Epilogue

3.4K 87 28
                                    

Epilogue

Masayang naglalaro ng bahay-bahayan ang pitong taon gulang na si Kirsten kasama ang ang kalaro niya na si Britina na apat na taong gulang lamang, ang panganay na anak ni Bry. Habang naglalaro sila sa ilalim ng puno ng mangga ay tahimik naman na nanonood lang sa kanila si Keyfer.

"Kuya Keyfer laro tayo," sabi naman ni Kellan ang kakambal na kapatid ni Kirsten.

"Sure," nakangiting sabi ni Keyfer, masayang namang nagtatalon si Kellan.

"Sige kuya habulin mo ako ikaw ang taya," sabi ni Kellan sabay takbo, napailing na lang si Keyfer at hinabol ito.

"Kuya sali rin kami," sabi naman ni CL na isa sa kambal na kapatid ni Keyfer. Tumango naman si Keyfer, sabay-sabay naman na nagtakbuhan ang mga bata habang hinahabol ito ni Keyfer. Nasa probinsya sila ngayon kaya malaki ang space na natatakbuhan nila.

Hinahabol ni Keyfer si Kellan ng bigla nadapa si Kellan at nasagi nito ang doll house ni Kirsten. Tiningnan naman ng masama ni Kirsten si Keyfer.

"Bakit mo sinira ang doll house ko? Isusumbong kita kay mama!" Sabi ni Kirsten kay Keyfer, paiyak na si Kirsten dahil nasira ang doll house niya na regalo sa kanya ng papa niya noong nagbirthday siya.

Kunot noo naman na tumingin si Keyfer kay Kirsten. "Hindi ako ang nakasira bakit sa akin ka nagagalit?" Inis na tanong ni Keyfer kay Kirsten.

"Ikaw ang may kasalanan kung hindi mo sana hinabol si Kellan, e 'di sana hindi siya nadapa! Bad ka! Bad!" Sabi ni Kirsten sabay apak sa paa ni Keyfer. Nagtatalon naman sa sakit si Keyfer.

"Ano bang problema mong bata ka? Hindi naman ako ang may kasalanan," sabi ni Keyfer habang hawak-hawak ang paa niya.

"Kasi napakabad mo sa akin, Keyfer na pangit!" Sabi Kirsten.

"Ate, 'wag ka na magalit kay kuya Keyfer, ako naman ang may kasalanan," sabi ni Kellan sa kakambal niya.

"Hoy bata! Huwag mo akong matawag na Keyfer! Mas matanda ako sa iyo uhugin na bata ka," sabi ni Keyfer kay Kirsten.

Napakuyom naman ng kamao si Kirsten sa sinabi ni Keyfer.

"Napakabad mo! Tara suntukan tayo para malaman mo kung sinong batang uhugin ang sinasabihan mo!" Galit na sabi ni Kirsten.

"Hindi ako pumapatol sa batang uhugin, isa pa ang liit-liit mo, magpalaki ka muna," sabi ni Keyfer dito.

Lalo naman naasar si Kirsten kay Keyfer, kaya naman sinugod niya ito ay walang pag-aalinlangan na sinuntok ang tiyan ni Keyfer.

Nagsisigaw naman si Keyfer sa sakit.

"Bwisit kang uhugin kang bata ka, humanda ka sa akin!" Sabi ni Keyfer habang nakahawak sa tiyan niya.

"Hala, nag-aaway na naman si ate Kirsten at kuya Keyfer," bulong ni Britina kay Kellan.

Nang lalaki naman na matang nakatingin si Kellan sa dalawang nag-aaway, nakita nila na susugod na si Keyfer kay Kirsten, halata ang galit sa mukha ni Keyfer, baka magsuntukan talaga ang dalawa. Walang laban dito ang maliit pang si Kirsten.

Dahil sa nasasaksihan ng mga batang nanonood sa dalawang nag-aaway ay nagmamadali itong tumakbo papunta sa loob ng bahay, kung nasaan nandoon sila Kelly, Nathaniel, Vannie at Nathan.

"Mama, si kuya Keyfer at ate Kirsten nag-aaway na naman!" Sigaw ni Kellan kila Kelay na komportableng nakaupo sa mahabang sofa.

Halos sabay-sabay naman napasinghap sila Kelay at Vannie, habang si Nathaniel at Nathan naman ay mabilis na tumakbo palabas ng bahay. Mayamaya ay sumunod na rin sila Kelay, habang hawak-hawak nila ang kamay ng mga bata.

That Crazy Probinsyana Girl Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon