CHAPTER 10: Solved Puzzles

940 22 0
                                    


RAILEY'S POV

"Aba himala hindi late si Cortoza." tiningnan ako ng iba kong kaklase at nagkibit balikat na lang ako.

"Get a one half sheet of paper everyone!" utos niya sa amin.

"Number your papers 1-5 for--- "

"Huh? Up to 5 lang yung test niyo Maam? Mas himala pa yan kesa sa pagiging late ni Railey!" at nagtawanan ang lahat. Aba loko to ah dinamay pa ako.

"I'm sorry Lyndon pero hindi pa ako tapos magsalita!" sabi ni Ma'am Mainit at Mataas ang dugo.

"Okay! Number your papers 1-5 for test I, 6-13 for test II and 1-27 for test III. Dont worry class this test is easy... And better 1 whole na lang pala ang gamitin niyo."

Katahimikan. Oh diba! Nganga kaming lahat.

"Okay number 1......"

Natapos rin ang test namin at dito na ako sa English class namin.

"Class Goodmorning! I'm sorry dahil 2 days after this day ay ipapasa niyo na ang project niyo. Aalis kasi ako, pupuntang Iloilo to give grade 6 students their NAT. I'll be leaving for 1 week and a half so expect a sub teacher. Hindi pwede na sa kaniya niyo yan ipasa dahil hindi niya alam ang project na yan. She's a teacher from Mina Real, a cousin of mine. I'll check your projects on my free time. Please class cooperate. Thats all thank you! You can start making now." mahabang pagpaliwanag ni Ma'am Assuncion.

Lumabas na rin si Ma'am at ipinatong ko ang aking kanang pisngi sa kanang kamay at hindi alam ang gagawin samantalang ang iba gumagawa na sila.

"Uhmm, Railey. Sisimulan na ba natin?" tanong niya habang kinakamot ang likuran ng tenga niya.

"Wala akong materials." tipid na sagot ko.

"Uhmm, okay. Tatawagan ko lang si Manong Eddie, ipapabili yung materials."

"Ah wag na. Ako na lang ang bibili mamaya."

"No, mas mabuti maaga ang mga kakailanganin natin."

"Baka busy kasi si Manong Eddie mo eh."

"Ako na ang bahala."

"Bat biglang naging mabait ka? Nakarmahan ka no?"

Magsasalita pa sana siya pero dumating si Vinxy at tinawag ako.

"Railey pinapatawag ka ni Maam Andrada."

"H-ha? Sige susunod ako." sumunod ako sa kay Kuya Vinxy. Siya ang president ng Student Council. He's in Grade 12 pero isa lang ang section nila.

Hindi ko alam pero kinakabahan na ako.

"Guys nakita niyo na ba ang video?" napatingin naman ako sa nagsalita. Section B yun ah. Napatingin naman siya sakin. Dinedma ko na lang at naglakad na.

"Good morning Maam Andrada!" bati ko. Pero hindi ko inaasahan na nandito si Ailee at ang parents niya.

Binati ko sila at napayuko na lang ako.

"So you are Railey Cortoza? May we know why did you stole our daughter's racket?" paninimula ng mama ni Ailee. Napataas naman ang kilay ni Ailee sa akin.

"I'm Arlene Jimenzo, by the way."

"Tita Sorry po, pero hindi ko po iyon ginawa at hindi ko po iyon magagawa." but she's not convinced, ofcourse.

"I believe meron ka ng sarili mong racket." sabi ng mama ni Ailee ulit.

"That's the point Tita, I have my own at hindi ko na po kailangang magnakaw pa dahil meron akong sariling racket." kumunot ang noo ni Ailee.

Unexpected UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon