Napaisip naman ako.
"Eh hindi naman sa inyo itong ticket station eh." sagot ko.
Kumunot naman yung noo niya.
"Kahit na, you dont know how powerful I am."
Wow! Natakot ako dun ah!
Tiningnan ko naman siya nang masama.
"Hindi porket mayaman ka, makukuha mo na ang lahat! Nauna naman akong kunin yun eh."
"Guards, palabasin niyo na nga to!" utos naman niya.
Hinawakan nila ang kamay ko at kinaladkad ako nila palabas. Hindi na ako umimik, dahil wala na rin akong magagawa.
No! Bye Alex!
VALIZ' POV
"Mukhang malala yung partner ko sa output. Tss!" sabi ni Driv.
"Grabe ka naman bro, mukhang mabait naman siya. Tsaka maganda rin naman ah. Di mo ba type?"
Ewan ko ba bakit magaan ang loob ko sa kaniya.
"Watch your words! Padis na nga lang tayo, magpapahangin lang." aya niya sa akin.
"Di ko trip bro, shopping na lang tayo." nandiri naman siyang tumingin sa akin.
"Napakabakla mo! Kadiri! Pero sige, tara sa Staromia." tumango naman ako kaagad.
Pumunta kami ng Bench at namili ng damit.
Nagpaalam sa akin si Driv na bibili daw ng ticket para sa concert, paubos na rin daw eh.
Namili na lang ako ng t-shirt at binayaran na din.
Ilang minuto na at wala pa rin si Driv.
"Wala pa rin siya? Asan na ba yon? Wag nalang kaya siya bumili ng damit! Sayang magmamatchy sana kami eh." oh sige Val! kausapin mo pa sarili mo para magmukhang baliw.
Nagdecide na akong puntahan siya.
Nagulat naman ako sa nadatnan. Nagbabangayan sila ng isang babae.
Teka! Si Railey yon ah.
Tumakbo ako papunta sa kanila. Pero hindi ko na naabutan si Railey, kinaladkad na ng mga guard.
"Driv bat mo ginawa yon? Babae yon bro!"
"Val, kailangan ko ang ticket na to, ito na yong pangarap ko. Kailangan kong makausap si Alex para makakuha nang form. Alam mong limited yon, US na yon tol eh."
"Madami pa namang time para makabili ka eh, sa inyo naman itong mall, and may bukas pa naman."
"Alam mo namang hanggang ngayong araw lang yung VIP ticket, tsaka ano bang pake ko sa kanya. Naaawa ka dun? Ang sungit nga nun eh."
"Pareho lang naman kayo bro eh." natatawa kong sabi at umiling na lang.
Binatukan niya naman ako.
Naglibot libot na lang kami sa mall at umuwi na rin pagkatapos.
RAILEY'S POV
Tinext ko na sina Rianne na sa MOA na lang kami magkikita. Pagkatapos kumain kami sa foodcourt, kinwento ko na rin ang nangyari.
"Ay grabe pala siya, mukhang bad nga talaga." sabi ni Kale.
"Hayaan niyo na yun."
Nagdecide na rin kaming umuwi pagkatapos.
BINABASA MO ANG
Unexpected Us
Roman pour AdolescentsThey say love makes you taste happiness not bitterness. Pero andaming mga bitter sa pag-ibig, right? But mas madami ang mga nagbibitter-bitteran. Let's say, Railey Cortoza is one of them. But the question is, hanggang kailan siya magiging bitter? Wi...
