DYLHAN'S POV
Pagdating ko sa room naghahanda na ang mga kaklase ko. Yung section B, malamang naghahanda na rin. Sila kasi yung kakompetisyon namin.
Sana wala si Zynon.
Aaminin ko ang saya ko nung nagsayaw kami ni Elizze. Kasi buong sayaw nakatitig lang siya sa akin at ganun rin ako sa kaniya.
Normal lang naman siguro sa lalaki yung kiligin diba?
Hindi ko maipaliwanag yung saya ng puso ko ng sabihin niyang "Eh ano naman? Paki mo ba?"
So gusto niya nga ako?
Tss napapangiti na pala ako.
"Ayaaaannn! Ang ganda mo day!" napatingin ako kina Kale at bigla akong napatulala ng makita ko siya.
Woah! Pretty. Kahit simpleng make up ang ganda niya pa rin. Kahit nga wala na eh!
"Bro magdala ka next time ng plastic... Or ano... di kaya panyo, yun!"
"Ha?"
"Para salurin yang laway mo." laway? I wiped my mouth. Wala namang laway.
"Hoy Val! Anong trip mo ha?"
"Hahaha! halata ka kasi kay Railey kung makatingin eh." napangiwi na lang ako. Ang exagge naman ng lokong to.
"Ano pala ginagawa mo rito? Spy ka ng Sec B no? Alis na! Balik ka nga sa room niyo."
"Ay sungit ni Babe, tinataboy mo na mga gwapo ngayon ha? Sige na nga! Bye labyu pre!" nandidiring tumingin ako sa kaniya. Lumabas na siya ng room at bigla syang pumasok ulit.
"Ay oo nga pala! Railey ang ganda mo! Babye!" aba! Lokong Val to ha! Inunahan pa akong magpuri kay Elizze.
Nagulat naman ako sa sumiko sa akin. Si Kale pala.
"Yan tuloy! Naunahan ka ni Val! Torpe!"
Tumingin ako sa kaniya nang di makapaniwala at narinig kong tumawa si Elizze.
"Guys! Tara na sa gym. At para makapagreview tayo ng steps." the President.
O_O
My heart beated faster.
Naglalakad siya ngayon papunta sa akin.
Slow motion ha?
Sakin ba siya ngumingiti? Ngumiti na rin lang ako.
"You're beau- huh?"
Nilampasan niya ako at hinila niya na si Kale. Akala ko sakin siya pupunta, hindi pala. Di man lang sumulyap kaya ayun di ko natapos yung sasabihin ko sana. Nagmake face pa si Kale. Tss! Iba rin yung babaeng yun eh no.
KALE'S POV
Hay nako! Yan kasi ang bagal ni Dylhan! Oh eto namang si Railey dinededma si Dylhan! Ewan!
Kailan ba kasi sila magkakaaminan. But knowing Railey ayaw niya pa sa love life, crush crush siguro but not so interested talaga na magkaroon ng commitment.
Hinanap ko si Zynon, syempre partner siya ng bestfriend ko pag wala siya ngayon, iyak tong babaeng to. De joke lang! Mabuti sana kung wala rin si Sharie para sila na ni Dylhan...
....yung magpapartner! Wag kayong malisyosa. Ayun nga, nakuwento niya kasi sakin, partner daw sila nung wala si Zynon at Sharie. Aba! Syempre absent ako kahapon no kaya wala ako. So ayun 1 point na si Railey! HAHAHA!
BINABASA MO ANG
Unexpected Us
Teen FictionThey say love makes you taste happiness not bitterness. Pero andaming mga bitter sa pag-ibig, right? But mas madami ang mga nagbibitter-bitteran. Let's say, Railey Cortoza is one of them. But the question is, hanggang kailan siya magiging bitter? Wi...
