Part 24

1.9K 48 6
                                    

Part 24

Tulala akong nakatingin kila Vannie na kumakaway pa sa akin.

'Anong ginagawa nila rito?'

Dali-dali naman akong lumapit sa kanila.

"Anong ginagawa niyo rito?" Tanong ko habang nakatingin kay Vannie.

"Bakasyon, maganda pala rito sa inyo! Wow! Boss Sungit, tingnan mo ang ganda rito kita 'yong dagat ang ganda ng view, fresh air pa, 'di ba baby Keyfer," sabi ni Vannie habang nakatingin sa dagat na natatanaw mula sa kinatatayuan namin.

Napatingin ako kay Nathaniel na nakatingin din sa akin, mabilis ko namang iniwas ang mata ko sa mata niyang nakatitig sa akin.

"Kamusta si lolo?" Tanong niya sa akin.

"Okay na siya, nagpapahinga na lang siya," sabi ko.

Tumango naman siya.

Napatingin naman ako kay Vannie na ngayon ay nakatingin sa puno ng mangga.

"Boss Sungit! Kuha mo ako mangga," sabi ni Vannie habang nakatingin kay Sir Nathan.

"Mamaya na magpahinga ka muna, Vanessa, at tsaka karga ko ang anak natin," sabi ni Sir Nathan.

"Nakakainis ka!" Sabi ni Vannie, sabay lapit kila Carel at Val na nakaupo sa may puno.

"Bakit hindi ka nagpaalam noong umalis ka?" Tanong ni Nathaniel kaya napatingin ako sa kanya.

"Kailangan pa ba 'yon?" Tanong ko sa kanya.

Tinitigan niya naman ako.

Gumanti rin naman ako sa titig niya.

"Kelay! Ano ba't ang iingay dito-- Nathaniel? Apo! Nandito ka pala, halika pasok ka," sabi ni Lola na galing sa loob ng bahay.

"Hello po Lola, kamusta na po? May kasama nga po pala ako 'yong mga kaibigan ko po," sabi ni Nathaniel at tinuro sila Vannie na komportableng nakaupo sa may ilalim ng puno habang nag seselfie sila roon.

"Mabuti naisipan mong madalaw dito ag tagal mo rin na hindi na nakadalaw," sabi ni Lola, napakamot naman sa batok si Nathaniel.

"Busy po kasi, pasensya na po," sabi niya habang nakangiti kay lola.

"Ay ganoon ba, halika pasok muna kayo sa loob, kumain na ba kayo?" Tanong ni Lola kay Nathaniel.

"Hindi pa po," sabi ni Nathaniel.

"Halika pasok kayo sa loob at kumain," sabi ni lola, tinawag ko naman sila Vannie dali-dali naman silang lumapit at nagmano kay Lola.

Pinapasok ko sila sa loob para makakain ng tanghalian tinawag ko na rin sila Carel at Val na nagpapahangin sa may puno ng mangga para makakain na rin.

Nang nasa hapag kainan na kami ay umupo na kami, sa tapat ko nakaupo si Nathaniel katabi ko naman si Carel.

"Pagpasensyahan niyo na ang ulam namin, hindi namin inaasahan na darating kayo," sabi ni Lola.

"Naku! Lola okay lang po namiss ko nga itong pagkain na ito matagal na ako hindi nakakain nito!" Sabi ni Vannie.

Laing lang kasi ang ulam tapos mayroon isda.

Masaya kaming kumain habang kukwentuhan natutuwa lang kami kay sir Nathan halatang hindi sanay kumain ng laing.

Si Nathaniel naman masayang kumain, madaldal din ang anak ni Vannie kaya nagpasaya sa amin, nakakatuwa kasi siya nagustuhan niya ang laing.

That Crazy Probinsyana Girl Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon