CHAPTER 11: At the Mall

939 20 0
                                        


Nandito kami ngayong lima sa mall. Lima kami dahil nagpumilit si Dylhan na sumama. Project daw naman namin to.

"Okay, total nagpumilit kang sumama bumili ka na ng materials doon sa school supplies. Inilista ko na lahat na kakailanganin natin. Ititext ka na lang namin kung saan magkikita. Clear?" sabi ko.

"Tss! Gusto mo lang yata makuha yung number ko eh." bulong niya.

"Aba! Sige pagkatapos nito umuwi ka na at gawin mo yang project sa bahay niyo! Mag isa! Talagang talaga!" inis kong sabi.

Wrong move Railey. Wag masyadong masungit.

Inhale...

Exhale...

Kinuha niya ang phone niya at may pinindot-pindot.

"Here's my number."

"Kayo na lang kumuha ng number niya." sabi ko sa tatlo at pangitingiti naman sila.

"Ibigay mo na lang rin number ni Railey." sabi niya.

"Ano? Hindi pwede!"

"How can I text you if tapos na ako o hindi pa? Diba." Paraparaan pa ito eh. Pero sabagay.

"Okay."

Nandito na kami ngayon sa TeenGirls.

Pumipili kami ng Shirt Goals. Para may parehas kaming damit na apat.

Bonding time! Hehe.

Bumili kami ng dalawang t-shirt para sa amin. Yung isang binili ko is may nakasulat na 'Best' na may drawing na babae at yung pares nito is yung kay Kale, may nakasulat na 'Friends' at may drawing na dalawang perfect kilay. Ang weird pero ang cute.

Yung isa ko naman is kulay violet na may nakalagay na "Saved by Grace".

Yung kina Rianne naman is cute na donut at frappe na may cute faces. Kay Rianne is yung word na 'Best' at may donut. Sa kay Louisse naman 'Friends' na may Starbucks na frappe.

Pumunta kami sa may Music Zone pagkatapos. Makikita rito yung different brands ng instruments. Tumingin kami ng mga gitara, marunong kaming lahat nito pero mas gusto ko yung organ, si Kale naman ukulele, si Louisse ay violin at si Rianne yung magaling kumanta.

Ang mamahal na talaga ng mga instruments dito sa Yamaha. Mas mura yung sa JB Music.

Pumunta naman kami sa Arcade Zone. Naglaro kami ng basketball kahit hindi kami marunong. Shooting lang ang alam namin pero ayon sa PE teacher namin, 'shooting is the first basic skill to be learned.' Kaya go lang kami.

Kinuha ko ang phone ko para makapagselfie kami pero biglang kumunot yung noo ko nang makitang may limang messages.

Unknown number.

"Wait! Ang familiar nung number."

"Teka! Number ni Dylhan yan."

+639*********

Nasaan na kayo? Nandito ako sa foodcourt.

Railey san na ba kayo? Lumipat ako. Nandito ako sa Starbucks.

Umuwi na ba talaga kayo?

Ako na ba gagawa ng project?

Pano? Wala akong ideya dito. Nasan na kasi kayo?

"Hala! Pakitext niyo please, wala akong load."

"Always naman eh."

Unexpected UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon