Part 29
Nathaniel's
"Nakausap mo na ba si Kelay?" Tanong sa akin ni Hayden na nakasilip sa may pintuan ng office ko.
"Hindi pa, hindi niya sinasagot ang tawag ko, nakapatay yata ang cellphone," sabi ko.
Kanina ko pa siya kinokontak pero hindi ko siya matawagan, nag-aalala na ako sa kanya, tinawagan ko naman si Val kung okay lang si Kelay, sinabi naman nito na ayos lang daw namin nasa bahay daw nila ito at kasama ang lola niya.
"Baka kasama si Bry, hala ka iniwan mo pa kasi mamaya na sulot na 'yon ni Bry!" Sabi ni Hayden, tiningnan ko naman ng masama si Hayden. Tinawanan lang naman ako nito.
"Nandito sa Manila si Bry," sabi ko.
"Malay natin," sabi niya habang tumatawa.
"Joke lang ito naman baka nalowbat lang cellphone niya mamaya mo na lang ulit tawagan!" Sabi ni Vannie.
Bumuntong hininga lang ako bago tumalikod kay Hayden, naramdaman ko naman na lumabas na si Hayden sa office ko. Nakatingin lang ako sa araw na papalubog na.
Isang taon na ang nakalipas simula ng mamatay ang lolo ni Kelay at doon ko nakita ang sobrang lungkot na si Kelly, iyak siya ng iyak lalo na noong nilibing na ito halos himatayin na si Kelly kakaiyak niya mahal na mahal niya ang lolo niya kaya hindi ko rin siya masisisi.
Matapos mailibing ang lolo niya ay makalipas lang ang tatlong araw ay sabay-sabay na umuwi sila Hayden, Nathan at Carel. Nagpaiwan muna ako dahil alam kong kailangan pa ako ni Kelay, tumagal din ako ng isang buwan sa piling ni Kelay, pero umalis din agad ako gustuhin ko man manatili ay hindi pwede dahil mayroon akong trabahong naiwan. Pinilit lang din ako ni Kelay na bumalik na ako rito sa Manila. Hindi na siya sumama sa akin papunta sa Manila dahil hindi niya raw kaya iwan ang kanyang lola, wala kasi itong kasama. Kaya naman silang dalawa ay nasa probinsya, pinagkakakitaan nila ang lupa na tinubos ko pero binabahagihan niya ako sa mga kinikita, sinasabi ko na 'wag na pero matigas talaga ang ulo niya hindi siya nakikinig sa akin. Hinuhulog-hulugan niya rin ang lupa na tinubos ko hinuhulog niya iyon sa bank account ko at doon na deneretso na hulog para hindi ako makapagreklamo. Kaunti na lang din naman ang huhulugan niya sa lupa.
At kami ni Kelay, masasabi kong maayos na kami hindi kami magkarelasyon pero mayroon kaning mutual understanding. Sinabi ko na rin sa kanya ang lahat, dahil na banggit niya sa akin na sinabi na raw sa kanya ni Hayden ang nangyari noong panahon na nawalan kami ng kominikasyon.
Naging maayos na kami ni Kelay, si Bry naman masaya na rin siya, siya na ang bagong vocalist ng banda nila Nathan.
Bumalik ako sa upuan ko pero humarap ulit ako sa araw na malapit na lumubog.
Bumalik sa akin ang alaala na napunta ako sa lugar nila Kelay, noong panahon na una ko siyang nakita.
Wala talaga akong maalala noong panahon na iyon, kahit pangalan ko hindi ko maalala. Inalagaan at tinanggap ako nila Kelay kahit na hindi nila ako kilala. Habang tumatagal ay nakikilala ko si Kelay, natutuwa ako sa personality niya.
Hanggang sa isang araw na bumalik sa akin ang alaala ko. Mas lalo akong naattract kay Kelay, nakikita ko sa kanya si Hayden, ang first love ko. Lahat ng atensyon na gusto kong makuha galing kay Hayden ay naibibigay sa akin iyon ni Kelay. Kaya naman noon kapag nakikita ko si Bry na lumapit kay Kelay na aasar ako, nababadtrip ako. Kahit kita ko naman na asar na asar si Kelay kay Bry ay hindi ko mapigilan ang magselos, parang normal lang silang nag-aaway pero naiinis ako, nababadtrip ako at nagseselos ako. Naisip ko noon na siguro 'yong selos ko ay dahil nakikita ko lang sa kanya si Hayden. Nagkamali ako roon, dahil totoong nagugustuhan ko na si Kelay, siya ang tipo ng babae na hindi mahirap mahalin siya ang tipong babae na sobra dali mahulog ang loob mo sa kanya.
BINABASA MO ANG
That Crazy Probinsyana Girl
HumorSimple lang ang buhay ni Kelay, tahimik at isang normal na probinsyana lamang pero ng dumating ang isang ekstrangherong lalaki sa buhay niya, marami siyang natutunang bagay, doon siya nagmahal, subalit na saktan din. Dumating ng biglaan ang ekstrang...