CHAPTER 15: Confused Feelings 2

891 16 4
                                    


Another school day na naman. Papasok na ako ngayon sa school  at hindi ako late. Bagong buhay na dis.

"Talaga? Ibig sabihin gentleman siya at mabait talaga! Eehhhh, kinikilig ako!" rinig ko na sabi isang estudyante.

"Akalain mo? Kahit pamangkin siya ng may ari ng school, hindi siya nambubully and he does not take advantage na manglookdown." ngiti ngiting sabi naman ng isa.

So ibig sabihin si Driv yun?

"Rai! Rai!!!!" sa lakas ng boses pa lang alam na, si Kale yan.

Naglalakad na kami ngayon papuntang building. 

"Ay btw! Congrats bishy mas nauna kang pumasok kesa sa akin." tumawa na lang ako.

"Hoy, bakit bigla ka na lang umaalis pagkatapos ng Science grabe ka! Iniiwan mo ko." pagmamaktol ko.

"Sorry naman po kasi, lagi kasi ako yung inaatasang magreport sa Social Studies kaya ayun, babye ka." tumawa na lang ako at pumasok na kami.

"Lima lang ang nakaperfect sa quiz ko kahapon. Class! Ano ba? Nakikinig ba kayo sa lectures ko?" ayan na naman si Maam Pineda. Tahimik lang kaming lahat.

"Yung iba naman halatang nagkokopyahan dahil pareho lang ang kanilang maling sagot!" It hit me. Nagui-guilty tuloy ako.

Tahimik lang kami, at maya-maya lang nagwalkout na si Maam. Nagkatinginan kami ni Kale at napataas ng kilay at napangiti.

"Umamin ka nga, isa ka sa mga nangopya no!" sabi ni Kale. Palabas kami ngayon ng room. Sinenyasan ko naman siya ng "Shhh!".

"Hindi kasi ako nakapag-aral eh. Wala naman akong may na-gegets sa lesson eh."

"Teka alam mo ba? Ang bait pala ni mokong! HAHAHA OMAYGASH BISHHH EEHHHH AYIEEEE! Kaya pala crush mo siya eh." Mokong? Si Driv? Naalala ko, yun rin ang sabi kanina ng Grade 10.

"Hindi ko kaya crush yun. Eh, pano mo nasabing mabait?" napaisip naman siya.

"Kasi----- EHH!! Libre muna." at nagngiting aso siya.

"Wala akong pera. Yung utang mo nga hindi pa bayad.Malaki na kaya ang interes nun!" napasimangot naman siya.

"Malalate na ako, bish. Mamaya na lang! Bye! labyu!" at kumaripas na siya ng takbo.

Pano naman naging mabait ang isang yun? Hindi ko maimagine. Hindi ko pa talaga kilala ang isang yun.

"Masyado mo na ba akong iniisip kaya di mo namalayang nakalagpas ka na ng English room natin?" napakunot ang noo ko at tiningnan ng masama si Driv. Lumagpas na nga ako sa room.

"Tsk tsk tsk! Lutang!" ehh? Close ba kami? Pero tama naman siya, siya nga yong iniisip ko pero di ko sasabihin sa kaniya no.

"Bat ba lagi ka na lang nanggugulat?"

"Alam mo magpasalamat ka dahil kung hindi kita sinundan baka nalibot mo na ang buong school sa kakaisip sakin. " sagot naman niya at bigla siyang ngumiti.

"E-ewan ko sayo..." naglakad na ako papuntang English class.

Nalate kaming dalawa att dahil nalate kami, babalik kami dito mamayang hapon para maglinis. Parang wala namang lilinisin dito eh.




"Talaga so ibig sabihin, magkakamoment kayo ulit? Waahhh!" walwal ni Kale.

Nasa College of Business Management kami ngayon na canteen malapit kasi to sa building namin. Kinuwento ko lang naman sa kaniya na maglilinis ako mamaya kasama si Driv.

"Pahingeng lima." tiningnan ko siya ng masama sabay abot ng limang piso.

May binili lang siya at maya maya lang nandito na siya sa upuan namin.

"Ay, oo nga pala. Dahil nilibre mo ako may ikukuwento ako sayo~~~" tumango ako sabay subo ng siomai.

"Si Aidenie kasi nasa 2nd floor siya kahapon nung recess at bubuhusan niya sana ng juice ang isang grade 10, pero tinulak ni Dylhan si gurl na grade 10 at siya ang nabuhusan sa ulo, todo naman ang sorry ni Aidenie. Marami ang nakakita at marami na rin ang naturn on kay Dylhan." K-kaya ba basa siya kahapon?

"Reason naman ni Aidenie stalker kasi ni Dylhan yung gurl. At hinihintay niya talagang dumaan doon yung grade 10." ha? Ganun ba kalalim ang tama niya kay Driv?

"Grabe magagawa niya yon?" tumango naman siya at minamadaling lunukin ang kinakain.

"Gusto niya si Dylhan eh. Kaya baka maunahan ka na gurl!"

Napailing naman ako. Papunta na kaming Math ngayon. Mabuti naman hindi ko kaklase si Driv para hindi mabagabag ang isip ko.





"Uhmm, gusto ko lang m-magthank you." napatingin naman ako sa mahinhin na boses na iyon. Sinundan ko ang tinig na iyon at nakita ko si Driv kausapang isang babae.

Nakahawak naman siya sa braso ni Driv. So siya pala ang tinulungan ni Driv.

"Wala yon ah— ano nga ulit yung pangalan mo?" sagot ni Driv.

"Uhm, Kaith..." sagot naman ni Kaith.

"Wala yon, Kaith." Pabebe naman tong si Driv. Ginulo-gulo niya naman ang buhok ni Grade 10.

Hindi ko alam pero parang nawala ako sa modo.

Napatingin si Driv sa akin, at nanlaki naman ang mga mata ko. Kaya bumilis akong tumakbo.

"Hoy, ano namang eksena yun?" tanong ni Kale.

"Anong eksena?" nasa Math room na kami.

"Tss, aminin mo nga gusto mo si Dylhan no." si Kale.

"H-hindi no! Ano ka ba, baka may makarinig sa'yo." napangiti naman siya.

"Ikaw bahala." ngayon nakangisi na siya.

Unexpected UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon