Part 14
Nag-unat ako ng katawan dahil sa sobrang sakit na ng likod ko, may tinatapos akong isang report ngayon na pinagawa sa akin ni Sir Nathaniel.
Isang linggo na akong nagtatrabaho rito at masasabi ko na naging okay naman ang pagtatrabahuhan ko, hindi ko kinakausap si Sir Nathaniel kung hindi naman ito tungkol sa trabaho, kaya ayon nagalit yata sa akin at tinambak sa akin ang maraming gawain.
At grabi rin siya, siya pa ang may ganang magalit sa akin.
Naku! Kung hindi ko lang siya boss nginodngod ko na siya sa mga papel na nakatambak sa table ko.
"Good evening Kelay!" Napatingin ako kay Vannie na nasa harap ko habang nakangiti sa akin.
"Good evening," sabi ko sabay ngiti.
"Ang daming trabaho a, inaabuso ka noong Juan na 'yon 'no? Iyang Juan na 'yan tatamaan sa akin 'yan!" Sabi niya.
"Hindi okay lang ito kaya ko pa naman," sabi ko.
"By the way! Nandiyan pa 'yong boss mo?" Tanong niya sa akin.
Tumango naman ako sa kanya.
"Oo, nagkukulong sa loob kanina pa 'di lumalabas! Baka nga nagbigti na 'yon e," sabi ko habang inaayos ang mga papel na nasa table ko.
Napatingin naman ako kay Vannie na nanglalaki ang mata habang nakatingin sa akin.
"Nagbigti! Hindi pwede!" Sabi niya sabay takbo papasok sa loob ng opisina na ni Sir.
Napailing na lang ako habang inaayos ang mga papel sa table ko.
Sa isang linggo kong pagtatrabaho ay nakilala ko na rin si Vannie, mabait siya sobra, pero minsan iba ang takbo ng isip, mas malala yata ang tama noon sa utak.
Pinigilan ko ang matawa ng marinig ko ang malakas na boses na Vannie.
Mayamaya ay naring ko na sumigaw rin si Sir.
Napailang na lang ako.
"Kelay!" Sabi ni Vannie na nasa may pintuan na pala.
"Bakit?" Tanong ko.
"Hindi naman nagbigti e, muntik lang daw kasi ay--"
"Shut up, Hayden!" Sabi ni Sir Nathaniel na nakatakip na ang kamay niya sa bibig ni Vannie, tinanggal naman iyon ni Vannie.
"Tara na, gutom na ako e," sabi ni Vannie sabay hatak sa akin.
"Teka lang!" Sabi ko.
"Tara na sama ka sa amin maggo-group date tayo!" Sabi niya nanglaki naman ang mata ko.
"Charr lang!" Sabi niya sabay tawa.
"Hindi na lang ako sasam--" hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng bumalik siya sa table ko at kinuha ang bag ko at hinila na ako papunta sa elevator.
Si Sir Nathaniel naman ay nasa likod namin na nakasunod.
Nang makasakay na kami sa elevator ay nilagay ni Vannie ang braso niya sa braso ko.
Pumasok din doon sa loob si Sir.
"Nasaan si Vergara, Hayden?" Tanong ni Sir kay Vannie.
"Ako nandito ako!" Nakataas na kamay pang sabi ni Vannie.
Tiningnan naman siya ng masama ni Sir.
"Bakit? Vergara naman ako a," sabi niya.
"Tsk!" Sabi ni Sir.
"Alam mo ang sungit mo! Nagsusungit ka na ngayon! Kung 'di ka lalaki iisipin kong buntis ka!" Sabi ni Vannie.
Napakunot naman ng noo si Sir.
BINABASA MO ANG
That Crazy Probinsyana Girl
فكاهةSimple lang ang buhay ni Kelay, tahimik at isang normal na probinsyana lamang pero ng dumating ang isang ekstrangherong lalaki sa buhay niya, marami siyang natutunang bagay, doon siya nagmahal, subalit na saktan din. Dumating ng biglaan ang ekstrang...