Part 10
Nang matapos ng kumanta si Kuya Gwapo ay bumaba na siya sa stage.
Sinusundan ko lang siya ng tingin at pinag-aaralan ko ang bawat kilos niya.
Umupo siya sa upuan kung saan ay katapat ng upuan ko.
Nakipag high five siya kila Bry at sa mga pinsan ko ng tumingin siya sa akin ay ngumiti siya.
Nginitian ko rin siya.
Nagpatuloy ang singing contest nanonood at pumapalakpak rin ako.
Nang matapos ng kumanta ang mga kalahok ay ina-announce na mayamaya malalaman ang resulta.
Nagkaroon ng kaunting salita ang kapitana, mayamaya ay biglang dumating ang bandang inarkila nila para sa Barangay Night.
Pumunta sila sa stage at nagpaunang kanta.
Nang mga dalawang kanta sila ay umakyat muli sa stage ang emcee para ia-announce ang mananalo sa singing contest.
"Ang ating third placer ay number......... Eight!" Sigaw ng emcee nagpalakpakan naman kami.
Umakyat sa stage ang third placer at kinuha ang prize niya at ang trophy.
"....okay congratulation number Eight, our second placer is..... Number...... Three!" sabi ng emcee napatingin naman kami kay Bry na tumayo siya pumalakpak kami sa kanya, umakyat siya sa stage at kinuha ang prize niya.
"... At ngayon ay ang ating kampyon naman! Congratulation number........... Four!" Sigaw ng emcee.
Napatayo naman ako at nagtatalon.
"Sabi ko na nga ba!" Sabi ko sabay tingin kay Kuya Gwapo na nakatayo na rin ngimiti siya sa akin at umiling-iling bago umakyat sa stage.
Nakangiti akong tinitingnan siya habang nakikipagkamayan doon sa stage, nakipagkamay din siya roon sa banda na inarkila nila Kapitana, napakunot noo ako ng halos sambahin nila si Kuya Gwapo, para bang tuwang-tuwa sila kay Kuya Gwapo ng makita nila ito na para nilang iniidolo si Kuya Gwapo.
Lalo akong napakunot ng noo ng may sinabi 'yong vocalist ng banda kay Kuya Gwapo, hindi ko lang maindihan ang sinabi ng vocalist, nakita ko rin na nagsalita si Kuya Gwapo, tumango naman ang banda at ngumiti kay Kuya Gwapo, ngumiti rin naman si Kuya Gwapo nakipag fist bump.
Ano kayang pinag-usapan nila?
At bakit parang kilala ng mga bandang iyon si Kuya Gwapo.
Nang bumaba si Kuya Gwapo sa stage ay bumalik siya sa pwesto niya, nakatingin lang ako sa kanya.
Feeling ko talaga may tinatago si Kuya Gwapo sa akin. Sa amin.
May naaalala na ba ikaw Kuya Gwapo?
"Bakit parang kilala ka noong bandang 'yon?" Tanong ni Jared kay Kuya Gwapo.
"A hindi naman binati lang ako," sabi niya.
Napakunot noo naman ako binati lang pero bakit parang iba ang sinabi sa kanya at medyo may kahabaan ang sinabi.
"Mga kababayan simulan na natin ang Party!" Sabi ng emcee.
Kaya nagsigawan ang mga tao nagsimula na rin kumanta ang banda.
Nakangiti lang naman ako habang nanonood sa banda.
Mayamaya ay hinihila na ako nila Beb na pumunta sa gitna at sumayaw kami, umiling lang naman ako, nang hindi talaga nila ako napilit ay iniwan na nila ako, kaming dalawa na lang ni Kuya Gwapo ang naiwan sa table.
BINABASA MO ANG
That Crazy Probinsyana Girl
HumorSimple lang ang buhay ni Kelay, tahimik at isang normal na probinsyana lamang pero ng dumating ang isang ekstrangherong lalaki sa buhay niya, marami siyang natutunang bagay, doon siya nagmahal, subalit na saktan din. Dumating ng biglaan ang ekstrang...