Part 21
"Pwede kayong makitira muna roon sa condo ko," sabi ni Nathaniel.
Parehas naman nanglaki ang mata namin ni Carel.
"Ano?!" Sabay naming sabi ni Carel.
"Sabi ko pwede kayong doon muna pansamantala sa condo ko," sabi niya.
Nanglaki naman ang mata ko.
Ibig sabihin noon magkasama kami sa iisang bahay?
"Ha? Hindi pwede!" Sabi ko.
"Huwag ka nang choosy Kelay wala tayong matitirhan! Tara na po Sir Nathaniel," sabi ni Carel.
"Hindi pwede! Iisang bahay tayo? Ayoko! Baka matsimis tayo!" Sabi ko.
Napangisi naman si Nathaniel.
"So?" Sabi niya.
Kinunutan ko naman siya ng noo.
Si Carel naman ay pabalik-balik ang tingin sa aming dalawa.
"Malalim na rin ang gabi tara na," sabi ni Nathaniel sabay lakad papunta sa kotse niya, agad naman akong hinila ni Carel.
"Huwag ka nang tumangi Kelly, kaysa naman wala tayong matulugan ngayong gabi," sabi ni Carel, hindi na lang ako nagsalita, tama rin naman si Carel, mabuti na lang din at dala ko ang pera, 'yong mga damit at ilang gamit ko ay nasunog, kasama na roon 'yong picture nila Lola at Lolo.
Nang nasa kotse na kami ay agad akong inunahan ni Carel paupo sa harapan, mas okay na rin naman iyon.
Sa likod ako umupo, napatingin naman si Nathaniel sa akin gamit ang salamin. Tiningnan ko lang din naman siya.
Buong byahe ay si Carel lang ang maingay, tanong ng tanong kay Si Nathaniel ako naman ay nakatingin lang sa labas.
Kailangan ko ulit bumili ng masusuot ko, kaya pa naman siguro ng budget ko iyon.
Pansamantala lang naman ang pagtira namin kila Nathaniel kapag nakaluwag na kami aalis na rin kami.
May pinasukan na isang malaking building si Nathaniel, pumasok siya roon at dumeretso sa parking lot, matapos maipark ang kotse niya ay bumaba na kami roon.
Naunang naglakad sa amin si Nathaniel kami naman ni Carel ay nakasunod lang sa kanya.
Sumakay siya sa elevator sumunod naman kami.
Nang makasakay na kami ay may pinindot doon si Nathaniel.
Mga ilang minuto lang ay tumunog na ang elevator hudyat na nandoon na kami.
Lumabas si Nathaniel, sumunod naman kami, may tinigilan siyang isang pintuan at binuksan iyon.
Pagkapasok namin ay binuksan ni Nathaniel ang ilaw, halos mapanganga naman ako sa ganda ng condo niya.
Umupo si Carel sa sofa ni Nathaniel ako naman ay nanatiling nakatayo.
Nilibot ko ang paningin ko sa paligid, may nakita akong isang kwarto lang, napakunot noo naman ako.
"Saan kami matutulog? Iisa lang ang kwarto," sabi ko sabay turo sa pintuan kung nasaan ang kwarto.
"Diyan," sabi niya sabay tingin sa pintuang tinuturo ko.
"Ikaw?" Tanong ko.
Ngumisi siya sa akin.
"Pwede sa tabi mo," sabi niya habang nakangisi.
Tiningnan ko naman siya ng masama at binato sa kanya ang throw pillow.
Tumawa lang naman siya, si Carel naman ay nakataas ang isang kilay habang nakatingin sa akin.
BINABASA MO ANG
That Crazy Probinsyana Girl
HumorSimple lang ang buhay ni Kelay, tahimik at isang normal na probinsyana lamang pero ng dumating ang isang ekstrangherong lalaki sa buhay niya, marami siyang natutunang bagay, doon siya nagmahal, subalit na saktan din. Dumating ng biglaan ang ekstrang...