Part 6
"Go kuya gwapo!" Sigaw ko nasa may basketball court kami ngayon, naglalaro kasi sila ng basketball. Hindi pa naman nagsisimula ang paliga, pero nagkatuwaan yata at naglaro lang sila ngayon. Magkakampi si Kuya Gwapo at ang mga iba kong pinsan na lalaki, tapos kalaban nila sila Bryan pangit at iba kong pinsan at pinsan niya na rin.
"Hoy! Kelay!" Tawag sa akin ni Chelle.
"Ano 'yon?" Tanong ko sa kanya pero kay Kuya Gwapo pa rin ang paningin ko.
"Hoy! Kelly-Kelly!" Sabi naman ni Beb, sabay hila sa akin paupo nakatayo kasi ako.
"O? Ano nga 'yon?" Sabi ko na sa kanila na nakatingin.
"Malapit na fiesta natin!" Excited nilang sabi.
"Ngayon?" Sabi ko habang nakatingin ulit kay Kuya Gwapo na may hawak na ngayon ng bola.
"Malamang marami na namang palaro, at mga palabas sa gabi, at ito pa ang balita ko, kasali ka daw sa Miss Teen, napili ka daw ni Kapitana!" Sabi ni Beb. Bigla naman akong napatingin sa kanila na nanglalaki ang mata.
"Anong sabi mo Best?" Tanong ko sa kanya.
"Kasali ka raw sa Miss Teen!" Nakangisi niyang sabi.
"E bakit ako?" Sabi ko.
"Bakit hindi ikaw" sabi ni Val.
"Ayoko sumali, wala akong alam diyan!" Sabi ko.
"Ayaw mo noon? Malay mo dahil doon mapansin ka na ni Kuya Gwapo mo," sabi ni Beb. Natigilan naman ako at napangiti ng malaki! Good Idea.
"Ang talino mo best! Tama ka nga, pwede 'yon!" Sabi ko.
"Sasali ka na?" Sabay-sabay na tanong nila.
"Oo na!" Sabi ko.
Napangiti naman silang tatlo sa sinabi ko.
*****
"Okay Candidates, ipakita niyo sa akin kung paano kayo rumampa!" Sabi ng nangtuturo sa amin para sa pageant. Naka-high heels ako at nakapantalon at T-shirt na puti.
Nagsimula na ang practice namin dahil malapit na rin wala nang isang buwan ay fiesta na, nagsimula na rin ang paliga, at syempre todo cheer ako kay Kuya Gwapo kaya siya naman ang magchecheer sa akin ngayon, dahil ito ang unang practice namin.
"Ikaw!" Turo sa akin noong baklang nirentahan nila kapitana para magturo sa amin, tumungin ako sa kaliwa't kanan ko pati na rin sa likod ko sabay turo sa sarili ko.
"Ako?" Gulat na tanong ko. Tumango naman ang baklang magtuturo sa amin.
"Hehehe!" Sabi ko habang marahan na naglalakad papunta sa gitna ng stage kung saan kami nagpapractice, napatingin naman ako kay Kuya Gwapo kasama ang mga pinsan kong lalaki pati na rin sila Beb, Val at Chelle nandoon din si Bryan pangit.
"Go Kelay!" Sigaw nila Beb. Pumikit muna ako at nagbuntong hininga.
Bahala na si Batman! Hindi ako marunong rumampa pero may napapanood ako kung paano sila rumampa.
Nilagay ko ang dalawa kong kamay sa baywang ko ay naglakad na todo kembot pati balikat ko ay sumasabay sa pag kembot ko. Nakangiti pa ako habang naglalakad, pumunta ako sa kanang bahagi ng stage at nagpost doon na nakahawak sa dalawa kong baywang ang kamay ko habang nakayuko ako, 'yong kay Steffie Chun na pose 'yong bidang babae roon sa My Love From the Star. Nakita ko na napanganga ang nga nanonood sa akin.
Naglakad ulit ako papunta sa may kaliwang bahagi naman ng stage tumigil ako roon at nagpose ulit, doon naman ay nagpose ako ng masakit ang ulo pose 'yong nakahawak ang dalawa kong kamay sa ulo ko at ginulo-gulo ko pa ang buhok ko.
BINABASA MO ANG
That Crazy Probinsyana Girl
Hài hướcSimple lang ang buhay ni Kelay, tahimik at isang normal na probinsyana lamang pero ng dumating ang isang ekstrangherong lalaki sa buhay niya, marami siyang natutunang bagay, doon siya nagmahal, subalit na saktan din. Dumating ng biglaan ang ekstrang...