DYLHAN'S POV
Nakita ko siyang kasama ang mama niya palabas nang isang Baptist church kaya sinundan ko sila. Pumasok sila sa isang resto kaya pumasok na rin ako. Naghanap naman siya ng mauupuan.
Uupo na sana siya, ngunit inunahan ko siya, tuwang tuwa ako sa reaksyon niya ngunit naghanap siya ng ibang mauupuan. Grabe! Di man lang ako pinansin.
Gusto ko siya sanang kulitin at magkasabay kami sa upuan. Ay kaso kasama niya pala mama niya. Ano ba tong iniisip ko.
Nagulat ako nang my lalaking nag-alok sa kaniya ng upuan.
Nays! kunwaring gentleman. Tss! Ewan kung bakit ako naiinis, tanungin ko mamaya si Val kung nakakainis nga naman ba talaga to.
Chineck ko yung oras, 12:20 pm. Kakain na lang rin siguro ako. Binaling ko ulit yung tingin sa kanila.
"S-salamat, hindi ko alam kung paano makakabawi sa yo." nanlaki naman yung mga mata ko.
Anong hindi alam kung pano makakabawi? Grabe naman, parang inalokan lang ng upuan eh. Bakit ko ba kasi sinusundan ko tong babaeng to. Hindi ko alam, sinusunod ko lang naman yung boses sa isip ko eh.
Bigla namang nagring yung phone ko kaya sinagot ko na.
"Hello? "
"Driv, we have an importnat meeting here. Before 3 pm you should be here."
"Ok."
1:30pm pa lang naman. Umorder na rin ako at kumain.
2:00 pm ng matapos silang kumain.
Truth be told. Hindi kami nagkakasundo ni Daddy pero desidido siyang ipamana sa akin ang company dahil mas matanda pa rin ako sa half brother ko and nung buhay pa si mommy lagi niya akong sinasama sa company, kaya parang may experience na rin ako.
Nakita kong tumayo na sila, senyales na aalis na. Inunahan ko na silang umalis at di napapansin na padabog pala akong lumalakad. Naiinis ako kay Daddy at aaminin ko na, pati dun sa lalaking yon kanina. Kung makapasalamat naman siya, akala mo iniligtas sa kamatayan niya, tss!
Nagdrive na ako papunta sa Company ni Dad. Estructura de Arquitecto, Eda Co for short. May lahing Spanish sina lolo, yung sa side ni Daddy at ipinamana ni lolo ky Dad yung kompanya.
"You're 15 mins late Driv. The meeting has already started."
Tiningnan ko lang siya at umupo na ako. Alam ko, but I don't care.
"Let's continue. So we have to buy a new land. Ang lupain sa Hacienda, there's an extra space, we should build a new village or subdivision, and we can also convince them na bilhin rin ang lupa nang mamamayan, it can add more space. Malaki ang ibabayad natin and for sure mabibili natin yon. Wala ng magagawa ang mga tao roon kundi ang magsi-alisan."
What hindi ba nila iniisip ang mga naninirahan don? Hindi na ako nakinig sa the rest ng meeting dahil I don't have passion for this.
Natapos rin agad ang meeting.
"Driv you're late, I told you the meeting will start at 3pm."
"Traffic, wala na akong magawa alangan namang banggain ko yung mga sasakyan don."
"Wag mo nga akong bastusin, I'm still your father! I'm respected by our workers, pero ikaw na mismo kong anak hindi ko makitaan ng respeto sa akin! Respect me!"
"Hindi kita binabastos, if you want to be respected, respect me as your son then. I'm answering you the way how you treat me. And one thing, bakit kailangan nating bilhin ang mga lupa ng mga tao don? Hindi pa ba sapat yung extra land? Hindi ka ba naaawa sa mga tao don? Binabawian mo sila ng rights just to get what you want. Saan na sila titira after?"
BINABASA MO ANG
Unexpected Us
Teen FictionThey say love makes you taste happiness not bitterness. Pero andaming mga bitter sa pag-ibig, right? But mas madami ang mga nagbibitter-bitteran. Let's say, Railey Cortoza is one of them. But the question is, hanggang kailan siya magiging bitter? Wi...