Argh! Nakakahiya! Sana hindi niya narinig, wahhhhh! Railey! Ano ba?
"Uhmm, Ate... Aahhh..." bibili pa ba ako? Wala naman na akong gana. Uuwi na lang ako.
Teka, tatakbo ba ako para hindi niya ako makita?
"Railey?" Bad timing! Binabawi ko na kanina yung sinabi kong 'timing'.
I turned to him.
"Nandito ka pala?" Wow! Pinamukha pa talagang hindi niya ako napansin. Magkukunwari na lang akong hindi ko siya nakita, tama!
"Uy, Jandy! Nandito ka rin pala? Ah eh, bibili sana ako kaso nakalimutan kong wala palang tao sa bahay pupunta kasi si... Ah hindi yung aso pala namin, kailangan ko pa kasing pakainin." Tama yan Railey, lumusot ka.
Parang nawiwirdohan na ata siya.
"Ah ganun ba? Sayang papakilala pa naman kita sana kay Andrie." ginulo niya pa ang buhok nung Andrie.
No need. Obvious namang gf mo siya.
"Ah, sa susunod na lang. Sige mauna na ako. Enjoy :):):):):) " may gf na pala siya. Di ko inexpect yun friend!
Truth be told! Wala akong aso. Grabe nagsinungaling ako para dun?
Pagdating sa bahay nagbihis agad ako at kinuha na ang bike ko.
Nakarating naman ako sa playground sa paglilibot ko.
Aywow! Galing! Bakit ko pa ba kailangan makita to? Si Jandy kayakap yung Andrie. Anu ba to beh?
Makaalis na nga. Aakma na akong sasakay sa bike pero ansaklap! Natanggal yung kadena ng bike! Bumaba ako ng bike at pumunta muna ako sa my footwalk.
"Railey!" Napansin niya pala ako. Tumingin ako kay Jandy na kumakaway sa akin at sa padaang pick up.
*peep peep*
Bumaba ang bintana nito. Si Val pala. Di ko napansin nung una, medjo nagpapanic ako eh.
Kumaway na lang rin ako kay Jandy at alanganing ngumiti.
"Sorry kailangan ko nang umalis. May pupuntahan kasi kami."
"Val, okay lang bang maki-joy ride muna? Ipapakarga ko lang tong bike sa pick up mo. Basta I'll explain later. Please!"
"It's fine. Pumasok ka na, ako na ang bahala diyan."
Pagtataka ang nakita ko sa mga mata ni Jandy. Pinabayaan ko na lang at pumasok na sa sasakyan.
Pumasok na rin si Val sa driver's
seat."Thanks!"
"Ano ba yung nangyari?"
"Ah, kasi yung kadena ng bike ko natanggal eh nagmamadali kasi ako." sinilip niya si Jandy at yung Andrie.
"Kilala mo ba sila?"
"Ha? Ah, oo. Yun nga lang kailangan ko siyang iwasan."
"Yung lalaki? Why?"
Sasabihin ko ba? Hindi pa naman kasi kami talaga close.
"Nagseselos ka ba dun sa babae?"
"H-ha? Anong nagseselos?"
"Hmm, gusto mo nga ba siya? Alam mo katulad ka rin ng kilala ko eh."
"Siguro. Teka, sinong kakilala ba?"
"I guess short period of time pa lang kayong magkakilala? Nakita ko kasi nung una kayong magkakilala dun sa kay Ate inasal." Wow, di naman sinagot yung tanong ko.
BINABASA MO ANG
Unexpected Us
Novela JuvenilThey say love makes you taste happiness not bitterness. Pero andaming mga bitter sa pag-ibig, right? But mas madami ang mga nagbibitter-bitteran. Let's say, Railey Cortoza is one of them. But the question is, hanggang kailan siya magiging bitter? Wi...