Part 19
Kinabukasan ay balik na ako sa trabaho, pagdating ko sa opisina ay na nandoon na si Sir Nathaniel.
Pumasok ako sa office niya para sana ayusin 'yong mga papeles sa table niya ng makita ko siya, nandoon na nakaupo sa mesa niya habang nakakunot noo na nakagtatype sa laptop niya.
"Anong kailangan mo?" Tanong niya sa akin nang hindi man lang tumitingin.
"Aayusin ko lang po sana 'yong mga papeles sa table niyo, maaga pala po kayo pumasok," sabi ko.
Hindi siya sumagot sa halip ay tuloy lang siya sa pagtatype.
"M-may gusto ba kayo, Sir?" Tanong ko sa kanya.
Natigil siya sa pagtatype at tumingin sa akin, umupo siya sa upuan niya at tiningnan ako ng seryoso.
"Paano kung sabihin ko sa'yo ang gusto ko maiibibigay mo ba?" Tanong niya.
Bahagya naman akong napanganga sa sinabi niya.
Napakunot noo siya, bago muling ibaling ang tingin sa laptop niya at magtype ulit.
"Si--"
"Never mind, pagtimpla mo ako ng kape," sabi niya.
Dali-dali naman akong lumabas ng opisina niya at pinagtimpla siya ng kape.
Pagbalik ko sa opisina niya ay may nakita akong tatlong lalaki roon na nakaupo sa couch.
"Hi Miss Beautiful!" Sabi noong isang lalaking may hikaw sa isang tainga niya.
"H-hello po," sabi ko sabay lakad papunta sa table ni Sir Nathaniel.
"'Di ba ikaw 'yong babae kagabi na sinayaw ni Nathaniel," sabi naman noong lalaking nakatali ang buhok na may kahabaan.
Nahiyang tumango naman ako.
Napakunot noo ako ng makilala ko siya.
Sila 'yong kabanda ni Sir Nathaniel.
"Alam mo bang pa-- aray!" Sabi noong lalaking biglang umakbay sa akin.
"Tigilan mo siya, Marx." Sabi ni Sir Nathaniel na nakakunot noo.
"Bakit ka nang bato ng libro?" Inis na tanong ni Marx.
"Ikaw kasi!" Sabi naman noong may hikaw sa tainga na sa pagkakaalam ko ay Luck ang pangalan.
"Umalis na kayo sa opisina ko!" Sabi ni Sir Nathaniel.
"Grabe ka sa amin, dati hindi ka naman ganyan! Parang walang pinagsamahan tayo a," sabi noong lalaking nakatali ang buhok na sa pagkakaalam ko ay Drakes ang pangalan.
"Layas!" Sabi ni Sir Nathaniel.
"Ito naman! Sige na, mamaya pala may gig! Kailangan ka namin!" Sabi ni Marx.
"Busy ako!" Sabi ni Sir Nathaniel.
"'Wag kang madaya, wala kaming vocalist!" Sabi ni Luck.
"Maghanap kayo, mag lilimang taon na akong umalis sa banda hindi pa rin kayo nakakahanap!" Sabi ni Sir Nathaniel.
"Wala kaming mahanap e," sabi ni Drakes.
Lumapit naman sa akin si Marx at tiningnan ako.
"Kumakanta ka?" Tanong niya sa akin.
Tumango naman ako.
"Good! Pahinging number mo, text namin sa iyo 'yong address kung saan ang gig!" Sabi ni Marx.
"Ha?" Tanong ko.
"Pareham ng cellphone," sabi niya habang nakalahad ang kamay niya sa akin.
"Ah eh," sabi ko sabay kuha ko sa cellphone ko, kinuha naman niya iyon at may tinype na number.
BINABASA MO ANG
That Crazy Probinsyana Girl
HumorSimple lang ang buhay ni Kelay, tahimik at isang normal na probinsyana lamang pero ng dumating ang isang ekstrangherong lalaki sa buhay niya, marami siyang natutunang bagay, doon siya nagmahal, subalit na saktan din. Dumating ng biglaan ang ekstrang...