CHAPTER 16: One of the Boys

638 17 7
                                    

DYLHAN'S POV

Palabas na ako ng TLE room, dahil lunch na namin. Nasan na ba si Val?

"H-hi Dylhan..." napatingin naman ako sa dalawang students na tumawag sa akin. Ngumiti na lang ako.

Napapakunot na lang ang noo ko nang maalala ang ginawa ni Aidenie. She can't be serious.

"Bro!" tinapik ni Val ang balikat ko.

"Kamusta kayo ni Rail–" tinakpan ko na ang bibig niya bago pa magsabi ng kung ano-ano.

"Hindi ko alam."

"Oh bakit?"

"Hindi ko alam."

"Puro ka hindi mo alam. Edi alamin mo! " napailing naman siya.

We decided na kumain sa Gabita's Food House. Malapit lang rin naman ito sa school.

Nanlumo naman ako sa inorder ni Val.

"Bro, bawal ako sa hipon."

"Ay! Sorry bro nakalimutan ko." Allergic ako sa mga hipon and other seafoods.

Pinalitan naman niya ng beefsteak and pineapple juice yung order ko.

Mayamaya nandiyan na rin yung waiter at kumain na kami.

"Tol! Tol!" may nginuso naman siya sa likuran ko at napatingin naman ako dun.

Elizze? Lumiwanag naman ang mukha ko nang makita sya.

"Railey!" tinawag naman siya ni Val. Ewan, parang baliw nga siya dito kakakaway eh.

"Uy, Val! D-driv... " I flashed my smile at her.

"Ahh, ano pala ang ginagawa mo dito?" tanong ko at umupo naman siya sa tabi ko.

"Syempre, Driv kakain. Ito naman, magpapapansin na nga lang kung ano ano pa ang tinatanong." nabatukan naman si Val.

"Daldal mo!" tumawa na lang siya at napailing naman si Elizze.

"Ay, oo nga pala. Nasan na si Kale?" tanong ni Val.

"Si Kale? Bakit naman?" ngumisi naman si Elizze. Napatingin naman ako kay Val.

"Bakit mo sya hinahanap?" nagkatinginan kami ni Elizze dahil sa sabay naming pagsalita.

"A-ah, hehehe nasan yung mga kaibigan mo?" napangiti naman si Elizze nang nakakaasar.

"Asus. Busy sila, kaya ako na lang ang kakain mag-isa, order lang ako ah."

Bumalik si Elizze sa table after ng ilang minutes and guess what? Hipon ang inorder niya. Nakikita ko pa lang, nangangati na ako.

"Guys oh, hipon gusto niyo?" Nagkatinginan naman kami ni Val.

"Oy! Hipon! Paborito ko yan ah!" napatingin naman kami sa bagong dating.

Anong ginagawa niyan dito?

"Oh, Zynon. Ah guys pwede bang sumali na rin sya sa'tin?"

"Hindi!" nagulat naman si Elizze sa inasal ko. Sa tingin niya ba gusto kong makasama yang kumag na yan. Tss!

"Ah sige. Hahanap na lang kami ng table. Sa susunod na lang ako sasabay sa inyo, Val." ANO?! Pipiliin talaga ni Elizze yan kesa sakin?

"J-joke lang, di mabiro. You can join us, uhm bro?" tiningnan naman ako ni Val nang di makapaniwala. Tiningnan ko siya ng masama at pinigilan niya namang tumawa. Tss!


RAILEY'S POV

Hindi ko alam anong nangyayari ky Driv. Bumait yata sya? Kinakabahan nga ako eh, ngayon lang naman kasi ulit kami magkakasama.

"Good. I'll just order food."

Tahimik lang na kumakain ang dalawa. Nauna na kasi silang kumain, ako naman napagdesisyunang hintayin na lang si Zynon para may kasabay din siyang kumain.

Mayamaya lang nandiyan na rin siya at kumain na rin ako.

Aware naman akong tinitingnan ako ni Val, at mas lalong aware ako na pinipigilan niyang tumawa.

Eh sa gutom ako eh! Bahala na sila.

"Hinay hinay lang Railey. May bukas pa naman ano."

"Oo nga, kumilos babae ka nga!" At bumalik na naman sa pagsusungit si Driv.
Di na lang ako umimik at pinagpatuloy ang pagkain.

"Guys, I'll go ahead. May meeting kasi kami, alam niyo na buhay varsity." ani ni Zynon.

Tumango na lang ako at kumaway.

"Sige tol!"

Napansin ko namang tumawa si Val. Ano na naman ba?

I plastered my confused look.

Kumuha naman ng tissue si Driv at inabot kay Val. Hindi naman ito tinanggap ni Val at parang nagtutulakan silang dalawa.

"Naguguluhan na ako! Ano bang tinata—-" Nagulat ako nung pinunasan ni Driv ang bibig ko.

"Uhm, salamat." Nasa movie na ba ako? Super familiar ng scene na to.

Teka ang puso ko. Alam mo yung parang naistatwa ka at hindi makagalaw. Naging conscious tuloy ako.

Simpleng bagay lang naman yun. Pero hindi maalis sa isip ko yung ginawa niya at di ko pa mapigilang mapangiti.

Napansin ko ang OA ko na these past few days. Anyare?

"Uyyy!! Halatang halata ka na talaga!" napatingin naman ako kina Kale. Nandito kami ngayon sa shed kakatapos lang nang last subject.

"H-ha?"

"Kanina mo pa tinititigan si Dylhan eh." namula naman ako.

"Oo nga, baka matunaw na siya niyan."

"Uy hindi ah. Mauna na nga pala ako. And guys wag ninyong kakalimutan magreview, evaluation na bukas. Bye!"


Pagdating ko sa bahay, nagpalit na ako ng damit at nagreview.

Kumain na rin ako at ngayon nakahiga na ako sa kama ko at nag-iisip.

Di ko namalayan nakatulog na ako.












Short update po *peace*
Sorry din po sa mabagal na update.

Unexpected UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon