Part 1

6.4K 116 3
                                    

Part 1

"Magandang morning!" Hyper na sigaw ko matapos kong makalabas nang pintuan ng munti naming bahay. Bumungad sa akin ang malamig na hangin at sariwang hangin. Kay sarap talaga ng hangin dito sa probinsya namin!

Napatingin ako sa piligid ko nakita ko naman agad ang aking lolo at lola na nakaupo sa ilalim nang isang punong mangga habang umiinom ng mainit na kape. Dali-dali akong lumapit sa kanila at hinalikan sila sa pisngi.

"Magandang morning, Lolo Pogi at Lola Ganda ko!" Masayang bati ko sa kanila. Nginitian naman nila ako.

"Ikaw na bata ka! Ki-aga-aga puno ka ng enerhiya sa katawan," sabi ni lola.

"Ganoon talaga 'yon, Lola," napailing naman si lola sa akin.

Ang Lola at Lolo ko na lang ang kasama ko sa buhay ko ngayon. Bata pa lang kasi ako ay namatay na ang mga magulang ko, pero kahit ganoon ay kontento na ako sa lolo at lola ko kasi mapagmahal sila at maalaga sa akin, sila na rin ang tumayong mga magulang ko, kaya kahit ulila na ako ay masaya pa rin ako dahil may lolo at lola pa akong kasama.

"Apo magkape ka na, tayo ay bababa mamaya roon sa Kanto magtatanim tayo nang palay," sabi ni lolo.

"Okay po!" Sabi ko at dali-daling tumakbo papasok sa loob ng bahay namin.

Kanto ang tawag namin sa pinaksentro ng barangay namin. At sinabi naman ni lolo na sa bababa kasi sa bundok kami nakatira, pero hindi naman sa pinakatoktok nang bundok. Parang nasa kalagitnaan pa lang naman, kaya abot pa rin kami kahit papaano ng kuryente. Hindi naman ganoon kalayo ang kanto sa lugar namin mga ilang tambling ko lang pababa ay ayon na.

Oo nga pala hindi pa ako nakakapagpakilala ako nga pala si Kelly-Kelly Leuwis Castañeda, este Kelly Leuwis Castañeda pala, labing-walong taong gulang pa lang ako kakagraduate ko lang sa senior high nitong nakaraan na buwan lamang. Abril pa lang naman ngayon at taniman pa lang ng  palay ngayon.

Nakatira nga pala ako sa Oriental Mindoro, sa isang maliit na probinsya, sa maliit na barangay Manihala, medyo may kalayuan ang lugar namin sa bayan. Halos isang oras din bago kami makarating sa bayan. Minsan nga lang ako nakakapunta ng bayan e, sayang kasi ang gasolina kung pupunta lang doon, kaya pumupunta lang kami roon kapag may bibilhin lang na importante.

Matapos kong magtimpla ng kape ay lumabas ulit ako ng bahay namin at nakiupo sa lolo at lola ko na nasa ilalim ng isang punong manga na tanim ng lolo ko, mahilig kasing magtanim ng kung ano-ano ng lolo ko. Matapos namin magkape ay naligo na ako at hinanda na ang isusuot ko para sa pagtatanim namin ng palay.

Isang kupas, may sira, at lumang long sleeve iyon. Ganoon kasi ang gamit namin sa pagtatanim ng palay, tapos isang jogging pants na kulay itim na luma na at isang sumbrero, ternuhan pa ng tsinelas. Matapos kong makapag-ayos ay lumabas na ako ng munti naming bahay, nakita ko naman sila lolo at lola na hinihintay ako sa labas ng bahay namin.

"Tara na po," sabi ko.

"Isarado mo muna ng maige ang bahay baka mamaya may makapasok na naman na kambing diyan," sabi ni lola. Sinaraduhan ko naman iyon ng maige bago lumapit kila Lola, sabay-sabay naman kaming bumaba, nauna ako sa kanila para aalalayan sila, medyo matarik kasi ang dinadaanan namin kasi nga bundok.

Nang makababa na kami sa matarik na iyon ay naglakad muli kami ng ilang saglit bago kami makarating Kanto.

"Magandang morning mga kapamilya, kababayan, kapuso, kakaluluwa, at kung ano-ano pa!" Sigaw ko habang nakataas pa ang kamay ko. Natigilan naman ang ilang taong na nandoon at napatingin sa akin sabay tawa.

"Naku! Naandiyan na pala si Kulit este Kelay pala," sabi ni Kuya Orlan, asawa siya nang tita ko sa pinsan pero kuya ang nakasanayan kung tawag. Mabait naman siya at kaclose ko rin lalo na ang anak niyang babae na sobrang lapit kami, kaming dalawa nga noon ang close na close sa magpipinsan. Sa Kanto kasi ay halos kamag-anak namin ang nakatira roon.

"Ay! Grabe ka sa akin Kuya!" Sabi ko sa kanya natawa naman siya sa akin.

