CHAPTER 17: Spark✨

659 15 11
                                        

VAL'S POV

Naasar ako dun kay Elizze at Driv kanina ah. Asarin ba naman ako kay Kale.

Ha! Hindi nila alam may kasunduan kaya kami nun at tungkol sa kanilang dalawa yun. BWAHAHAHA!

So ayun nga, ang kasunduan namin ay dapat tulungan ko si Driv na umamin na kay Railey at siya naman dapat marealize na ni Railey na gusto niya si Driv. At ang kapalit kapag nagawa ko yung sa akin ay libreng 2 Airplane tickets trip to Paris, meron kasing Flight ticket booking sina Kale. Aba rich yun eh!

Eh yung sa kaniya hindi pa naman niya nasabi pero importante to sakin dahil gustong-gusto ni Sophie pumunta sa Paris

So yun nga gusto ko lang ipaalam sa inyo na bukod sa I'm handsome, wala akong gusto kay Kale dahil kay Sophie lang ako.




RAILEY'S POV

Maaga akong pumasok dahil syempre evaluation, hindi dapat late.

Umupo na ako at nagsidatingan na rin  ang mga kaklase ko.

Mayamaya lang nagstart na rin ang evaluation.

Matalino rin pala si Driv, siya yung laging sumasagot sa tanong ni Ma'am eh. Well syempre magpapahuli pa ba ako? Hindi no! Kaya sumagot rin ako sa mga tanong.

The evaluation ended well and we were shocked kasi naman our visitor gave us an excellent ratings. Ngayon feeling ko makakabawi na ang Section A.

Ilang araw na rin ang nakalipas at ngayon na ang rehearsal namin para sa P.E. Dance Culminating.

"Okay, guys ready!" sabi ni Sir Cholin, ang bakla naming trainer.

Wait. Si Zynon wala pa.

"Sir! Wala pa po yung partner ko." nagulat ako sa sabay naming pagsabi ni Dylhan.

Wala pa nga si Sharie, yung partner ni Div.

Naalala ko tuloy yung wala rin siyang partner noon sa project at sabay rin kaming nagsalita yun nga lang walang 'po' yung sa kaniya, pero infairness ngayon meron na.

"My gosh! Pano ba yan, bakit hindi sila on time? Rehearsal na oh!"

"Saang set ba kayo?"

"Set C po."

"Oh yun naman pala, pareho lang kayo ng set, kayo na muna yung magpartner, iisa lang naman kayo ng direction and steppings. Oh sige na, Go! Go! Go!" napatango na lang kami.

Sabay na kaming pumunta sa puwesto namin, yung ibang kaklase ko naman magkahawak na ang kamay senyales na ready na sila. Iyan kasi yung entrance namin sa sayaw.

Hahawakan niya na sana ang aking kamay nang may magsalita.

"Sir, sorry I'm late." binaling naman nung nagsalita ang tingin niya sa akin.

"Excuse me, ako ang partner niya, you can go." Yung partner niya, si Sharie. Umupo na lang muna ako sa bleachers habang hinihintay si Zynon.

So far okay naman, synchronize rin naman silang lahat habang sumasayaw.

Napatingin ako kina Driv.

Napataas na lang ako ng kilay. Mas maganda naman kung ako yung kasayaw niya.

Teka ano?

Parang gusto ko nang matapos ang sayaw. Hindi naman sila bagay ni Sharie. Char! Ano ba tong pinagsasabi ko.

Unexpected UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon