CHAPTER 12: New Admirer and New Frienemy?

1.1K 16 0
                                    


RAILEY'S POV

Late na naman ako. Mabuti lang at wala pa si Ma'am Pineda, nakipagchikahan pa siguro sa ibang guro.

Pero nagulat ako nung pumasok na ako, sa aking silya ay may isang bar ng chocolate at isang pocketbook na new edition. Merong rin bookmark na may nakasabit na kulay pastel pink na heart. Ang cute!

For Elizze

Elizze pa talaga ha?

Pag-upo ko tiningnan ko nang nagtatanong si Dylhan pero nagkibit balikat lang siya. Napuno na ako ng pagtataka.

I Fell Inlove With My Bestfriend

"Eh? Nabasa ko na to eh."

Maya maya lang dumating na rin si Ma'am Pineda kaya naman tinago ko na lang yung mga yon sa bag.

"Good morning class! Nanggaling ako kay Ma'am Andrada, pinagusapan namin ang Evaluation niyo. Siguraduhin niyong magiging maayos ito. This will be on next week. Kaya ngayon makinig kayo sa leksyon natin dahil ito ang ilelesson ko nextweek. Magrecite kayong lahat! Lalo na ang mga late. Wag kayong magpapalate! Understood!" Arghh Science.

"Yes Ma'am!"

"Okay let's start our lesson."

What? Ano ba yung isotope na yun? Wala akong maintindihan. At yung atomic mass hindi ko naaabsorb yung lessons.

Sa wakas, dismissal na rin.

Dalidali akong pumunta sa room ni Ma'am Assuncion.

"Okay class! Quiet! Wala si Ma'am Canzagam dahil naghahanda siya ng mga testpapers para sa NAT, ang bilin niya ay tapusin niyo ang project niyo at walang lalabas. Okay? And hindi pa pala makakastart yung sub teacher niyo." sabi ni Ma'am Adermo na katabing room ni Ma'am Assuncion.

"Okay Maam!" sabay naming sabi.

Hindi kami ngayon magkatabi ni Driv kaya lumapit siya sa akin dala ang materials.

Easy na parang hindi. Gagawa lang naman kami ng clay model, limang magkakaibang buddha at ilalagay sa box na transparent na kami pa ang gagawa. Tapos i-lalabel kung anong klaseng buddha. Thai Literature kami kasi sa English.

Sinimulan na namin ang paggawa at inuna ang box. Dalawa ang gagawin ko siya naman tatlo. Natapos naman kaagad namin ang box. Tapos mamayang hapon naman namin tatapusin itong mga buddha na to.

May lunch pa naman at 3pm yung uwian namin.

Nagayos ako ng bag at nakita yung kaninang chocolate na nasa upuan ko.
Kinuha ko yung chocolate.

"Mamaya na yang iba, text mo ako kung saan ka. Sa shed na lang siguro natin gawin yan, mas malapad yung mesa dun eh. Mauna na ako."

"Teka." Di ko siya pinansin at diretsong naglakad.

Paglabas ko tinapon ko na sa basurahan yung chocolate. Pero siyempre hindi kasama yung pocket book. Aba! Sayang naman ano.

"Bakit mo tinapon? Sayang naman!" kunot noong tanong ni Driv. Nasa likuran ko na pala siya eh.

"Eh? Bakit? Baka may lason yun ano! Sino ba kasi nagbigay nun? Pamisterious effect pa eh!"

Unexpected UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon