Part 28
Pinahid ko ang mga luha ko gamit ang aking mga kamay.
"Wala akong planong sabihin sa iyo ang lahat Kelay pero mukhang walang plano rin si Juan na sabihin sa'yo, at deserve mo rin naman na malaman ang totoo," sabi sa akin ni Vannie sabay tapik sa balikat ko at iniwan ako sa pwesto, pumunta yata siya kay Keyfer dahil narinig ko na kinausap siya ng anak niya.
Inayos ko ang sarili ko, pinipilit ko ang sarili ko na huwag pumatak ang mga luha ko.
At nabigo ako dahil hindi ko mapigilan, kaya naman minabuti ko muna na umalis doon, pumunta ako sa lugar na may kalayuan sa kanila, gusto ko muna mapag-isa.
Akala ko sinadya ni Nathaniel na kalimutan ako iyon pala hindi, akala ko wala na siyang pakialam sa akin. Pero akala ko lang ang lahat. Bakit nga ba hindi ko na isip iyon dati, noong mga panahon na dapat na naming mabayaran ang pagkakasangla ng lupa, sinisingil na kami noon. Pero nagulat na lang ako noon ng isang araw na hindi na kami sinisingil at sinabi pa na okay lang na taniman namin iyon.
Napuno ako ng galit, hindi ko man lang din naisip si Nathaniel, may mabigat siyang pinagdaanan.
Tama si Lolo, hindi kami nakalimutan ni Nathaniel, nandoon siya ng panahon na kailangan namin siya.
Mahal ko pa rin naman talaga si Nathaniel, natatakot lang ako, natatakot ako na maulit ang lahat na iwan na lang niya ako bigla.
"Kelay" narinig ko tawag sa akin, mabilis ko naman pinunasan ang mga luha ko.
Humarap ako sa tumawag sa akin at tipid akong ngumiti.
"Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko.
Lumapit siya sa akin, hinawakan niya ang mukha mo, pagkatapos ay pinunansan niya ang mata ko.
"Nakita kitang kanina na umiiyak," sabi niya.
Hindi ko alam dahil sa sinabi niya ay umiyak ako, bigla niya akong hinila at niyakap, napahagolgol ako sa may dibdib niya.
"Umiiyak na naman, lagi na lang kapag nakikita o nakakasama mo ang Montero na iyon mas gwapo naman ako sa kanya," sabi ni Bryan habang hinahagod niya ang buhok ko.
Hindi ako umimik umiyak lang ako sa balikat niya, sa dalawang taon na hindi nagparamdam si Nathaniel si Bryan ang nasandalan ko, sa kanya ako umiiyak at siya ang nagpapatahan sa akin.
Nilayo ako bahagyan ni Bry sa kanya pagkatapos ay hinawakan niya ang dalawa kong pisngi bago punasan ang mga luha ko habang nakatitig siya sa mga mata ko.
"Bakit kasi hindi na lang ako?" Tanong niya sa akin habang nakatingin sa mga mata ko.
Nakatitig lang din ako sa kanya, bakit nga ba hindi na lang siya? Bakit nga ba?
"Ako naman ang kasama mo noon simula pagkabata, ako naman ang laging tumutulong sa iyo noon kapag may nang aaway sa iyo sa school, ako naman ang lagi mo nakakalaro kahit inaasar kita, ako naman ang laging nandito sa iyo kapag kailangan mo, ako ang laging nasa tabi mo kapag madudulas o madadapa ka, ako ang sumasalo sa iyo kapag na huhulog ka, ako ang karamay mo kapag malungkot ka, ako naman ang laging nandito para sa iyo, bakit hindi na lang ako Kelay, nandito lang naman ako, matagal na akong nandito," sabi ni Bry sa akin habang nakatitig sa mga mata, nakikita ko sa mga niya ang lungkot, galit at pagsisi.
Nakatitig lang ako sa kanya hindi ko alam kung paano siya sagutin, kasi hindi ko alam, hindi ko alam ang sagot kung bakit hindi na lang siya.
"Siguro kung hindi kita inaasar noon baka ako ang nagustuhan mo, hindi ba? Baka ako iyong magbibigay ng saya sa mga mata mo, siguro kung hindi dumating si Nathaniel ako ang mamahalin mo, siguro kung dati pa ako umamin sa iyo baka ako pa," sabi niya, nagulat na lang ako ng pumatak ang luha niya sa mga mata niya.
BINABASA MO ANG
That Crazy Probinsyana Girl
HumorSimple lang ang buhay ni Kelay, tahimik at isang normal na probinsyana lamang pero ng dumating ang isang ekstrangherong lalaki sa buhay niya, marami siyang natutunang bagay, doon siya nagmahal, subalit na saktan din. Dumating ng biglaan ang ekstrang...