CHAPTER 14: He's Back

776 14 1
                                        


"Railey!" pinikit ko ang mga mata ko at hinarap siya.

"Oh, Jandy ngayon lang kita nakita ah. Kamusta?"

"Okay naman. Di mo ako namiss?" nagsmirk siya. Nanlaki ang mata ko.

"I mean yung libre ko hahaha." ah yun pala.

"Loko! San ka ba nanggaling?"

"Ah sa La Granja---"

"La Granja? Ang layo nun ah." mga 6hrs kasi yung byahe kung dito galing sa Nuevas. City na kasi to eh.

"Oo nga, hinatid ko kasi pinsan ko." pinsan? Sino namang pinsan?

"Si Andrie. Kawawa nga yun eh, namatay kasi si Auntie Dari. Eh si Uncle naman kasi lasinggero at walang trabaho yun. Sabi ko nga dito na muna siya, ayaw niya naman. Hindi niya daw pababayaan ang tatay niya. Kaya ayun hinatid ko nalang, nag-absent nga ako ng tatlong araw." Wait! Ibig sabihin hindi niya girlfriend yun?

"Teka bakit parang iniiwasan mo ko nung nakaraan?" tanong niya. Halata ba?

"Ha? Ako? I-iniiwasan ka?
H-hindi no, busy lang talaga ako nun. Oo."

"Asus. Aynga pala Railey, gusto mo? O-order ako ng para sa'yo."

"Naku, wag na. Salamat na lang. Mauna na ako,ha. Kailangan ko ng umuwi eh." kumaway ako at naglakad agad ng mabilis.

Dali dali akong pumasok ng bahay. Sinarado ko ang pinto at sumandal dito. Mabuti na lang hindi ko sinabing girlfriend niya yon.

"Okay ka lang, nak?" napatingin ako sa kusina, si mama pala.

Ngitian ko si mama. "Oo naman, ma."



Umakyat na rin ako pagkatapos kumain at nahiga na.

Ano kaya ang nangyari kay Driv? 











"Bihis ka na pala nak. Halika na mag umagahan ka na." umupo ako at tinignan ang pagkain.

Bagong araw nanaman.

Egg with cheese at hot chocolate. Yas! Favorite! 

Naalala ko tuloy nung una kong nakilala si Driv. Muntik na akong mabunggo ni Val. May mantsa pa ako ng hoto choco, nun. Napangiti na lang ako.

Bakit kaya ngayong Grade 11  lang siya nag-aral sa university namin? Pamangkin kaya siya ng principal, eh bakit ngayon lang siya nag-aral sa WHU. Siguro galing ibang probinsya ang mokong. Bahala na! Bakit ko ba pinoproblema ang Driv na yun?

"Anak, malalate ka na bilisan mo na."

Tumango na lang ako.

Pagkatapos nun nagtoothbrush na ako at umalis na.





Hindi naman ako late ngayon, sakto lang.

"Railey!" napalingon ako sa tumawag sa akin.

"Oh, Zynon?" ngitian ko siya.

Unexpected UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon