Part 15

2K 50 3
                                    

Part 15

"Kelly paki papirmahan sa vice-president, tapos paki dala na rin sa President paki papirmahin mo na rin kailangan lang 'yan," sabi sa akin ng isang babaing galing sa finance department.

Tumango lang ako sa kanya at kinuha ko ang papel na inabot niya sa akin.

Nakahilot ako sa ulo dahil sobrang dami kong gagawin, kanina pa ako pabalik-balik sa loob ng opisina ni Sir Nathaniel.

Nilagay ko muna sa lamesa ko 'yong papel at tinuloy ko ang binabasa ko na isang pinapapirma sa akin kay Sir, baka kasi mamaya mapagalitan na naman ako noon kapag hindi ko alam ang pinapapirmahan ko.

Isang beses kasi pinagalitan ako noon noong inabot ko na lang sa kanya 'yong pinapipirmahan sakto naman na sobrang dami niyang ginagawa kaya hindi na niya binasa ako ang tinanong niya tungkol doon, e hindi ko na basa 'yon, ayon pinagalitan ako.

Masama pala magalit bilang boss si Kuya Gwa-- I mean si Sir Nathaniel.

Matapos kong mabasa ang isang papel ay nilapag ko siya sa mesa ko at binasa ko naman ang susunod hanggang sa natapos akong magbasa pumasok na ako sa loob ng office niya, nakita ko naman na sobrang seryoso niya habang nagtatype sa laptop niya.

"Sir kailangan niyo raw pirmahan 'to," binigay ko sa kanya 'yong mga papel, sinabi ko sa kanya ang bawat nilalaman ng pinapapirmahan ko para hindi na siya nagtanong.

May ilang hiniwalay siyang papel ang ilan naman ay pinirmahan niya inabot niya sa akin ang magkahiwalay na papel.

"Napirmahan ko na ito, 'yang isa kay Vergara mo muna papirmahan bago sa akin," sabi niya habang tinuturo sa akin ang papel na walang pirma niya.

Tumango ako sa kanya at kinuha 'yon.

Lumabas ako ng office niya at sumakay ng elevator papunta sa office ng President.

Nang makarating ako roon ay hindi ko nakita ang secretary ni Sir Nathan kaya ako na ang pumasok.

Pagpasok ko sa loob ay kunot noo akong tiningnan ni Sir Nathan.

"Pa-papirma raw po sir," sabi ko umiwas siya ng tingin sa akin sabay tango habang nakakunot noo.

Nilagay ko sa table niya ang papel bago ako lumabas ng office niya.

Pagkarating ko sa table ko ay nakangiti na akong uupo na sana dahil kaunti na lang ang tatapusin ko ang may biglang tumawag sa telepono kaya sinagot ko iyon.

Si Sir Nathan pinapabalik ako sa opisina niya para ibigay 'yong papel na napirmahan na niya kay sir Nathaniel.

Napabuntong hininga ako bago naglakad papunta ulit sa office ni Sir Nathan.

Pagkarating ko roon ay binigay niya sa akin 'yong papel na napirmahan na niya.

Nang makabalik na ako kung nasaan ang office ni Sir Nathaniel ay pumasok ako sa loob noon.

Nakita ko siya na nakaupo sa upuan niya habang hinihilot ang batok niya.

"Napirmahan na po ni Sir Nathan, pirma niya naman po," sabi ko sabay abot sa kanya ng papel.

Nang makalabas na ako ay uupo na ulit sana ako sa table ko nang tinawag ako ni Sir Nathaniel gamit ang intercom.

Napasipa ako sa inis.

Pwede paupuin muna nila ako kanina pa ako pabalik-balik.

Pilit kung inayos ang mukha ko ng pumasok ako sa loob ng office niya pagpasok ko ay nakita kong nakakunot noo siya sa akin.

"Walang pirma 'to ibalik mo kay Vergara!" Sabi niya sa akin.

Napasimangot naman ako.

"Bakit nakasimangot ka?" Tanong niya sa akin.

That Crazy Probinsyana Girl Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon