"Cortoza, you may proceed to the Principal's Office." sabi ni Ma'am Alihinan sabay turo sa daan papuntang P.O.
"Samahan na kita, Railey." si Phelix. Ngumiti na lang ako.
"Railey, kinuha mo ba talaga yun?" si Phelix.
"Hmm, ano sa tingin mo?"
"Well, alam ko namang hindi mo magagawa yun."
"Salamat." ngumiti na lang siya.
Nakarating ring kami agad sa P.O.
"Ms. Cortoza?" Secretary ng Principal.
"Yes Ma'am."
"Just wait for a while, darating na rin si Ma'am Andrada. Katatapos lang kasi ng meeting niya with the Grade 11 students. I think you're aware, you're one of them right?" tumango na lang ako at ngumiti.
Maya-maya lang, bumukas yung pintuan.
"G-good morning po, Ma'am!" bati ko kay Maam Andrada.
"I have heard about what happened earlier, Ms?"
"Cortoza po Ma'am."
"I see. Ms. Cortoza, are you related to Alonzo Cortoza?"
"Uhmm, n-no Maam." sino ba yung Alonzo?
"Okay, nevermind. So can you explain what happened?"
"Uhmm, Maam I-I know its unbelievable but I don't have any idea how this thing happened. Ma'am hindi niyo man po ako kilala pero alam ng Diyos kung ano yung totoo, pasensya na po talaga pero alam ko po ako ang tama. Hinding hindi ko po yan magagawa." Lord I know you'll help me to get through this.
"I'm sorry but I can't believe you lalo na may ebidensiya sila. But I can see mabait kang bata. I don't know pero ang gaan ng loob ko sayo. We'll investigate first. May maidadagdag ka pa ba?"
"Ah, Ma'am nawawala po pala yung extrang susi sa locker ko."
"Okay, you can go."
It's already 10:06 am.
Recess na pala.
Bat ang daming nakatingin sakin, dumadaan lang naman ako eh, sobrang ganda ko na ba? Djk lang. Dahil siguro sa nangyari kanina, medjo marami rin yung tao kanina eh.
"Bish!" si Kale. Sigaw pa lang alams na.
"Okay na bish."
"Anyare?"
"Nabalitaan mo na siguro, tinanong lang naman ako eh."
"Alam mo ang peke talaga ng Ailee na yan, alam mo AILEECHE sya!! "
"HAHAHAHA! Oy ano ba! Hayaan mo na nga nakakatawa ka eh, nasan na ba sina Rianne?"
"Ewan ko ba, di ko sila nakita. Nakakain na ako, ikaw?"
"Wala akong gana."
"Tara sa room nalang tayo. Wattpad na lang, ya know."
Papunta sa room namin, puro parinig at bulungan maririnig mo. Wow, parang ginawa ko naman talaga. Pero hinahayaan ko na lang dahil mas kapani-paniwala naman yung bintang ni Ailee dahil may ebidensiya siya. Basta ako alam ko ang totoo.
Nung uwian na agad akong lumabas ng room.
"Oh ano? Sasabay ka ba ulit sakin?" Dylhan?
"Ano? Epal ka talaga eh! Ewan ko sayo!"
"Warm blooded kapa ba? Parang hot blooded ka na eh. Bat ba ang init2 ng ulo mo sakin?"
"Eh ano naman pake mo kung masungit ako sayo?"
"It's because I'm hurt!" Ha? ano daw?
"Railey nandyan ka lang naman pala eh, tara na umuwi na ta----Uy! Hi Dylhan! Nandiyan ka pala eh, hehe." nandiyan na pala sina Rianne.
"Sorry girls, sasabay siya sakin." Ano? May sinabi ba akong sasama ako sa kaniya?
"Talaga? Sige umalis na kayo! Ingat kayo ha! Mwa mwa!" lokang Rianne.
"Ha? Guys yung presentation, bukas na yun diba? Kailangan gawin na natin ngayon. Tara na!" Sana makalusot kahit hindi ko alam kung saang lupalop mg mundo ko to napulot.
"Ha? Ano? May project ba? Umaygosh! Bakit bukas na agad?" si Kale. Tanga, natangay rin ata.
"Walang project Kale ano ba! Naniwala naman kaagad eh. Bakit magclassmates ba tayo ha? Oh sige mauna na kami sa inyo Dylhan, ingatan mo yang bestfriend namin ha." >_<
"Mga baliw! Sinabi ko bang sasama ako sa kaniya?"
"So iiwan mo pala ako?"
"Arghh! Lilipat na talaga ako ng school bahala ka!"
"So iiwan mo kami? Ganun?" yung tatlong baliw.
"Wahhhh! Bahala na kayo!"
"Joke na nga lang. Aalis na kami pogi ha, kasi naman may 'project' pa kami eh." si Rianne. May diin pa talaga, sige ipahalata mo pa na napakatanga ko.
Sobrang epic! Magkaiba nga pala kami ng section tapos classmate ko si mokong, ayun buking.
"Sige, ingat kayo ^_^ " Pacute kapa eh, akala mo naman tatalab, pero oo sige na tumalab nga.
"Monday na monday ang init ng ulo mo!" si Kale.
"At dahil yun sa kaniya, tapos parang gusto niyo pang magkasama kami!"
"Siyempre, bet namin siya for you." si Kale ulit.
"Oo nga! Tsaka bakit ba ang init ng ulo mo sa kaniya? Ano bang ginawa niya?"
Oo nga no? Bakit nga ba? Nagkausap naman na kami tungkol sa output at settled na yon. Kalma Railey! Attitude! Ano ba? Control!
Huminga ako ng malalim at hindi na umimik. Sumakay na kami ng jeep at maya maya lang nakarating na rin kami sa labas nang village namin.
"Mauna na ako ah, ingat kayo labyu!" paalam ko sa kanila.
"Bye! Ingat ka bessy!"
Papasok na ako ng village at nakita kong nag-aasal na si Manang. Timing may isaw, gutom na ako.
"Sampung isaw nga manang tapos dalawang coke. "
Jandy?
"May gusto ka pa ba?"
"Uhm, Sobra-sob----" naputol naman yung sagot ko kay Jandy
"Halo-halo nalang." sabi nung babaeng kasama ni Jandy.
⊙_⊙
>_<
Taken na ba siya?

BINABASA MO ANG
Unexpected Us
Novela JuvenilThey say love makes you taste happiness not bitterness. Pero andaming mga bitter sa pag-ibig, right? But mas madami ang mga nagbibitter-bitteran. Let's say, Railey Cortoza is one of them. But the question is, hanggang kailan siya magiging bitter? Wi...