CHAPTER 18: Their Sides

964 20 18
                                    

RAILEY'S POV

Hinihintay ko ngayon sina Rianne, bumili sa canteen eh. Si Kale naman nag CR.

Naalala ko naman tuloy yung kanina.

Ano bang nasabi ko? Pake niya kung gusto ko siya? Teka, gusto ko ba siya?

Naloloka na ako mga siszt!

Lord, guide me.

Ewan! ewan! ewan!

Pero sa bagay ano naman kung magustuhan ko naman siya ngayon? Hindi pa naman ako magboboyfriend.

Si Driv? pogi rin naman, mabait? Ugh minsan lang, masungit, matalino at mayaman. Kaso nga lang hindi ko alam kung 'God-fearing' siya. Sabi kasi ni Mama pag may ganun everything will follow na. Siyempre pag may takot sa Diyos, takot rin saktan ka at gumawa ng ibang maling bagay. So ayun importante yun. Pero pwede ko rin naman siyang turuan maging Godfearing.

Tss ewan! Napapangiti na lang ako kapag naaalala ko yung kanina.

"Hoy!"

"Ay palakang ambisyosa!"

"Ay! Grabe ka day! Palakang ambisyosa talaga? Sa ganda kong to?" binatukan ko naman si Kale.

"Oh, so ano nga bakit nakangiti ka?"

"Nakangiti? Luh? Di kaya!"

"Alam mo day marerealize mo rin na gusto mo siya, malapit na lang!"

"Ano pinagsasabi mo? Bakit ko naman marerealize na gusto ko si Driv?"

"Ayan na! May sinabi ba akong Driv? Wala naman ah 'siya' lang yung sinabi ko."

"E-eh, siya naman kasi yung palagi mong inaasar sa akin."

"Yan nga lang ba ang rason?"

"O-oo? Oo naman."

Umiling iling siya habang nakangiting pang asar.

"Oh siya halika na umuwi na tayo. Nandiyan na sina Rianne oh."

"Railey! Parang isang taon tayong di nagkita!" si Rianne.

"Loka! Isang araw pa lang hahaha!"

"Ay isang araw pa lang ba?" tumawa na lang kami.

Nakarating din ako agad sa village namin.

Habang papasok sa village, nakita ko so Jandy.

"Jandy!"

"Jandy!"

Nagkatinginan kami ng kasabay kong tumawag kay Jandy. Bagong baba lang siya sa kotse niya.

Papalapit naman na ngayon si Jandy sa amin.

"Railey, si Zoey pala girlfriend ko."

⊙_⊙

"O-oh talaga? Hi Zoey!" ngumiti naman ako sa kaniya at binaling ko ang tingin kay Jandy.

"Ikaw ha sumisikreto! Kailan pa?"

"Three days ago." sabay nilang sabi.

Uso na talaga yung duet mga beh!

"Stay strong lang hahaha! Dpat sa susunod pag tanungin ko kayo, three years na yung sagot niyo ha. " dapat in duet rin HAHAHA.

Unexpected UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon