CHAPTER 13: Zynon Diego

970 17 1
                                    

DYLHAN'S POV

Bago ako umuwi dumiretso muna ako sa coffee shop malapit sa village nina Elizze.

Horizon Café

Nagpalamig muna ako ng ulo dito at para makapagisip-isip na rin.

Hinihintay ko ang order ko ng may lumapit sa akin na tatlong babae.

"Hi!" sabi ng pinakamaputi sa kanila with a smile on her face.

"Oh h-hey!" I awkwardly smile, hindi ko naman kasi sila kilala eh.

"I'm Aidenie, this is Julzah and Jazney, my friends." sabi niya ulit at tinuro ang dalawang babae. They're wearing short shorts and crop top. Wala na talagang matinong babae ngayon. Hindi nga si Elizze nagsusuot ng mga ganiyan eh.

"So... Can you please tell us your name? We are waiting." she said and smiled sweetly.

"Ahhh... Dylhan."

"By the way here's our number, may names naman yan eh so you can identify which is my number. See you around pretty guy." then Aidenie winked. Mga babae na ba talaga gumagawa niyan ngayon?

Sorry na lang kayo hindi ako interesado. May iba na akong gusto.

Ilang minuto na rin ang nakalipas.

Hindi mawala sa isip ko ang nangyari kanina sa shed. Pinikit ko ang mga mata ko.

"Sino ba kasing Jandy na yon?" bulong ko sa sarili ko.

"Lagi na lang bang may ibang mas mahalaga kaysa sa akin para sa mga taong mahal ko?" then, ang malas malas ko.

"Minsan mas magandang ishare mo sa Panginoon ang problema, hinanakit, at mabigat na damdamin mo o di kaya sa isang maaasahang kaibigan..." napadilat ako sa pamilyar na boses na yun at nagulat ng nakita kong siya nga. "----kaibigang gaya ko?" dugtong niyang sabi.

Hindi ko alam ang sasabihin kaya nag-isip ulit ako. Sa Panginoon? Paano?

"Pano ko sasabihin sa Panginoon?" tanong ko.

"Hindi mo alam magpray? Hay! no wonder." sabi niya na agad namang kumunot ang noo ko.

"Alam ko pero k-kasi huli kong ginawa yun ng buhay pa si Mommy. " naalala ko dati lagi akong natatakot mag-isa sa kwarto ko kaya sinabayan ako ni Mommy at laging niyang sinasabi magpapray ako.

"S-sorry..."

Tumango ako.

"Kung ayaw mong sabihin sa isang kaibigan, sa Panginoon mo na lang sabihin." hindi ako umimik.

Biglang dumating ang waiter at ngumiti kay Elizze.

"Here's your take out Miss Lie."

"Thank you." aba ngumiti rin ang isang to sa waiter tss. Anong bang pangalan nito? Binasa ko ang name plate niya.

Jamon

Tss! Pangalan pa lang pang-jejemon na.

"Sige, Driv. Una na ako ha, basta ha magpray ka. Lagi Siyang nandiyan para sa iyo." may mabuti rin palang side ang isang to. Siyempre nagustuhan ko kaya siya. At naglakad na siya palabas.

"Elizze!" tawag ko sa kaniya at lumingon naman  siya.

"T-thank you!" ngumiti siya at umalis na.

Sundan ko kaya ang isang yun baka mapano pa, gabi na eh.

Pinark ko ang kotse ko sa Park ng village nila Elizze. Kinuha ko na kasi to sa school bago ako pumunta dito.


Unexpected UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon