blazer ko sa may cabinet at sinuot 'yun, pagkatapos ay bumaba na. Naabutan ko naman sila Alex na paakyat na.
"Akyat nalang kayo ni Drei after niyo kumain ha, " Nakangiting sabi ni Alex. Ngumiti ako at bumaba na.
Naabutan ko naman na hinahainan na ako ni Andrei ng pagkain. Umupo ako sa tabi niya at napatitig sa pagkain. AAAAAA GARLIC BUTTERED SHRRIMMPPPPP!
"Oh teka, hintayin mo naman ako. Hinintay kita kanina 'tas uunahan mo 'ko kumain?" sinimangutan ko siya at kunot-noong hinintay na makaupo siya. Nang makaupo siya sa tabi ko ay agad kong nilantakan ang buttered shrimp.
"Grabe, babae ka ba?" hindi ko siya pinansin at patuloy lang sa pagkain.
Pansin ko na di pa niya ginagalaw ang pagkain niya kaya napahinto ako.
"Kumain kana, sabing 'di ka mabubusog sa kakatitig mo sakin eh." Sambit ko habang puno ng kanin ang bibig ko. Natawa siya at pinisil ang pisngi ko.
"Okay."
Humarap siya sa plato niya at tumitig lang siya sa shrimp, natatawa ako kasi hindi siya marunong magbalat.
"Kamayin mo na kasi," umiling siya. Ang arte talaga neto HAHAHAHAHA. Kumuha ako ng shrimp sa plato ko at binalatan 'yun para sa kaniya.
"Aww, ang sweet naman ng lab ko."
"Last mo na 'yan," nawala ang ngiti sa labi niya at nag-puppy eyes.
"Balatan mo pa ako ng shrimp please?" natawa ako sa itsura niya.
"Manigas ka."
---
Pagkatapos naming kumain ni drei ay naghugas na muna ako ng plato at nag-toothbrush ulit bago sumunod sa kaniya sa may garden.
Nakita ko na nakaupo si Andrei sa may bench at nagpapalutang ng mga leaves, tumabi ako sa kaniya at yumakap.
"Aww, naglalambing ang lablab ko," Ipinatong niya rin ang ulo niya sa ulo ko na nasa may balikat niya. Inakbayan niya ako at nilagay ang isang pares ng earphone sa tenga ko.
I dreamed a dream
Of you and me
I dreamed that we
Were youngItinaas ko ang kamay ko at nagpalutang ng maliliit na white ball. Nagpalabas siya ng dark ball at itinabi sa ginawa kong lightball. Nagmukha naman itong sumasayaw.
And in that dream
We sailed the sea
To a land
We loved"I love you," napangiti ako nang halikan niya ang buhok ko. Wala na, hulog na hulog na talaga ako.
BINABASA MO ANG
Acadamia High
FantasyThey say that money can change everything, that it can change you as a person and as a human being, that you can buy a person by giving them a large amount of money. Money is the most powerful weapon you'll ever have in the real world, but have you...