Nagising ako madilim pa sa labas. Tiningnan ko yung oras sa phone ko. It's 3:19 am pa lang.
Masyado pa naman pa lang maaga, kaya I decided na magpa-alarm ng 5am.
Pinikit ko na ang mga mata ko ngunit hindi na ako makatulog.
Bigla naman pumasok sa isip ko yung output namin ni Driv. Napaisip naman ako. Eh kung siya na lang kayang mag-isa yung gumawa ng project total nakuha niya naman yung gusto niya. Pero mukhang magiging unfair naman kapag wala akong nacontribute at isa pa kaya nga pinagpartner kami ni Ma'am para mas maging madali yung gawain. Tama na siguro iyon.
At hindi ko na namalayang nakatulog na ako.
Naggising ako ng alarm ko sa phone. Ughhh! Antok pa ako eh, bahala na. Matutulog na lang ako ulit, 30 mins lang.
Naggising ulit ako ng alarm. Pero I just pressed the snooze button at bumalik ulit sa tulog ko.
"Railey 6 am na. Anong plano mo?" narinig kong sabi ni mama.
Parang kanina 5 am pa lang ah.
"Ma, malalate naman ako neto."
"Kaya nga bilisan mo na."
Pa alarm-alarm pa ng 5 am, eh 6 rin pala makakagising. Tapos si mama pa yung gumising. Makaligo na nga lang.
Pagkababa ko kumain na ako kaagad at lumabas na rin ng bahay.
Pagkalabas ko ng gate, nagulat ako ng makita yung lalaking nagligtas at nanlibre sa akin kahapon. Ako ba talaga yung sadya niya dito?
"Good morning Miss uhh---- What's your name nga?" napatawa na lang ako.
"Uhmm, Railey."
"Yun! Good morning Railey! Jandy Keil Vencer nga pala." Vencer? Last name niya yun? Hindi common dito yung ganiyang last name ah.
"Railey Elizze Cortoza pala, di naman kasi ako na inform na full name pala dapat, hehe."
"Cute ka rin eh no." Okay so hindi ko in-eexpect na ganon yung sasabihin niya.
"Ha?" kunwaring hindi ko narinig.
"Wala, lika na sabay na lang tayo palabas."
"S-sige." Grabe naman Jandy, andaming alam.
Nung nakalabas na kami nung guard house, nagpaalam na rin siya.
"Ah, hanggang dito na lang siguro. Dun kasi ako sa EE University eh. Mauna na lang ako, medjo late na eh."
"Ah sige! Okay lang."
"Ingat ka." Ngumiti naman siya at ngumiti rin ako pabalik.
"Ingat din."
Jandy Keil pala ha.
We parted ways. Pumunta sya sa kaliwa dahil doon yung EEU at ako naman pa kanan dahil dito yung daan papuntang WHU. Actually mas malapit sa amin yung EEU pero hindi ko alam bakit sa WHU ako pinag-aral ni Mama.
Ilang minuto na rin yung nakalipas pero wala pa ring dumadaang jeep. Napatingin naman ako sa relos ko.
Beep beep***
Tiningnan ko kung sino yung nag-iingay na kotse. Teka sasakyan to ni Val ah. Eh bakit si Dylhan yung sumasakay at nagd-drive? Binaba naman niya yung bintana.
"Good morning!" napataas naman yung kilay ko.
"Nasan si Val? Anong ginawa mo sa kanya? Bakit nasayo yung kotse niya?"
"Chill, hindi ako gagawa ng masama sa BESTFRIEND ko, and why do you care?" Inemphasize niya talaga yung 'bestfriend' ha.
Hindi na ako sumagot at naglakad na palayo.
BINABASA MO ANG
Unexpected Us
Fiksi RemajaThey say love makes you taste happiness not bitterness. Pero andaming mga bitter sa pag-ibig, right? But mas madami ang mga nagbibitter-bitteran. Let's say, Railey Cortoza is one of them. But the question is, hanggang kailan siya magiging bitter? Wi...