Part 8

2K 53 10
                                    

Part 8

"Ha? Ano Kuya Gwapo?" Tanong ko sa kanya. Nagbibiro ba siya? At ako pa ang tinanong niya. Simple lang naman gagawin ko.

Hahalikan at rarape-in lang naman kita Kuya Gwapo!

Syempre joke lang iyon mamaya isipin niya pa na napakadesperada ko, dalagang Pilipina pa naman ako.

Pero seryoso ba talaga siya o nang ti-trip na naman?

Pinaasa niya na naman ang puso ko! Charr lang.

Tiningnan niya lang ako at nagsimula na siyang magbanlaw ng katawan matapos noon ay umalis na siya ng walang imik.

Tingnan mo itong lalaking ito! Kung maka-walk out akala mo ang laki ng kasalanan ko sa kanya.

Bahala nga siya sa buhay niya! Oo o hindi lang naman sagot sa tanong ko e.

Nagbanlaw na rin ako tapos noon ay nagbihis na ako ng damit may baon na akong damit kasi mamaya hindi na ako uuwi sa bagay deretso na ako dito kasi mamaya na rin ang pageant.

Kila Val muna ako pansamantalang makikituloy doon na rin daw ako aayusan ng nirentahan nila para mag-ayos sa akin.

Lumipas ang marami pang oras ay natapos na ang palaro mga bandang alas quatro ay itinigil na iyon.

Ako naman ay pumunta na kila Val, pinakain muna ako bago ako ayusan.

Mabuti na lang ang aayos sa akin ay ang Tito ko sa pinsan na bakla.

Matapos kong kumain ay pinasuot sa akin ang isang bathrobe.

Nasa kwarto kami ni Val doon ako inaayusan. At sila Beb, Val at Chelle lang din ang tao doon hindi na sila nagpapasok pa, surprise daw kasi sabi nila mga pakulo talaga nila.

Nakaupo ako sa isang mono block habang minimake-upan ako.

"Kelay! Galingan mo! Pagagandahin pa kita lalo, irampa mo ang Castañeda! Ipakita mo kung gaano kaganda ang lahi natin." Sabi ni Tito sa akin.

"Syempre naman!" Sabi ko.

Nagtatawanan lang kami habang inaayusan nila ako.

Matapos akong ma-make-up-an ay lumabas muna si Tito, nagbihis na ako ng T-shirt na kulay puti at isang short shorts yon kasi ang susuotin namin sa opening kasi ay sasayaw kaming lahat na candidate.

Tinulungan ako ng tatlo, tinali ni Beb ang damit ko hanggang sa makita ang pusod ko.

Tinulungan din nila ako isuot ang high heels ko, o ang killer Heels ko.

Matapos noon ay inayos nila ang medyo nagulo na buhok ko.

"Ang ganda-ganda talaga ng ate Kelay ko! Bagay kayo ni Kuya Leuwiz!" Sabi ni Val.

"Ay! Naku kaya mahal na mahal kita Val e,'" sabi ko.

Tumawa naman ang dalawa. Natigil lang kami sa pagtawa ng may kumatok mayamaya ay bumukas 'yon, pumasok doon si Tito.

"Ang ganda mo talaga pamangks!" Sabi niya, kinuha niya 'yong number ko at nilagay sa kanang bahagi ng malapit sa baywang ko.

"Salamat Tito!" Sabi ko.

"O siya bilisan mo magsisimula na ang pageant!" Sabi niya, niretouch niya muna ako bago kami lumabas ng kwarto ni Val.

Inalalayan nila ako hanggang sa makarating kami sa sofa. Pinaupo muna nila ako roon, nang madala nila ang dapat dalhin ay tinulungan nila ako tumayo, may dala-dala na si Chelle at si Beb ng mga susuotin ko si Tito at Val naman ay inalalayan ako, mabuti na lang ay wala nang masyadong tao sa labas ng bahay nila Val, nasa Gym na yata silang lahat, marahan akong naglakad habang nakaalalay sa akin ni Val at Tito.

That Crazy Probinsyana Girl Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon