Part 26
Nang magbandang ala-una na ng hapon ay bumaba na kami sa kanto, dala-dala ni Sir Nathan at Nathaniel ang pansit na nakalagay sa kaserola.
Si Keyfer naman ay tuwang-tuwa sa pagbaba nagpadulas pa nga ito e, syempre kasama niya ang nanay niya habang ako inaalalayan si Carel sa pagbaba na halos magtitili na dahil ilang beses itong muntik ng madulas.
May dala-dala rin akong bag na may lamang tuwalya, actually kila Vannie na bag 'yon nakilagay lang nami ni Carel ng tuwalya, medyo may kalakihan na shoulder bag iyon.
Nang makababa na kami sa may kanto ay dumeretso muna kami kila Val. Doon na kami nang hiram ng water jug na lalagyan ng juice. Matapos namin doon ay umalis na kami si Nathaniel na ang nagbitbit ng water jug habang si sir Nathan naman sa pansit.
Nang makarating kami sa tapat ng bahay nila Chelle ay nandoon na rin ang mga pinsan ko, nakipagkamustahan naman si Nathaniel sa mga tao na kaclose niya na nandoon. Ang iba naman ay nagpapicture kay sir Nathan.
"Kelly-Kelly!" Narinig kong sigaw ng nakakairitang boses ni Bryan Pangit.
Humarap ako sa pinagmulan ng boses nito nakita ko itong nakangiti sa akin ng maluwag habang nakabuka ang mga kamay nito.
"Ano na naman?" Asar na tanong ko rito.
"Wala ba akong yakap, 'di mo ba ako namiss sa ilang oras na hindi tayo nagkita?" Tanong nito sa akin.
Tiningnan ko naman siya ng masama. Natawa na lang ako kay Beb ng bigla niyang batukan ang pinsan niya.
"Abnormal ka Bry hindi ganyan pumorma sa babae!" Sabi ni Beb, napahawak naman sa batok si Bryan Pangit.
"Ano gagawin ko?" Tanong ni Bryan kay Beb.
"Aba, ikaw na agad ang yumakap!" Sabi ni Beb na ikinagulat ko, na siya namang ikinangisi ni Bry sabay tingin sa akin at tumakbo habang akmang yayakap na ito pero bago pa ako mayakap ay may humila sa akin pagilid, kaya naman derederetso si Bryan pangit na napayakap kay Sir Nathan na nasa likod ko pala.
"Ay sorry, Boss!" Sabi ni Bryan kay Sir Nathan na kunot noong nakatingin kay Bry.
Natawa naman ako, pati ang mga taong nakakita noon.
Tumingin sa akin si Bry, tapos ngumisi siya sa taong nasa gilid ko.
Napatingin din ako sa nginisian niya na humila sa akin para makaiwas sa yakap sana ni Bry.
Nakita ko na si Nathaniel iyon na kunot noong nakatingin kay Bry.
"Tara na ligo na lang tayo, tama na ang love triangle," sabi ni Chelle na katabi ni Val at Carel.
Tumango naman kami, ang iba ko pinsan ay nauna na para madala iyong pansit at ang inumin tsaka na rin ang mga paper plate at disposable na baso.
Sila Vannie naman ay ayaw sumabay sa mga pinsan kong nakamotor na nauna dahil gusto niya raw maglakad para makita niya pa ang mga madadaanan namin baka raw may magandang view madaanan kami.
Sa ibang araw ipapasyal ko nga ito si Vannie sa bundok namin, doon na mismong toktok ng bundok.
"Malayo ba ang falls, Kelay?" Tanong ni Vannie sa akin habang hawak namin ang kamay ni Keyfer na tuwang tuwa rin naglalakad may maliit itong pack bag nasuot.
"Medyo, pero para sa amin malapit na lang kasi sanay na kami," sabi ko.
Tumango naman si Vannie.
Napatingin naman ako sa likod nandoon ang mga boys, habang nasa harap naman namin sila Val, Beb, Chelle at Carel na puro groupie ang ginagawa minsan ang sinasami kami sa pagpicture nila.
BINABASA MO ANG
That Crazy Probinsyana Girl
HumorSimple lang ang buhay ni Kelay, tahimik at isang normal na probinsyana lamang pero ng dumating ang isang ekstrangherong lalaki sa buhay niya, marami siyang natutunang bagay, doon siya nagmahal, subalit na saktan din. Dumating ng biglaan ang ekstrang...