Part 23
Nagising ako kinabukasan na parang binibiyak ang ulo ko sa sobrang sakit halos hindi ako makabangon sa higaan ko sa sobrang sakit.
Naramdaman ko na bumukas ang pintuan pero hindi ko nakita kung sino pumasok dahil hindi ko maimulat ang mata ko sa sobrang sakit ng ulo ko nakahawak na rin ako sa ulo ko.
"Huwag ka nang babalik ng club na 'yon! At huwag na huwag ka nang iinom ng hindi mo kaya!" Halos sumigaw na sabi ni Nathaniel.
"Manahimik ka muna please! Ang sakit ng ulo ko!" Inis na sabi ko.
Hindi naman siya nagsalita naramdaman ko na umupo siya sa kama at inayos niya ako ng tayo, pinaupo niya ako sa kama, mayamaya ay may naramdaman akong na parang may kutsara sa tapat ng bibig ko.
"Ano 'yan?" Tanong ko, habang nakapikit pa rin.
"Sopas pagkatapos nito uminom ka ng gamot! Ang tigas kasi ang ulo mo!" Sabi niya sa akin.
Hindi ko siya pinansin at tinanggap na lang ang kutsarang may lamang sopas.
Sinubuan niya lang ako hanggang sa maubos ko iyon.
"Maligo ka muna para mawala na 'yang hang-over mo tapos uminom ka na ng gamot," sabi niya tumango naman ako, pilit kong minulat ang mata ko inalalayan naman niya ako papasok sa banyo, nang makapasok ako roon ay dumeretso ako sa shower at nagshower matapos noon ay medyo nawala na ang sakit ng ulo ko, nang may nakita akong bathrobe ay sinuot ko iyon paglabas ko ng kwarto ay napakunot noo ako, napansin ko na hindi ito 'yong sa condo ni Nathaniel. Napatingin ako sa kama may nakita akong paper bag na may notes doon. Binasa ko iyon.
Kelay,
Ito ang damit na susuotin mo, nasa may side table ang gamot at tubig inumin mo, pagkatapos bumaba ka. Oo ng pala nasa bahay kita ngayon, at si Carel nasa condo na siya huwag kang mag-alala sa kanya.
Kuya Gwapo.
Napailing na lang ako sa last na nakasulat. Matapos kong magbihis ay bumaba na ako, hamanga ako sa bahay niya, sobrang ganda ng bahay niya ang ganda ng pagkakadesign, puro glass siya at halos kita na ang nasa labas ng bahay. At ang hagdan ng bahay niya ay sobrang ganda rin, mansyon na yata ang bahay niya na ito, napansin ko na parang wala tao rito. Nang makababa ako ay mas nakita ko ang furniture, magaganda ang mga ito at halatang mamahalin.
"Kelay!" Narinig kong tawag niya sa akin, napatingin naman ako sa gilid ko at nakita ko siya na nakatayo habang nakapamulsa.
"Uuwi na ako," sabi ko.
Tiningnan niya naman ako ng masama.
"Ano?" Tanong ko.
"Hindi ka muna uuwi, hindi mo pa kaya, ihahatid na lang kita mamaya," sabi niya.
"Bakit mamaya pa? Pwede namang ngayon na," sabi ko.
"Tinatamad ako," sabi niya sabay lakad papunta yata sa kusina sumunod naman ako sa kanya.
"Anong klaseng dahilan 'yan!" Sabi ko.
Nagkibit balikat lang siya at dumeretso sa ref at kumuha ng tubig na maiinom.
BINABASA MO ANG
That Crazy Probinsyana Girl
HumorSimple lang ang buhay ni Kelay, tahimik at isang normal na probinsyana lamang pero ng dumating ang isang ekstrangherong lalaki sa buhay niya, marami siyang natutunang bagay, doon siya nagmahal, subalit na saktan din. Dumating ng biglaan ang ekstrang...