CHAPTER 2: Sungit Mode Siya

1.5K 23 4
                                    




"May problema ba Ms. Cortoza?"

"Ahhh, uhmm... Wala po Ma'am hehe." Nagpeace sign naman ako kay Ma'am.

OMG! Paano na to?

Pero baka mabait naman talaga siya tapos yung aura niya lang ang masungit. "Dont judge the book, by its cover" daw nga eh.

Natapos rin agad ang klase at nagpaalam na si Ma'am.

"Good bye class!"

"Thank you and Goodbye Ma'am Canzagam!"

Aalis na sana si Mr. Andrada pero tinawag ko sya.

"Mr. Andrada!" Tumingin naman siya sakin.

"Dylhan na lang, don't call me by my surname, napakaformal masyado. Tss!" at tinitigan niya ako ng 'anu yon' look.

"When will we start the output?" tanong ko naman.

"Just do it by yourself!" sigaw niya sakin.

Well expected naman, tama nga ang hinala kong masungit siya. Pinahiya pa talaga ako.

May "don't judge a book by its cover" pa akong nalalaman. Hindi naman sya libro eh! Tama ang hinala ko masungit sya. SUPER!

Pinabayaan ko na lang.

Nandiyan na si Valiz sa labas hinihintay si Dylhan.

Lumabas na rin ako, at linapitan ako ni Valiz.

"Pagpasensyahan mo na yon, spoiled eh, pamangkin kasi siya ng may ari ng school. Tsaka daming problema non."

Nagulat ako don ah.

"Ah, ganun ba, kaya pala. Hindi ko na nga pinatulan eh, baka mapahiya pa siya." tumawa naman si Valiz.

Nagpaalam na ako sa kanya at naunang lumakad.

Pumunta na ako sa tagpuan namin nang mga kaibigan ko. Doon sa lagi naming tambayan, sa 3rd floor Hometel ng school namin.

"Uy Railey! Bat ngayon ka lang?" tanong ni Rianne, isa sa mga bestfriend ko.

"Oo nga, may namiss ka tuloy. " singit ni Louisse, isa rin sa mga bestfriend ko.

"Sorry guys late na dismiss namin at kinausap ko pa partner ko sa output namin." Sagot ko

"Kaya pala." sambit ni Louisse.

"Uy Kale, tahimik ka yata ah." hindi niya ako pinansin.

"Linamon na kasi yan ng WATTPAD! " Sabay na sigaw ni Rianne at Louisse.

"Hoy hindi no! Wala lang ako sa mood, baka kasi madami akong mali sa test. "

Nagpout pasya hindi naman cute, charot.

"Hoy cute kaya ako!" shocks nasabi ko pala yun?

Inirapan ko na lang siya.

"Guys btw alis na kami ni Louisse, malalate na kmi." Tumango nalang ako ky Rianne at nagyakapan kami.

Dalawa yung section namin dito. Magkaklase naman kami ni Kale sa 3rd period, pero Section A naman talaga siya. Pero minsan sa ibang subjects nalilipat siya sa Sec B.

Natapos na ang mga klase namin at nagkita na kami nina Rianne.

"Guys Padis tayo." aya ni Rianne.

"Ay guys bad yan, iinom kayo?" tanong ko.

"Hoy maghahanap lang kami ng pogi don." Singit ni Kale.

"Diyan na nga kayo! Pupunta ako ngayon sa Staromia Mall, bibili ako ng ticket para sa concert ni Alex Aiono. Maubusan pa ako eh." sabi ko.

"Suportado kami diyan, magkita nalang tayo sa SMall. Text ka lang namin." Tumango ako at nagyakapan kami.

Mabuti naman at may taxi agad akong nakita. Sumakay naman ako kaagad.

"Miss, alam mo? Ang pangit mo. Walang... walang may magkakagusto sayo."

Ay sino ba kausap nito? Lasing pa yata.

"Sinong po ang pangit kuya? Sino po ba kausap niyo?" tanong ko sa kaniya.

"Ikaw lang naman kasama ko dito ah, edi ikaw ang pangit! HAHAHA!" aba angkapal.

"Kuya di po ako salamin! Bababa na po ako, dito lang ho!"

"Wag kang magmadali Miss! Papaliparin ko pa sasakyan ko eh! Enjoy ka dito! " shocks ano to?

Nakarating naman kami agad sa mall.

Phew! Mabuti na lang nakababa na ako.

Pumunta ako agad nang Ticket Station sa SMall.

Nakita ko sa information board na 3 tickets na lang ang natitira!  Binilisan kong tumakbo para makahabol.

Luh! Ambilis naman.

Isa nalang ang natira! Dali dali kong inilapag ang pera ko ngunit
my kasabay ako. Di ko na siya inabalang tiningnan at nang inilapag nang babae yung ticket ay kinuha ko na ang ticket at kinuha rin ito nang kasabay ko.

Laking gulat ko at si Dylhan ang nakita ko.

Tumawa ako nang peke. "Hahaha! gusto mo rin pala si Alex Aiono, Mr. Andrada!" nairita naman siya sa sinabi ko.

"Hoy, magkasing ganda kami ng boses kaya idol ko siya! Mas maganda pa nga boses ko eh, akin na nga tong ticket." sungit na nga feeler pa!

"Bat di nalang ikaw ang magconcert? nauna ako no, akin to!" Inagaw ko ang ticket.

Biglang siyang umalis di niya siguro ako kaya. Binarayan ko na ang ticket doon sa Cashier.

Nakita ko na naman si mokong at may kasamang mga asungot, body guards ata.

"Ma'am ibigay nyo na po yang ticket ky sir." sabi nung isa.

"At bakit ko naman ibibigay?" Tanong ko.

"Maam di nyo po ba alam na—" naputol ang kanyang sinabi dahil sumingit ang mokong.

"Dahil kami ang may ari nang mall na ito."

WHAT?

Di naman ako nakaimik sa sinabi niya.

Unexpected UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon