Part 12
"Kamusta ka na riyan, apo?" Tanong sa akin ni Lola nakausap ko sa cellphone.
"Maayos naman po, La." Sabi ko habang naglalakad ako pauwi sa tinutuluyan ko.
Mahigit dalawa taon na nga pala ang lumipas at sa ngayon ay nasa Manila ako, naghahanap ako ng trabaho hindi na kasi sapat ang kinikita namin sa probinsya, lalo na noong nastroke si Lolo, nakasangla na ang lupang namana ni Lolo sa mga magulang niya ang tanging hindi na lang nasasangla ay 'yong lupain kung saan nakatayo na ang bahay namin.
Mag-iisang linggo pa lang ako dito sa Manila, at sa bawat araw na nandito ako ay naghahanap ako ng trabaho pero wala pa rin akong nakikita.
"Nakakain ka na ba apo?" Tanong ni Lola sa akin.
"Hindi pa po pauwi pa lang po ako sa boarding house," sabi ko.
"Aba'y gabi na apo kumain ka na at magpahinga, 'wag kang mag-alala alam kong makakahanap ka rin ng trabaho," sabi sa akin ni Lola.
"Opo La, 'wag na po kayong mag-alala sa akin dito, kamusta na pala si Lolo?" Tanong ko kay Lola.
"Ayon ganoon pa rin," malungkot na sabi ni Lola.
"Hayaan mo 'La kapag ako nagkaroon ng trabaho maipapagamot na natin si Lolo," sabi ko.
"Makakakita ka rin apo, sige na apo ingat ka pauwi," sabi ni Lola.
Pinatay ko na ang tawag at nagpatuloy sa paglalakad pa uwi.
Noong unang araw ko rito ay medyo nanibago ako dahil maingay tuwing gabi, pero nang makatagal na ay unti-unti na akong nasasanay.
Tumutuloy ako pansamantala ngayon sa isang boarding house, pero kapag may trabaho na ako maghahanap na ako ng apartment na para sa akin.
Sa dalawang taon na nakalipas sa buhay ko, wala akong balita kay Nathaniel, hindi niya tinupad ang pangako niya sa akin.
Naghintay ako sa kanya pero wala siya, hinihintay ko ang tawag niya pero wala, halos dalawang taon din akong umasa.
Buti nagising din ako sa katutuhanan, sino nga ba ako para maalala niya ulit.
Hindi ko na rin pinagdarasal na magkita muli kami kasi alam kong wala ng pag-asa iyon, siya ang unang lumayo kaya hindi ko na siya hahabulin, hindi naman ako ganoon ka desperada para sa kanya.
Nang makarating na ako sa inuupahan kong boarding house ay pumunta na ako sa kwarto ko at nagbihis ng damit matapos noon ay pumunta ako sa kusina at kumain ng binili kong pagkain.
Matapos kong kumain ay bumalik ako sa kwarto ko, nakita ko roon ang ka roommate ko na katatapos lang maligo.
"Oy Kelay! May nakita ka na bang trabaho?" Tanong niya sa akin ni Carel.
"Wala pa nga e," sabi ko sabay upo sa kama ko.
"May isa-suggest ako sa iyo doon sa pinatatrabahuhan ko," sabi niya.
"Saan?" Masaya kong tanong, kailangang kailangan ko na kasi ng trabaho.
Wala na akong pera mauubos na ang pera ko kaya kailangan ko nang magkaroon ng trabaho, magastos pala talaga rito sa Manila, lahat ay kailangang bilhin.
"Open sila ngayon sa mga naghahanap ng trabaho, try mo roon," sabi niya sa akin.
"Sige! Salamat sa'yo Carel," sabi ko.
"Walang anuman, bukas sabay ka na sa akin ihanda mo na resume mo," sabi niya.
Sunod-sunod naman akong tumango.
BINABASA MO ANG
That Crazy Probinsyana Girl
HumorSimple lang ang buhay ni Kelay, tahimik at isang normal na probinsyana lamang pero ng dumating ang isang ekstrangherong lalaki sa buhay niya, marami siyang natutunang bagay, doon siya nagmahal, subalit na saktan din. Dumating ng biglaan ang ekstrang...