"Psst! Maingay ka kasi!" Sabi naman nang isang lalaking naka sando at nakatokong. Tiningnan ko naman siya nang masama. Meet my number one enemy! Bryan!

"Pangit!" Sigaw ko sa kanya.

"Mas pangit ka!" Sabi niya sabay walk out.

"Pinakapangit ka!" Sigaw ko tinaas niya lang naman ang isang kamay niya at derederetsong naglakad papalayo.

"Tsk! Tsk! Kailan ba kayo magkakasundo ni Bryan, lagi na lang kayong nag-aaway mamaya kayo ang magkatuluyan!" Sabi naman nang isang boses babae napatingin ako sa kanya at sinimangutan siya. Meet my bestfriend Bebaina ang pinsan ni Bryan pangit.

"Hindi mangyayari iyon, ayoko sa kanya!" Sabi ko.

"Ay! Sus, nagsalita best," sabi niya sabay lapit sa akin.

"Ewan ko sa'yo best!" Sabi ko.

"Magtatanim ng palay?" Tanong niya sa akin. Tumango naman ako sa kanya.

"Ikaw?" Tanong ko, base kasi sa itsura niya ay magtatanim din siya.

"Tingin mo best? Pupunta ako sa birthday party na ganito ang itsura!" Sabi niya.

"Tama ka nga naman," sabi ko habang tumatawa-tawa.

"O siya tara na para maaga tayong matapos," sabi niya.

Nagsimula na kaming maglakad papunta sa palayan. Pagdating namin doon ay binati ako ulit sila pero may kumontra na naman sa akin na pangit! Nandoon din pala si Bryan Pangit. Nang nagsimula na kaming magtanim ay tahimik na kaming lahat at mga seryoso na kami sa pagtatanim ng palay.

Makalipas ang ilang oras na pagtatanim ay nagpahinga na muna kami at kumain kami, matapos ang isang oras na pahinga ay nagtanim na ulit kami. Mga bandang alas quatro ng hapon ay huminto na kami sa pagtatanim, halos na tapos na namin ang isang taniman ng palay.

Nauna na akong umuwi sa bahay namin at naligo na ulit ako bago magsaing, matapos iyon ay umakyat na ako sa pinakatoktok ng bundok para magtupa ng mga hayop na alaga namin, inuna ko ang mga kambing hinila ko sila papunta sa hindi sila mababasa kung sakaling umulan at sa madamong lugar. Sinunod ko naman ang baka, sunod at ang kalabaw.

Matapos kung matupa ng mga alaga namin ay may kadiliman na rin kaya naman umuwi na ako pagdating ko sa bahay ay nandoon na sila lola at lolo, nagluluto na ng ulam si lola, si lolo naman ay nagkakape habang nakaupo sa ilalim ng puno ng manga, pumunta ako kay lola at tinulungan siya magluto. Mga bandang alas sais ng gabi ay kumain na kami.

Matapos iyon ay naghugas na ako ng plato at naghanda na rin ng matutulugan namin. Mga bandang alas otso ay magsasarado na sana ako ng pintuan para matulog na kami, nang makarinig ako ng isang malakas na lagabog na parang nahulog mula sa taas, 'yong parang biglang nahulog. Dali-dali naman bumangon sa pagkakahiga si lolo at lola narinig din yata nila.

"Ano iyon?" Tanong ni lolo.

"Hindi ko po alam, titingnan ko po," sabi ko kinuha ko naman ang flashlight at ang jacket ko si lolo naman ay sumunod sa akin na may dalang itak. Naglakad kami sa may kakahuyan papunta sa toktok ng bundok, mukhang galing kasi roon e. Nang makarating na kami sa toktok ay nagulat kami ni lolo na isang mukhang helicopter na nahulog ito, naunang lumapit si Lolo roon tiningnan niya iyon.

"Apo may tao sa loob, halika tulungan mo ako buhay pa yata," sabi ni Lolo.

Tinulungan ko naman si Lolo, dali-dali namin siyang dinala sa bahay namin, pinababa rin ako ni Lolo sa Kanto para papuntahin 'yong tita ko sa pinsan midwife. Agad naman itong sumama sa akin at tiningnan ang lalaking nakita namin ni Lolo.

"Jusko! Sino ba itong batang ito kawawa naman?" Sabi ni Lola, dumudugo kasi ang ulo nito mabuti na lang ay na solusyonan agad.

"Bukas po ipacheck po natin siya sa doctor na pupunta rito, mabuti na lang at schedule ni doc bukas dito." Sabi ni Ate Tina.

"Salamat Tina, ingat ka sa pag-uwi pasensya sa isturbo," sabi ni Lola. Tumango lang si Ate Tina. Nang makaalis na si Ate Tina ay tingnan ko ang lalaking nakita namin. Ang gwapo ni kuya! Parang may kamukha siya kaso hindi ko maaalala. 'Di bali na lang tatanungin ko na lang siya bukas. Pero ang gwapo niya talaga!

That Crazy Probinsyana Girl Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon