"Good morning sir Andrada!" Sabay naming sabi. Kaharap namin ngayon yung may ari nang school. In short asawa ni Auntie at Uncle ni Driv and I guess Uncle ko na rin?
"Names please." He said.
Siniko ko naman si Kale dahil siya yung pinakagilid at it means siya ang mauunang magpakilala.
"Uhm, Kale po."
"Railey po."
"Railey Cortoza? Hmmm." Tumango ako kay Sir nang inulit niya yung pangalan ko.
"I see, ikaw siguro yung Railey na laging binabanggit ni Driv."
"Po?" Tanong ko, hindi ko kasi narinig yung sinabi niya, medyo pabulong kasi ito. Pero siguro ang sinabi niya ay ako siguro yung pamangkin nang asawa niya.
"Nothing. Next please."
"Aidenie , sir. Anak ng may ari ng Teen Gals Co." napataas naman ang mga kilay ni Sir Andrada at napatango.
Sa kanila pala yon?
"Sa kanila pala yon? Di na ako bibili doon. Hmp!" Natawa naman ako sa binulong ni Kale at inayos ang tayo ko.
"Julzah, anak ng may ari ng Imperial Condominium."
"I'm Jazney, the heiress of Stellar Shoes Company."
"Sa narinig ko ha, pangalan lang naman ang hinihingi ni Sir." Siniko ko ulit si Kale sa sinabi at napairap naman siya.
"It's not our fault if wala naman kayong maipagmamalaki." Hirit ni Aidenie.
"Girls, enough!" Si Sir.
Napayuko na lang ako.
"Ano ba talaga ang nangyari?" Tanong ni Sir.
"Nag-uusap lang naman po kasi kami ni Railey at biglang sumulpot itong tatlong asungot este tatlong grade 12. Tapos ayun po kung ano-ano ang—" panimula ni Kale at pinutol naman siya ni Aidenie.
"Hey! That's not true!"
"That's the truth kaya!"
"I said enough!" Si sir ulit, pumagitna.
"Alam niyo namang lima ang guidelines nang school na ito and you know na mali ang ginawa niyo. Nag iskandalo kayo sa maraming students. Hindi ko ipapatawag ang parents niyo in one condition. I want you all na makipagbati at hindi na dapat ito maulit. Hindi magandang example ang ipinakita niyo lalo na sa lower years. Mabuti na lang at hindi kayo namisikal."
"Yes sir!" Sabay naming sabi.
"Thank you po!" pagpasalamat namin ni Kale kay Sir.
"Sorry sa inyo Aidenie, Julzah at Jazney." Ngumiti ako sa kanila at nakipagkamay. Sumunod na rin si Kale sa akin.
"Sorry sa inyo." Ngumiwi naman siya nang patago kay Sir. Napailing na lang ako.
"Apology accepted." Sabi ni Aidenie habang nakikipagkamay kay Kale. Lahat kami ay umayos nang tayo.
Naghihintay na lang kami nina Kale at Sir sa pag-sorry nila pero nanatili silang tahimik.
"Sir, aren't we done yet? Nakapag-sorry naman na silang dalawa." Pinagkrus naman niya ang mga kamay. Si Julzah naman ay tinitwirl lang ang kaniyang kakaunting buhok sa gilid na nalaglag sa kaniyang bun. Si Jazney naman ay tinitingnan lang ang kaniyang mga kuko.
"Grade 12, hindi ba kayo magso-sorry sa dalawang grade 11 na ito?" Napakunot naman ang noo nang tatlo.
"Kailangan pa ba?" Tumikhim naman si Sir.
BINABASA MO ANG
Unexpected Us
Novela JuvenilThey say love makes you taste happiness not bitterness. Pero andaming mga bitter sa pag-ibig, right? But mas madami ang mga nagbibitter-bitteran. Let's say, Railey Cortoza is one of them. But the question is, hanggang kailan siya magiging bitter? Wi...