RAILEY'S POV
Ngayong araw, ginising ako ng sikat ng araw.
Hello Wednesday!
"Ganda ng gising ko!" nag unat-unat pa ako para hindi maantok.
Tiningnan ko ang cellphone ko at nakitang 6:40 na pala!
"Seryoso? Malalate na ako!" 7:30 yung pasok ko eh.
Dali dali akong naligo at nagbihis. Pagkatapos bumaba na ako at nakahanda na ng almusal si Mama.
"Good morning Ma!" bati ko kay mama.
"Good morning nak! Kumain kana dito, malalate ka talaga!" Nginitian ko nalang si mama at umupo na.
Napangiti agad ako nang makitang egg with cheese yung ulam at may kasamang hot chocolate na Swiss miss. Favorite ko kasi to.
Tiningnan ko ang phone ko at nkitang 7:05 na. Well as usual, I'm late. Ilang minutes pa naman yung biyahe papuntang school.
Agad akong tumayo para magtoothbrush sana, pero sa sobrang pagmamadali natapunan ako nung hot chocolate. Ugh!
"Ma may uniform pa po ba ako doon? Natapunan kasi ng hot choco eh."
"Naku anak! Basa pa ang ibang uniform mo, linalabhan pa lang ng labandera natin." Sagot ni Mama. Nagkibit balikat na lang ako at nagpaalam na kay Mama.
Medyo kanina pa ako naghihintay dito sa labas nang village pero wala pa ring taxi. By 15 minutes, my class will start.
Maglalakad na lang siguro ako papuntang market, may tricycle dun panigurado. Medyo malayo rin yung market sa aming village pero binilisan ko na lang ang lakad ko.
Agad akong sumakay nang nakarating na sa market, masakit na nga yung paa ko.
Malapit na ako sa paaralan namin, West University High. Bumaba ako sa tapat nang school, hindi kasi ako makababa sa gate mismo, andami kasing sasakyan na nakaparada.
Diretso akong naglakad at nagulat ako nang may bumusina sa akin. Napaupo naman ako at napapikit.
Mabuti hindi ako natamaan o kaya kahit konting gasgas. Salamat po Lord!
Unti-unti akong tumayo sa kinaroroonan ko. Bumaba naman yung driver nung sasakyan.
"Miss ok kalang ba? Kung magpapakamatay ka wag dito, magkakaproblema pa kami eh." pinagpag ko naman yung palda ko.
"Pasensya na po, nagmamadali lang naman ako kasi wala akong pasok. Kaya nga nakauniform ako eh! At isa pa terror teacher ko dun eh."
Napakamot naman siya nang ulo.
"Sorry miss, nagmamadali rin kami eh. Valiz pala." sambit nyang nakangiti at inabot ang kamay niya sa akin.
Napatingin naman siya sa uniform kong may dumi. Napatingin na rin ako doon.
Nalimutan kong may mantsa nga pala ang uniform ko nang hot chocolate.
Inayos ko na lang ang sarili at tumayo nang maayos.
"Ah... Railey." tumango lang ako at nagpakilala na din.
"Gusto mo bang dalhin ka namin sa hospital?" tanong ni Valiz.
"Ha? Ah wag na, wala namang may nangyari sa akin eh."
Isang lalaki naman yung lumabas sa sasakyan niya.
Well, maputi siya at gwapo rin pero parang masungit.
"Bro, matagal pa ba yan? We're late and we have to go." tiningnan niya ako ng matalim at napakunot naman ang noo ko.
"Railey, we have to go. Ingat ka sa susunod." tugon ni Valiz. Tumango ako at naglakad papasok sa school.
Mukhang mabait naman yung Valiz, pero yung isang yun hindi man lang concerned sa kapwa niya. Tsk tsk!
Malamang most punctual na naman ako nito.
Dahan dahan akong pumasok sa classroom namin, timing naman na napatingin yung teacher namin sa pintuan.
*face palm*
"Uhmm... Good morning Maam Pineda!" bati ko.
"Cortoza!" sigaw ni Maam.
"Yes po Maam?"
"Aba tinatanong mo pa ako ha! Why are you late?! And you look untidy!"
"Maam sorry po, di na mauulit."
"Tandaan mo ang sinabi mo ngayon, and don't expect high grades! Tse! " I know right. Homeroom dapat yung minus sa grades, science naman to eh.
"Good morning, Mr. Andrada!" bati ni Maam sa labas.
"I'm sorry I'm late, may babaeng gustong magpakamatay kasi dun sa kalsada. Tss!" familiar yung boses niya, and based sa voice niya parang masungit.
Tiningnan ko kung sino ba ang mas late pa sa akin, first time nga yun.
Laking gulat ko, siya yung parang masungit kanina na kasama ni Valiz. Tumili naman yung mga kaklase kong babae nung pumasok siya.
Teka, kaklase ko siya? Eh bakit ngayon ko lang sya nakita dito? At ang alam ko hindi sila tumatanggap ng transferees dito tapos middle of the school year na kaya, tapos na yung first sem.
"Mr. Andrada have a seat." napansin ko lang, iba yung pakikitungo ni Maam sa kaniya. Is he something special? VIP? or gwapo lang talaga?
Matapos ang ilang discussion, oras na rin ng dismissal.
"Class dismiss. "
Nung next class na namin, pumunta na ako sa next teacher. Hanggang doon magkaklase pa rin kami nang lalaking yon.
No choice, wala nang ibang upuan kundi sa tabi ko. Tsk tsk.
"Good morning class! We will have a partner activity and next week ito ipapasa, better find your partners and lahat naman magkakapartner besides you guys are 30, so 15 pairs lahat."
"Francis, partner tayo." sabi ko sa isang kaklase ko na nakaupo sa harapan ko.
"Elizze my partner na ako eh." napakamot sya sa ulo nya. BTW, siya lang yung tumatawag sa akin nang second name ko.
"Ah sige."
"Lahat na ba may partner?" tanong ni Maam.
"Wala po akong partner Maam." sagot ko ky Maam.
Wala pa rin palang partner yung kaibigan ni Valiz at sabay pa talaga kaming nagsalita, yun nga lang walang 'po' yung sa kanya.
"Well then kayo nalang ang magpartner."
"Ano?!" napatingin ang lahat kong kaklase sa akin dahil sa sigaw ko.
Ugh! Nakakahiya!
Worst nightmare!
••••••••••••••••
Thanks for reading :)

BINABASA MO ANG
Unexpected Us
TeenfikceThey say love makes you taste happiness not bitterness. Pero andaming mga bitter sa pag-ibig, right? But mas madami ang mga nagbibitter-bitteran. Let's say, Railey Cortoza is one of them. But the question is, hanggang kailan siya magiging bitter? Wi...