Part 30

2.4K 51 8
                                    

Part 30 (Final Chapter)

****
Final chapter na ito, gusto ko itong idedicate sa mga taong nagtitiyaga sa paghihintay ng UD kong parang pagong. Salamat sa inyo, kahit silent readers lang kayo dama ko naman kayo. Salamat ng marami. At syempre salamat sa active na nagvovotes, maraming salamat sa votes niyo. Ayieee thank you napapasaya niyo ako. Ayoko man tapusin ang kay Nathaniel at Kelay na story, pero kailangan. Plug ko na rin po iyong series na ginagawa ko ngayon; Civil Engineer Series 1: Eyes On You po ang title nasa works ko po. Maraming salamat sa lahat. Lovelovelove muah.

********

Inaalalayan ko si lola na makaupo sa upuan niya rito sa Arena kung saan magaganap ang farewell concert para kay Nathaniel.

"Napalaki naman ng lugar na ito apo," sabi ni lola ng makaupo na siya inikot niya ang paningin niya sa loob ng Arena.

"Marami po kasing fans sila Nathaniel, 'la," sabi ko.

Tumingin naman sa paligid si lola, napatango naman siya sa rami ng taong nakikita niya na papaupo pa lang sa kanilang mga upuan nasa pinakaharap kami ng upuan, pangatlong row kami sa gitnang bahagi ng Arena.

Matagal na dapat ang farewell concert na ito pero hindi ko alam kung bakit ngayon lang ito ginanap hindi naman ako makatanong kay Nathaniel dahil naging busy siya ng ilang buwan para sa preparation nila.

Limang taon na ang nakalipas simula na maging kami ni Nathaniel, nakagraduate na rin ako ng koleheyo at kami naman ni Nathaniel naging matatag kaming dalawa, minsan nag-aaway at nagkakaroon ng hindi pagkakaunawaan pero nalalagpasan naman. Limang taon na rin kaming magkarelasyon marami na rin kaming pinagdaanan, masaya kami pareho ni Nathaniel. Lagi nga lang kami kinukulit ng mga pinsan ko kung kailan ba raw kami magpapakasal. Ayoko naman na sumagot kasi hindi pa talaga namin napag-uusapan ni Nathaniel. Tsaka ayokong pangunahan si Nathaniel sa bagay na iyon, kaya ko naman maghintay hangga't sa gusto niya na rin, nasa tamang edad na rin naman ako para sa pagkakasal kaya wala namang problema, si lola naman hindi ko pababayaan, si lola na lang natira sa akin kaya naman aalagaan ko iyan si lola.

That Crazy Probinsyana Girl Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon