It's Friday!
Naligo na ako at kumain nang mabilis. Nagpaalam na rin ako kay mama pagkatapos. Nung malapit na ako sa school, may humintong kotse sa gilid ko. Nakita ko si Valiz sa loob nito.
"Sakay na Railey!" Sumakay nalang din ako.
Pagpasok sa school, bumaba na ako malapit sa building namin.
"Thank you sa ride Valiz."
"Val na lang." tumango na lang ako at ngumiti.
Mabuti hindi ako late, kahit papano nakatulong yung ride na yon.
Natapos ang 1st at 2nd period namin. Usual na araw lang.
"Dylhan!" tinawag ko siya at lumingon siya.
"Yung sa output, pwede ba tayong mag-usap?" Tanong ko.
Lumapit siya sa akin at hinila niya ako sa gilid ng room.
"May pa output kapang nalalaman, aaminin mo lang naman crush mo ko!"
"Ha? Naririnig mo ba sarili mo? Wag kang feeler, seryoso ako ngayon." Tumango naman siya at parang sinasabi ituloy ko yung sasabihin ko.
"Y-yung sa VIP ticket to. Kahit ako na yung unang nakapareserve nun, wala na akong pake sayong sayo na yun. I guess mas need mo eh. Basta simulan na natin tong output. Deal?" napangisi naman siya.
"Deal!" Nakipagkamay siya sakin.
"Anong nangyari sayo? Bat ang bait mo ngayon?" tingnan mo nga naman.
"Ikaw na nga binibigyan ng chance eh! Tse! Lis na ko." umalis na ako at pumunta sa 3rd period, syempre kasama ko si Kale.
Math pasensya ka na kung hindi ko talaga makita yung halaga mo. Sakit ka kasi sa ulo, huhu!
Nung lunch time na, pumunta kami sa MOA nina Rianne.
Syempre as usual umaabang naman sila ng mga gwapo.
"Umaygash, Railey! Tingan mo kung sino yung gwapong parating." Ha? wala naman akong may nakikitang gwapo.
Nakita ko namang si Dylhan papunta dito.
"Sabi ko na nga ba, stalker kita eh!" napatawa naman ako sa sinabi ko.
"Ikaw kaya sumunod sa akin, bakit naman ako hahabol sa aso? Tsaka dapat ikaw nga naghahabol sa akin eh, ano ba kasi yung role nung aso?" tinignan ko naman siya ng masama.
"Excuse me! Hindi ko naalalang close tayo."
"Pwes ako naalala ko." Ay?
"Ehmm! Buhay pa naman kami dito, ano." singit ni Louisse.
Ngumiti naman siya sa tatlo at todo kilig naman sila.
"Girls, una na ako. Baka makain pa ako ng buhay ng alaga niyong aso." tumawa naman ang tatlo.
"Tara na nga!"
Sa di malayo nakita ko si Valiz, may kasamang babae. Parang pamilyar nga yung girl eh.
Nagulat kaming tatlo nang sinampal siya nang kasama niya, kanina lang nag-uusap lang naman sila ah.
Nagsigawan na sila.
"Babe I hate you!" sabi nung babae. Napatigil naman si Val.
"Babe laro ang lahat! Babe please stop, I'm breaking up with you!" Sigaw ni Val.
Medyo nagulat yung babae kaya biglang umalis.
Aba matindi! Babe pa rin tawagan nila, HAHAHAHA!
Yan na nga ba yung concern ko eh.
Umalis na kami don, ewan ko ba ano na nangyari sa dalawang yon.
Pumunta kami ng Padis para kumain at magpahangin. Nagdecide akong umupo sa bench sa labas ng Bar. Seaside Bar kasi ito, naglakad-lakad na rin ako at nagisip-isip.
Grabe ang presko ng hangin. Umupo ako sa buhangin at dinama ang hangin at hampas ng alon.
"May lalaki pa kayang matino? Mahalin ka at hindi iiwan?" bulong ko sa sarili ko.
Medyo malayo na to sa Bar, alon at hangin na lang talaga maririnig mo. Nakarinig naman ako ng mga nag-uusap at napatingin ako sa grupo ng mga lalaki.
Hala? mga lasing ata.
"Miss mag isa ka yata, sabayan ka na namin." sabi nung isa at tumingin sa kasamahan niya.
Wait! Omaygash! Ano na yung gagawin ko?
"Mga pre, jackpot tayo ngayon!"
Agad akong tumakbo ng mabilis, pero hindi ko napansin na may coconut shell pala kaya nadapa ako. Ughhh!
What should I do? Then naisip kong manalangin.
Lord alam kong ikaw lang yung makakatulong sa akin, kaya tulungan mo ako, nagtitiwala ako na ililigtas mo ako. In Jesus name, Amen.
Napapikit na lang ako dahil di alam ang gagawin nang hinawakan nung isa ang braso ko.
"Layuan niyu nga siya!" Napatingin ako sa sumigaw at hindi ko makilala dahil nakacap siya.
Hindi ko alam kung paano niya napatumba yung apat, dahil nakabulagta na sila, dahil sa kalasingan na rin siguro.
Tinulungan niya akong tumayo at pinagpag ko naman yung damit ko.
"S-salamat" sabi ko. Tumango siya at umalis na. Hindi ko makita ang kaniyang mukha dahil sa cap niya, yung built niya lang yung maaalala ko siguro tsaka yung cap niya na may punit na design. Maya maya ay bumalik na rin ako sa Bar.
Seriously, kaya nga delikado sa mga tulad nitong lugar eh. Kung hindi lang sa tulong ng Diyos hindi ko na alam.
"Oh Railey! Saan ka naman pumunta? Kanina ka pa namin hinahanap." si Louisse.
"Mahabang storya." tipid kong sagot.
"Uwi na nga lang tayo." aya ko.
"Sige patapos na rin kaming kumain."
"Bilisan niyo na, mahirap sumakay kapag gabi na eh."
"Mahirap nga talaga kapag sumasakay lang siya sa nararamdaman mo." singit ni Rianne.
"HUGOT QUEEN!" Sabay naming sabi nina Louisse at Kale at tumawa.
Umuwi na rin kami nung natapos na ni Kale yung smoothie niya.
Dumiretso agad ako sa kwarto pagkadating sa bahay at humiga ako sa kama ko. "Sino kaya yung nagligtas sa akin, kilala ko ba siya?"
Di ko namalayang nakatulog na ako.
Nagising ako kinabukasan tanghali na. Kumain na ako sa baba at nag fb na lang.
At hindi ko na namalayan yung oras, 3 hrs na pala ako sa FB. Alas tres na eh.
Kumain na lang ulit ako ng pangmerienda. Pagkatapos nagbike sa labas, tapos pag-uwi kumain na ulit ng hapunan.
At bago matulog nagdevotional muna ako. Sarap magbasa ng Word of God.
Convicted talaga! Grabe! Try nyo rin magbasa guys. Sabi ko kasi sa sarili ko mas dapat tong bigyan ng oras kaysa sa kung ano diyan, kaya eto na ginagawa ko na.

BINABASA MO ANG
Unexpected Us
Teen FictionThey say love makes you taste happiness not bitterness. Pero andaming mga bitter sa pag-ibig, right? But mas madami ang mga nagbibitter-bitteran. Let's say, Railey Cortoza is one of them. But the question is, hanggang kailan siya magiging bitter? Wi...