"Railey, I love you. You're my first and I want you to be my last." Sambit ng isang hindi ko mainag na lalaki."I know, I love you too." Matagal rin kaming nagkatitigan.
Naaninag ko na ang lalaking umiiyak sa gilid na tila nasasaktan sa nakikita niya.
Teka! Si Dylhan?
May sumusugod na naman sa akin na tatlong babae, pero pinigilan sila ni Dylhan at Valiz bago pa nila ako masaktan.
Nagising ako sa alarm ko. Astig! Nauulit pala yung mga panaginip, pero sobrang weird nun. Corny pa nung scene.
Yay Sundayyyy :)
8 yung simba namin kaya nag ayos na ako.
"Morning Ma!"
"Morning Nak! Kain kana magsisimba na tayo. Kung palaging late sa school dapat sa church hindi, si God yun eh." Nginitian ko si mama.
Nakalimutan kong sabihin na Baptist pala kami. And happy ako dito. Dito kasi talaga ako nag grow sa spiritual life ko eh.
Pumunta na agad kami sa simbahan.
"Anak narinig mo sabi ni Pastor, being a youth hindi dapat na mag enjoy sa mga party2, dapat kayo ang pinaka active sa church dahil malakas pa kayo. At isa pa wala kang makukuha sa party na yan ha at mga inom na yan, pleasing nga siguro sa flesh pero miserable naman buhay mo, and hindi ganiyan yung gusto ng Diyos sa inyong mga kabataan at teenagers. Kaya anak, wag mong kalimutan na lumapit sa Panginoon. Lagi siyang handa makinig at tulungan ka sa problema mo." Thankful talaga ako sa mama ko. Napangiti ako.
Teka naalala ko yung nangyari sa Seaside. Mali talaga ako ng pinuntahan nun.
"Thank you ma, I love you! Lagi kong tatandaan ang mga sasabihin niyo."
Pagkatapos nang aming simba, naghanap kami ng makakainan.
"Nak san mo gustong kumain?" excited na akong kumain!
"Ikaw ma saan mo gusto?"
"Sa Food Deluxe kaya?" Tumango ako sa kaniya.
Pagdating doon naghanap na ako ng mauupuan at nagorder naman si Mama. Uupo na sana ako ngunit may umagaw ng upuan, teka!
"Dylhan?"
Anong ginagawa ng mokong to dito?
"Sorry miss, looks like you have to find another chair." nginisian niya ako. Kapal!
Hindi na ako nagsalita naghanap nalang ako ng mauupuan.
"Miss, dito ka na lang umupo, aalis na rin ako eh." naningkit ang mata ko nang makitang mukhang pamilyar siya, Nagulat naman ako bigla. Yung cap niya, may punit na design. Siya ba yung nagligtas sa akin sa seaside? Then yung built niya parang katulad talaga nung nagligtas sa akin.
"Ikaw ba yong-----?" tumango naman siya. Mabuti naman natatandaan niya pa ako.
"S-salamat, hindi ko alam kung paano makababawi sayo."
"Walang anuman, sa susunod mag ingat ka." ngumiti siya at umalis na.
"Lei, anak, bat tulala ka dyan? Eto na yung food. "
"Ah sge po upo na tayo."
Nanalangin na kami at kumain na.
"Ma pwede magtanong tungkol sa inyo ni papa?" natigil naman siya sa pag-inom ng tubig at biglang nag-iba yung timpla ng mukha niya.
"A-ahh, bakit ano yun?"
"Gusto ko po kasi malaman ano yung nangyari talaga, kung bakit kayo naghiwalay kung bakit niya tayo iniwan?"
"Masama yung pakiramdam ko nak, tapos ka na bang kumain? Uuwi na tayo."
"Ah sige ho." iniiwasan niya talaga.
Nang aalis na kami nakita ko rin umalis ng FD si Dylhan ng padabog. Bakit kay?Baka naman hindi dumating ka date niya. Sungit eh, di tuloy sinipot.
Pagdating sa bahay, natulog ako at paggising napagdesisyunan kong magbike, exercise na rin.
Naglibot-libot ako at nakita ko yung babaeng nanampal kay Val sa mall. May kasamang cute na aso. Dito rin pala siya nakatira, kaya pala pamilyar siya at parang nakita ko na si Valiz. Siguro dinadalaw niya yung babaeng to.
"Ma'am Sophie, pasok na po kayo hinihintay ka na ng Daddy mo." tawag nang babaeng nakapang yaya na damit.
Infairness, ang laki ng bahay nila at ang ganda. Mukhang mayaman nga talaga, naka uniform pa yung mga yaya nila eh. Grabe parang ngayon pa lang ako nakapaglibot dito.
Bago umuwi, dumaan muna ako sa may streetfoods at asalan malapit sa entrance.
Isaw nalang siguro sa akin at yung dugo.
"Sampung isaw at dugo nga manang tapos dalawang coke na rin." teka! Antakaw nito dinoble niya pa kung ilan ang binibili ko, tapos inunahan pa akong umorder at pareho pa yung gusto namin.
Napatingin naman ako sa nagorder. Teka! Siya ba yung nagligtas sa akin? Yung nasa FD kanina?
"Limang isaw at dugo akin manang at coke."
"No need nakapag order na ako." sabi niya na ikinagulat ko.
"Ha?"
"Libre ko na."
"Ahh, grabe salamat! Timing wala akong dalang pera eh. Paborito mo rin pala yung isaw tsaka dugo?" napatawa naman siya.
"Ah oo, actually palagi kitang nakikita dito tapos yan ang binibili mo. Kaya nang makita kita dito naisip kong ilibre kita."
"Really? Ibig sabihin taga dito ka rin?"
"Yes, and about dun sa pagligtas sayo, wala yun. Nagkataon din kasi birthday nang kapatid ko nun sa beachside. At nung nakita kita nalaman kong ikaw ang palaging bumibili rito. "
"Ah kaya pala, pero salamat talaga sa pagligtas sa akin." ngumiti ako sa kaniya.
"Sir, heto na po yung order niyo." inabot naman niya ang bayad at inilapag niya yung inasal sa may mesa, kaya umupo na rin ako.
Kinuha ko na yung akin at kumain na. Grabe! Sarap! dalawang dugo na lang at isang isaw ang natira at napagdesisyunan kong iuwi na lang sa bahay.
"Grabe ang takaw mo at ang bilis mong kumain." nagpeace sign naman ako.
"Pasensya na gutom eh." napatawa naman kami.
"Ah, mauna na pala ako, baka mag alala si mama na natagalan ako sa pagb-bike."
"Sige, ingat!"

BINABASA MO ANG
Unexpected Us
Genç KurguThey say love makes you taste happiness not bitterness. Pero andaming mga bitter sa pag-ibig, right? But mas madami ang mga nagbibitter-bitteran. Let's say, Railey Cortoza is one of them. But the question is, hanggang kailan siya magiging bitter? Wi...