Part 2
Maaga kaming nagising nila lolo at lola, bandang alas quatro nang umaga ay gising na kami. Sinabihan ako ni lolo na 'wag na raw sumama muna sa pagtatanim nila samahan ko raw muna 'yong gwapong lalaki na nakita namin doon sa center para macheck-up daw siya. Mga bandang five-thirty ng umaga ay bumaba na sila lolo, ako naman ay naiwan sa bahay namin. Sinilip ko muna si Kuya Gwapo sa kwarto ko kung saan ay tulog pa rin siya roon.
Tinitigan ko siya, ang gwapo-gwapo talaga niya, kahit luma na ang suot niyang damit ay bagay na bagay sa kanya. May ganito pala talaga kagwapong lalaki. Mukhang mayaman si Kuya kasi ang puti-puti niya, tapos ang kinis ng mukha, idagdag pa ang perpektong panga niya at matangos na ilong, napahawak naman ako sa ilong ko. Hindi naman katangusan ang ilong ko, hindi rin naman pango, pero kapag naka side view ako. Perfect! Ang tangos niya! Kapag nakaside view nga lang.
Ilang minuto ko pa siya tinitigan habang natutulog pa siya bago ako lumabas ng kwarto ko. Naglinis muna ako ng bahay at nagluto na rin ng dadalhin ko mamayang pagkain para kila lolo. Matapos ko gawin ang mga dapat gawin sa loob ng bahay ay lumabas naman ako at nagwalis sa paligid namin.
Mga ilang minuto pa ay natapos na ako, kaya naman umupo muna ako sa may ilalim ng puno ng mangga kung saan mayroon doong upuang gawa sa kahoy. Napatingin ako sa paligid, mula sa kinauupuan ko ay kitang-kita ko ang dagat sa malayong lugar, sobrang ganda sa lugar namin, halos makita ko ang buong bayan namin sa pwesto ko.
Napatigil ako sa pag-aliw-aliw nang may marinig ako lagabog kaya naman dali-dali at ng pumasok sa loob, nang laki ang mata ko ng makita ko si Kuya Gwapo na nakahiga sa semento ng sofa namin.
"Hala kuya pogi!" Sabi ko sabay takbo palapit sa kanya at tinulungan siya maka-upo sa isang upuan.
"Nasaan ako?" Naguguluhang tanong niya sa akin habang nakatingin sa paligid. Napanganga naman ako, ulala talaga si kuya mo gwapo! Ang ganda ng boses lalaking lalaki!
"Nasaan ako?" Kunot noo niyang tanong, bigla naman akong natauhan.
"A, e, nasa bahay ka namin," wala sa loob kung sagot.
Ay! Shonge lang Kelay malamang nasa bahay niyo nga!
"Ha?" Kunot noong tanong niya.
"Ibig kung sabihin nasa Oriental Mindoro ka, nakita ka namin kagabi roon sa toktok ng bundok," sabi ko lalo naman kumunot ang noo niya.
"Kuya? Ano pala pangalan mo?" Tanong ko.
"Pangalan?" Tanong niya sabay hawak sa ulo niya.
"Oo 'yong name mo? Gaya ko pangalan ko Kelay, ikaw ano pangalan mo?" Tanong ko. Bigla siyang umiling-iling habang hawak ang ulo niya.
"Wala akong maaalala," sabi niya.
"Ha? Hala baka may ammonia ka!" Sabi ko.
"Ammonia?" Tanong niya.
"Oo 'yong nawalan ng alala 'yong ganoon!" Sabi ko.
"Amnesia?" Sabi niya.
"Ayon tama! Amnesia nga! Okay lang 'yon magkatunog naman sila, tsaka parehas naman silang may sia!" Sabi ko sabay kamot sa ulo ko. Nakita ko naman na nagpipigil siya ng tawa. Napangiti naman ako.
"Aha! Nakita ko 'yon, ngumingiti ka," sabi ko. Bigla siyang ngumiti sa akin, ako naman ay natulala, takte ang gwapo!
"Nagugutom ka na ba?" Tanong ko sa kanya.
Hindi naman siya umimik kaya naman pumunta ako sa kusina namin at naghanda ng makakain, naglagay ako sa mangkok ng monggo na niluto ko at kinuha ko rin ang tuyo na niluto ko, naghain ako ng pagkain sa lamesa namin.
BINABASA MO ANG
That Crazy Probinsyana Girl
HumorSimple lang ang buhay ni Kelay, tahimik at isang normal na probinsyana lamang pero ng dumating ang isang ekstrangherong lalaki sa buhay niya, marami siyang natutunang bagay, doon siya nagmahal, subalit na saktan din. Dumating ng biglaan ang ekstrang...